Six- Part One

5 1 0
                                    

Nasa garden ako ngayon nang bahay ni Carlo. Nakatulog sa kakaiyak. Hays. Kaya ako nalang ngayon yung gising habang kumakain nang ice cream na strawberry. Buti nalang madaming stars ngayon kaya nag-eenjoy ako. Wala na ring tao sa labas kaya hindi ako nababadtrip sa mga magjowang makikita ko kung sakaling may maligaw man dito.

Nakatingin lang ako sa langit nang biglang mag-flashback yung mga memories na gusto ko nalang mawala.

Ako at si Alexander habang tahimik na nakatingin sa langit. Madalas kasi kaming mag stargazing dati eh. Yun yung naging libangan namin bago siya umuwi sa kanila. Kaso iba na ngayon. Malamang may kasama nang iba yun, habang ako, eto mag-isa pa rin. Hays.

Kahit na pilitin ko yung sarili ko na magpakatapang ay hindi ko kaya. Nasasaktan pa rin ako. Kasi hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Kasi 'di pa rin nawawala yung feelings ko para sakanya.

Naramdaman kong may pumatak na tubig sa kamay ko. Kaya sinubukan kong ilahad yung kamay ko sa harap ko.

"Hindi naman umuulan" mahinang sabi ko. Natigilan ako nung magtuloy tuloy yung pagpatak. Biglang dumapo ang kamay ko sa pisngi kong basa na.

Akala ko ulap lang yung may karapatang umiyak kapag 'di na kaya. Ganun rin pala yung mga mata.

Ilang buwan na rin nang maghiwalay kami.

Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala.

"Is this seat taken?" tanong nang isang gwapong lalake. Nahihiya naman akong umiling kaya umupo na siya.

Naging magkaklase kami nung highschool. Naging magkaibigan. Hanggang sa maging mag bestfriend na. Pero pagkatapos nun ay nanligaw siya.

"Yes. I want to be your girlfriend." mahinang sambit ko na naghatid nang sobrang gulat sakanya.

"W-What?! Really?! Damn! I'm so happy! I love you! I love you!" sigaw nito sabay yakap nang mahigpit sakin.

Hindi ko na pinatagal yung panliligaw niya dahil magkakilala naman na kami atsaka mahal ko rin naman siya.

Pagkalabas ko nang bahay ay siya agad yung sumalubong sakin.

"Hala, bat ang aga mo?" gulat na tanong ko na may halong kilig shempre. Hahaha.

"Sinusundo ko lang naman yung girlfriend ko. Good morning babe." sabi nito sabay kiss sa pisngi ko. Namula naman ako sa ginawa niya.

Araw araw ay laging ganun. Sinusundo niya ko sa bahay at sabay kaming papasok. Sabay rin kami sa uwian. Tutal magkaklase naman kami kaya walang problema dun.

"Young love. Hmm. Parang tayo lang hon." rinig kong sabi nang isang may edad na lalake habang kasama nito ang misis habang kumakain sila. Napangiti kaming dalawa ni Alex.

Pero kahit ganun ay hindi pa rin maiiwasan ang tampuhan o away.

"Ano?! Busy ka na naman sa basketball mo!" inis na sigaw ko sakanya habang kausap ko siya sa phone.

"Sinabi ko naman na sayo to diba?!" malakas rin na sabi nito. Pinatay ko yung phone ko.

Maliliit na bagay na madalas lumalaki.

Sorry na kung nagalit ka.

Di naman sinasadya.

Kung may nasabi man ako ay init lang nang ulo.

Pipilitin kong magbago.

Pangako sa'yo~

Dumungaw ako sa bintana para tignan kung sinong nagkakanta. At ayun, si alex nasa labas habang may hawak hawak na tatlong pirasong rosas at may dalang ice cream na strawberry.

Hanggang NgayonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang