Two

33 2 13
                                    

"Hoy Eunice! May balak ka pa bang mag move on ha?!" sigaw sakin nang bakla kong kaibigan na si Carlo sa umaga at Carla kapag gabi.

"Bakla tigilan mo ko ah! Makakatikim ka sakin." sabi ko sakanya at sumubo na nang ampalaya este fries pala.

"Bruhang to! Wag mo kaming idamay nang jowabels ko!" sabi nito habang nakanguso pa at sobrang pulupot sa lalaking katabi nito na "jowabels" niya nga daw.

"Oy! Carlito! Malapit nang mag twenty-three! Magbebreak rin kayo!" inis na sigaw ko sakanila at sumubo nang sumubo nang fries.

"Argh! Di kita ililibre mamaya sa sine!" pang bablackmail nito. Natahimik naman ako.

"Fine. I'll shut up for a while. Basta libre mo ko sa sinehan. Hmp!" sabi ko nalang. Bakit ba. Eh sa mas masarap ang libre noh. Magpapaka plastik muna ko sa mga to.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami para makabili nang ticket habang ako naman ang nagvolunteer bumili nang mga foods.

Pagkatapos makabili ay binalikan ko na agad sila.

"Anong papanuorin natin?" excited na tanong ko sabay abot nang kanya kanya nilang pagkain. Nagtinginan muna sila bago tumingin ulit sakin. Uhh. I think it's--

"I will always LOVE you!" sabay pa talaga sila at inemphasize pa yung word na love. Shete talaga tong baklang to!

"Seriously?! You're kidding right?" paninigurado ko. Pero umiling lang silang dalawa.

"Asar!" sabi ko at padabog nang pumasok sa sinehan. Tangna talaga nang mga yun!

"San ka pupunta?" maarteng tanong ni Carlo.

"Di ko kayo tatabihan pakers!" sabi ko at dire diretso nang pumunta sa pinaka taas at dulo. Nilapag ko yung bag sa paanan ko. Nilagay ko rin yung inumin ko sa gilid ko. Hindi pa nagsisimula yung movie kaya nag twitter na muna ko.

@Youunice tweeted "Gonna watch some shitty cheesy movie!"

@Youunice tweeted "This sucks!"

@Youunice tweeted "I just hope I won't see a SHITTIER person."

Natigil lang ako sa pagtitweet nang pumatay na yung mga ilaw kaya agad ko nang tinago yung phone ko at itunutok ko nalang yung tingin ko sa screen habang kumakain nang popcorn.

Habang nanunuod ay 'di ko maiwasang magbigay nang feedback.

"I just don't want you to get hurt. I love you." Sabi nang bidang lalake sa babae.

"Ang korni! Wag kang maniwala diyan!" inis na sabi ko nang marinig yun. Ayaw daw saktan pero iniwan! Mga bulok na linya! Kairita!

"Sshh!" Bawal sakin nang dalawang magshota sa bandang harap ko, inirapan ko nalang sila. Mga pakelamera at pakelamero!

Nanahimik nalang ako dahil baka mapalabas na ko nang guard dahil sa ingay ko. Pero nung bandang malapit nang ending ay naiyak ako. Paano ba naman kasi nakakaiyak talaga! Wag niyo nang tanungin kung bakit!

Nagpunas muna ako nang luha bago ako lumabas nang sinehan at hinintay dun sina Carla at ang boylet nitong si Sam. Nang makita ko sila ay agad nila akong nilapitan.

"Saan pa niyan lakad niyo?" tanong ko sakanila.

"Magda-date pa kami ni labidabs!" sabi ni Sam at pinisil pa yung pisngi ni Carla. Gustong gusto naman nang isa.

"Osige! Una na ko! Maglandian muna kayo diyan! Una na ko." sabi ko sabay tapik sa balikat ni Sam at nakipagbeso beso naman ako kay Carla.

"Bakla! Wag mo munang isuko ang bandera ah!" biro ko sakanya kaya kinurot ako sa tagiliran. Sinapok ko naman siya. At tumakbo na ako palayo.

"Gaga ka!" sigaw nito. Binalingan ko siya habang tumatakbo.

"Landi m--" bago ko pa matuloy ay nagdire diretso na ako sa sahig at ramdam ko rin ang lamig nang likido na natapon sa damit ko.

"What the h--"

"Eun?/ Lex?"

E N J O Y  R E A D I N G !

Hanggang NgayonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora