Six- Part Two

4 1 0
                                    

"Hays makapasok na nga at kung ano ano na namang bad memories naaalala ko!" inis na bulong ko sabay ligpit nang pinagkainan ko.

Nilapag ko sa sink yung pinagkainan ko at humiga higa muna sa sofa sa sala. Pero kahit anong gawin ko ay hindi na ako makatulog. Tinignan ko yung phone ko. 3:30 AM na pala. Hala. Alam ko na! Magjojogging nalang ako. Pero nakakatamad magbihis eh. Tinignan ko yung suot ko.

✔️ T-shirt na white na may pagka maluwag sa akin.
✔️ shorts na kulay black.

Alright! Okay naman na pala to. Magsasapatos nalang ako. Inayos ko rin yung pagkakaipit nang buhok ko. Kumuha ako nang sticky notes sa bag ko at nagsulat doon.

Hoy bakla, magjojogging lang ako!

Idinikit ko nalang sa ref. Kinuha ko yung phone at earphones ko. Sinalpak ko agad iyon sa tenga ko. Naks. Ready na talaga ako. Tagal na rin pala nung last time na nakapag jogging ako.

Naka full volume yung music kaya feel na feel ko yung pagtakbo. Medyo madilim pa atsaka malamig yung hangin kaya masarap talaga sa pakiramdam. Nakakagaan rin sa feeling.

Tumatakbo lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Sa gulat ko ay agad ko siyang natapunan nang suntok sa mukha sabay alis nang earphones ko.

"Aray! Langya bugbog sarado ako sayo." sabi nang isang pamilyar na boses. Yung lalakeng nakakaasar na nakasalubong ko nung minsan.

"Ikaw na naman?! Stalker ka ba ha?!" pang-aakusa ko sakanya.

"Ay grabe. Nagjojogging lang rin ako nung napansin kitang nagjojogging rin. Kinakausap kita pero di mo ko naririnig." sabi nito sabay tingin sa earphones na hawak ko. "Obviously, dahil diyan." sabi nito.

"Aso ka ba para sumunod?" tanong ko sakanya at tumakbo na ulit. Nakita ko namang sumusunod ulit siya. Aso nga.

"Ang gwapo ko naman masyado para maging aso lang. Gusto ko lang makipag kaibigan." nakangiting sabi nito. Pinatay ko nalang yung music sa phone ko sabay bulsa dito.

"No thanks." walang emosyong sabi ko at mas binilisan pa yung takbo ko. Pero naunahan pa rin niya ako. Sinamaan ko siya nang tingin.

"Bakit ayaw mo?" pangungulit nito.

"Pake mo?" sabi ko at tumigil muna para itali yung sintas nang sapatos ko, natanggal pala nang 'di ko namamalayan. Pagkatayo ko ay ang nakangiting mukha niya agad ang nakita ko.

"Mukha kang tanga." natatawang sabi ko at naglakad nalang. Nakakapagod kasi tumakbo nang nagsasalita no. Nakakaubos nang hininga.

"Woah! Napangiti kita! Muntik ka pang tumawa! Damn!" hindi makapaniwalang sabi nito.

"Yung totoo?! Five years old ka ba?" seryosong tanong ko sakanya. Nagpout naman siya bigla.

"Friends na kasi tayo!" sabi nito.

"Just stop, okay? I don't really like guys." diretsong sabi ko.

"Why? Friends nalang naman. No more than that." sabi nito habang nakataas pa yung isang kamay na parang nangangako.

"Still a no. And plus, you're still a guy dude!" sabi ko at tumakbo na papunta sa gate nang bahay ni Carlo. Bigla namang lumabas si Carlo na halatang bagong gising palang.

"Saan ka galing? Tinatawagan kita sa phone mo. Di ka sumasagot." tanong nito.

"Nagjogging. Nag iwan ako nang note sa ref. Di mo nakita?" tanong ko.

"Malamang di ko nakita." asar na sabi nito. Binatukan ko naman siya.

"Sa susunod isama mo ko ah!" sabi nito.

"Humihilik ka pa paano kita isasama aber?" pang aasar ko.

"EHEM!" pekeng ubo nito. Halatang nagpapapansin. Tss.

"Andito ka pa pala." sabi ko.

"Halata." maikling sabi nito.

"I thought you don't like guys? Who is he?" tanong nito.

"Yup, I really don't like guys." bored na sabi ko.

"Really? Then why are you with him? Is he your boyfriend?" tanong nito.

"Oy! Baklang to! Pakilala mo ko kay cutie guy!" malanding sabi nito. Nakita ko naman ang shock sa mukha nang kumag.

"Because Carlo is a SHE." sabi ko sabay pasok na sa loob nang bahay. Hinila ko na rin papasok si Carlo.

"Bye gwapo!" pahabol pa nito.

"Ikaw ah! Nag jogging ka lang nagkaroon ka agad nang boylet!" sabi nito.

"Shut up! Maliligo na ko. At ikaw, magluto ka nang breakfast dun!" sabi ko sabay pasok sa kwarto at kuha nang tuwalya. Mahigit isang oras akong naliligo nang marealized ko na wala akong dalang kahit na akong damit sa loob nang banyo.

Naiwan ko pa ata sa sala yung bag ko. Agad agad akong nagpatuyo at nagtapis at lumabas nang banyo. Pumunta agad ako sa sala pero wala dun yung bag ko.

"Hoy baklang haliparot! Asan yung bag ko?!" sigaw ko sakanya. Pero di siya sumasagot. Langya talaga yun.

Hinahanap ko lang sa sala nang maamoy ko yung mabangong amoy. Hmm. Infairness natututo na ngayon yung bakla. HAHAHAHA.

Pumunta nalang ako sa kusina para tignan kung anong niluluto niya at para tanungin na rin kung asan mga damit ko.

"Carlito! Asan na yu--"

LUPA! BUMUKA KA AT LAMUNIN MO AKO. PLEASE?! HUHUHUHU!

E N J O Y   R E A D I N G !

Author's Note
Ano kayang nakita ni Eunice? Hulaan niyo bilis! *-* Yung makahula, ililibre ko nang ayskrim! Hahahahah! *q* Makikihula na rin ata ako para may libre rin akong ayskrim galing sa sarili ko. HAHAHAHAHA.

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now