Four

16 2 6
                                    

Agad agad kong inalis yung messy bun ko para matakpan yung mukha ko. Nakayuko rin akong lumabas nang mall. Nang tuluyan nang makalabas ay pumatak na naman yung luha ko.

Sino bang hindi maiiyak?! Makikita mo yung gago mong ex na may kalandiang bago. Magsama sila! Pareho silang higad! Bagay na bagay sila. Hayop sa hayop!

Nagmamadali akong sumakay nang jeep kahit siksikan na.

"Ano ba naman yan, kita nang siksikan na nga ipipilit pa." inis na bulong nung isang babae na parang nagsusumbong sa shota nitong mukhang bulldog.

"Mga letse kayo! Kung ayaw niyong masiksikan wag kayong magjeep! Atsaka ayusin mo kaya yung upo mo?! Kung maka-side ka diyan parang magmumusic video ka!" asar na sigaw ko sakanya. Natahimik naman siya at mukhang naiiyak na.

"Problema mo sa girlfriend ko? Nakakabastos ka na ah." mahinahon na sabi nung shota nitong feeling gwapo, mukha namang gago.

"Tigilan niyo ko sa kalandian niyo ah! Ikaw bulldog kung ayaw mong inaaway yang higad mong shota, patahimikin mo! Magbebreak rin kayo!" inis na sigaw ko at bumaba nalang.

"Laklakin niyong lahat yung jeep! Mga letse sa buhay! Bakit ko ba ipagsisiksikan yung sarili ko sa pesteng jeep na yan?! Nakakasawa ah!" umiiyak na sigaw ko at naglakad nalang ako.

Pero insulto talaga eh, andami kong nakakasalubong na magshoshota. Hindi ba nila alam na ang ibig sabihin nang SHOTA ay Short Taym?! Sa sobrang inis ay pinagsisipa ko yung bato na nasa daan ko. Iisipin ko nalang na mukha 'to nang lahat nang mga la--

"Aray!" daing nang isang boses kaya napaangat yung tingin ko. Kita kong nakahawak yung lalake sa noo nito. Shet. Napalakas ata yung sipa ko dun sa malaking bato. Agad ko siyang nilapitan.

"Hala. Sorry." kinakabahang sabi ko habang nakatingin sa noo nito. Nagulat ako nang bigla itong tumawa kaya kumunot yung noo ko.

"Damn. Hahahahaha. That was just a joke. HAHAHAHA." natatawang sabi nito. Sa sobrang inis ay binatukan ko nang pagkalakas lakas.

"Jerk!" sabi ko at nagmamadaling umalis na dun.

"Hey. Joke lang. Kanina pa kasi kita kinakausap kaso mukhang busy ka sa pagsipa nang mga bato kaya umacting nalang ako." sabi nito sabay kindat. Sa inis sakanya ay sinipa ko nang malakas yung bato, kaya tumama sa noo niya.

"Ayan. Gusto mo yan diba? Serves you well asshole!" sabi ko at nagmamadaling umalis na dun. Bagay nga sakanya. Tutal magaling naman siyang umarte, tinotohanan ko na. Bahala siya sa buhay niya basta naaasar ako sa lahat nang lalake ngayon.

"Miss ganda, tricycle? Singkwenta lang special na." sabi nang isang tricycle drayber na nadaanan ko. Napahinto naman ako sa paglalakad.

"Wag mo kong paasahin kuya. Sinabi na rin niya yan. Special daw ako, pero pinasakay lang pala ako sa panloloko niya!" sigaw ko, kaya gulat na gulat si kuyang drayber.

"Pasensya na ho. Hehe." awkward na sabi ko at nagmamadali nang umalis dun. Hays! Andami ko nang nadadamay kailangan ko na talagang makauwi, dahil baka hindi na sinagan nang araw yung mga nadadaanan kong naglalandian dito. Kebabata kelalandi. Hindi ba sila nag-aaral?! Naku! Pag nalaman ko sino mga magulang nang mga yan, isusumbong ko talaga para mahinto na pagiging makakati!

E N J O Y  R E A D I N G !

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now