Seven

8 1 0
                                    

"Carlito, asan yu--" natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino ang nasa kusina. Tangna. Anong ginagawa nang hinayupak na lalakeng 'to dito?! Kita kong nagbago ang emosyon niya sa mukha. Una ay gulat, pero nang makita niya ang suot ko ay napakitan ito nang inis. Hinawakan niya ko sa braso at hinila palabas nang kusina.

"Magbihis ka nga." inis na sabi nito.

"Alam ko! Tss!" sigaw ko.

"Eh bat lumabas ka pa nang naka-t-tapis lang?" tanong nito. Hindi ako sumagot.

"Sa susunod. Ay hindi. Hindi na dapat maulit to. Wag na wag kang lalabas nang banyo nang hindi pa nakakapagbihis." paalala nito na parang tatay ko. Nang makita kong palabas nang kusina si Carlo ay lalapit sana ako kaso hinawakan na naman ako sa braso nitong lalakeng to.

"Ano na naman?!" irap ko sakanya.

"Napano kayo? LQ agad?!" mapang asar na sabi nito.

"Shut up!" sinamaan ko siya nang tingin.

"Oh eh bat ganyan suot mo aba?" tanong nito.

"Yung bag ko kasing hayop ka san mo nilagay?" tanong ko kaya natawa siya.

"Ay, oo nga pala. Nilagay ko sa kwarto yung bag mo. Hahaha. Wait, kunin ko." sabi nito.

"Ako nalang. Dun nalang din ako magbibihis." sabi ko at balak ko sanang sumama pero humarang sa daan yung ugok.

"Problema mo na naman?!" asar na asar na tanong ko. Pero imbes na sumagot ay hinarap niya si Carlo.

"Get her bag." maikling sabi nito. Agad namang sumunod yung bakla.

"And you" sabay turo niya sakin. "Pumasok ka na sa banyo at dun mo hintayin yung bag mo." sabi nito. Ayaw kong makipagbangayan pa kaya sumunod nalang ako.

"Ang weird ni gago." mahinang bulong ko. Muntik naman akong mapasigaw nang biglang may kumatok. Balak atang gibain yung pinto nang banyo. Binuksan ko naman.

"Eto na po ang bag niyo mahal na reyna." sabi nito sabay irap sakin.

"Salamat, alipin." pang-aasar ko sabay sara at lock agad nang pinto.

"Langya ka. Kapal nang feslak mo ah! Sa ganda kong 'to?! Alipin? So eww!" tuloy tuloy na sabi nito. Hinayaan ko lang siya at nagsimula nang magbihis.

"Wala kang ganda! Tanggapin mo nalang na reyna ako at alipin ka. Tsee!" sigaw ko sakanya. Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako nang banyo. Dumiretso nalang rin ako sa kusina para kumain nang almusal. Nang makita palang ako na papunta ni Carlo ay hinila na niya agad ako.

"Hay jusko po. Buti dumating ka na. " namumutlang sabi nito.

"Bakit? Napano ka? Uminom ka ba nang suka?" pang aasar ko.

"Halos lamunin ako nang feeling jowabels mo!" pagsusumbong nito. Tinaasan ko lang siya nang isang kilay.

"Ulol. Ikaw nagpapasok sa stranger na yan!" sabi ko sakanya.

"I'm Maverick." sabi nito. Well, hmm. At least I know his name.

Sumandok ako nang fried rice at kumuha nang hotdog at bacon. Sinimulan ko nang kumain, lumamon pala. Daig ko pa kasi yung hindi kumain nang isang linggo. Hahahaha.

"Nagjogging ka sa lagay na yan ah. Bawing bawi naman sa foods." sabi ni Carlo pero di ko lang siya pinansin. Narinig ko nalang yung pagclick nang camera at pagpipigil nang tawa ni Mavvy. Kaya tinignan ko siya. Natahimik naman siya at kumain na ulit na parang walang nangyare. Siguro imagination ko lang yung narinig kong camera. Nako. Nang maubos ko na ang pagkain ko ay kumuha ulit ako nang hotdog at bacon.

"Ginugutom ka ba nang boyfriend mo?" tanong ni Mavvy.

"Sinong may sabing pwede kabg mag comment? Nakikikain ka nalang ng--"

"Actually, siya nagluto nang lahat na yan." pagputol sakin ni Carlo. Muntik naman akong masamid kaya inabutan niya agad ako nang tubig. Feeling ko kasing pula na ako nang kamatis.

"Pakyu kang bakla ka!" mahinang bulong ko kay Carlo.

"Anyway, it was nice to meet you, Carlo and nice to finally know your name, Eunice. I should get going. May kailangan pa kasi akong puntahan at asikasuhin." pagpapaalam nito. Pero nakita kong hindi niya pa nagagalaw yung pagkain niya.

"Sit. Kumain ka. Ubusin mo yan." sabi ko. Nakita ko namang gulat silang dalawa.

"Kainin mo yan. Ano ba. Masamang magsayang nang pagkain." sabi ko sabay kain na. Ano bang pumapasok sa kukote mo eunice ha?! Kakahiya ka. Kanina ka pa. Konting konti nalang talaga, totodas ka na!

Pero thankfully, sumunod naman siya at kumain na nga. Pagkatapos niyang maubos yung pagkain nang nakangiti. Oo nakangiti siya, as in habang sumusubo hanggang sa pagnguya at paglunok nakangiti siya. Langya. Sinapian ata to.

"I'm done!" parang bata na sabi nito sabay pakita nung plato niya na sobrang linis.

"Good." maikling sabi ko.

"Mauuna na ako ah." sabi niya sa akin.

"Salamat dito ah! Balik ka!" malanding sabi ni Carlo.

"Pag nandito ulit si Eunice." seryoso pero nakangiting sabi niya. Namula naman ako.

"Shoooo!" pagtataboy ko. Hinatid naman siya ni Carlo sa labas habang ako? Lumalamon pa rin ako. May dalawang hotdog pa kasi na natira dito eh. Sayang naman kaya ubusin ko na.

Nagulat ako sa tili ni Carlo pagkabalik niya.

E N J O Y    R E A D I N G !

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now