Five

5 1 0
                                    

Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa banyo para makaligo at para na rin mahimasmasan ako. Pagkatapos ay nakaramdam na rin ako nang ginhawa. Ano bang gagawin ko sa shirt na to? Itatapon? Susunugin? Pupunitin? Gugupitin? O itatago?

Hanggang sa huli ay napagdesisyunan ko nalanh na ilagay sa maduminh damit. Duh! Natural lalabhan ko muna bago ko itago. Oo na! Itatago ko nga eh. Hindi dahil sa kung ano ah, sayang lang kasi kung itatapon ko.

Humiga nalang ako sa kama at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Pero nakakaletse lang kasi yung scenario nang paglalandian nila nung bago niya yung nakikita ko. Naiinis akong tumayo at pumunta nalang sa kusina. Binuksan ko yung ref at agad na nilabas yung kimchi na binili ko nung minsang napagtripan kong magfeeling koreana.

Ang anghang pala nito! Pero di ko pwedeng itapon kasi sayang no. Magkano rin nagastos ko dito. Pinaka dami ko pa man din yung binili ko. Hays.

"Pero masarap naman pala. Kaso mukhang mabubusog ako agad dahil sa tubig. Nako." bulong ko sa sarili ko sabay inom ulit nang tubig.

"Paano kaya naaatim kainin ni Lex to--" Psh! Bat ko ba naiisip yung lalaking yun? Hindi naman dahil sa paborito niya to ay maaalala ko na siya! Sa susunod talaga di na ko kakain nang ganito.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko at niref yung natira. Pumunta ako sa sala upang manuod nang TV. Comedy naman yung palabas kaya nag enjoy ako. Nagulat ako nang biglang mag-ring yung phone ko.

"Oh ba't nang-iistorbo kang bakla ka?" bungad ko sakanya. Pero natigilan ako nang marinig ang iyak niya. Parang alam ko na ata 'to.

"I'm on my way. Diyan ka lang." nagmamadaling sabi ko. Pinatay ko agad yung TV. Nagdala rin ako nang damit dahil paniguradong dun ako makakatulog. Pagkalabas nang bahay ay dumiretso agad ako sa 7eleven para bumili nang ice cream. Cookies and cream na paborito niya at Strawberry naman na para sa akin. Pagdating naman sa bahay niya ay dire-diretso lang akong nakapasok.

Bwisit na bakla to. Di marunong maglock nang pinto.

Niyakap niya agad ako pagkakita sa akin pero binatukan ko siya.

"BAKIT?! Kita mo na ngang umiiyak ako tapos babatukan mo pa ko!" iyak niya.

"Hindi ka marunong mag-lock! Paano pag narape ka?! Letse!" asar na sabi ko na nagpatawa naman sakanya. Buti naman. Hays. Kahit ganito ako lab na lab ko pa rin yung baklang to.

"Gaga! Hahaha." sabi nito at inirapan ko lang siya sabay pakita nung plastic na dala ko. Nagningning naman yung mga mata niya.

"Yung totoo?! Nagpapaka broken hearted ka ba para makalibre ka sa akin?! Ha?!" pang aakusa ko sakanya. Hinampas naman niya sakin yung kutsara. Bilis niya noh?! Agad agad may kutsarang dala. Buti nakailag ako, ulo ba naman puntiryahin. Wala na nga akong utak, maaalog pa yung hangin sa loob.

"Pasalamat ka BH ka kaya di kita papatulan!" asar na sabi ko kaya natigil siya sa pagkain. Pahamak talagang bibig to. Nagsimula na naman siyang umiyak kaya hinagod ko yung likod niya.

Hinayaan ko muna siyang iiyak laaht bago pilitin na magkusento. Dahil panigurado, wala akong maiintindihan sa kwento niya kung puro iyak lang.

After 123456789 years-- 1 hour lang talaga. Ayun natapos rin ang non-stop na pagngawa niya.

"Kasi diba nauna kang umalis. Kasi nga may lakad pa kami." paninimula niya kaya tumango ako.

"Nagyaya kasi akong maglakad lakad sa park na malapit dito. Edi pumunta na nga kami. Kaso bigla niya kong hinila paalis dun. Sabi niya balik kami sa mall kasi naiihi daw siya. Edi go naman ako baka sumabog pantog niya eh. 1 hour yata kaming nakatambay sa mall. Tapos nung gabi na, sabi ko uwi na kami. Pumayag naman siya. Nung palabas na kami nang mall bigla na naman siyang nanghihila na parang nakakita nang multo. Kaso bago pa kami nakalayo, may biglang tumawag sa name niya. Ayaw niyang humarap kaya ako na lumingon. Tapos... T-tapos--" hindi na naman niya natuloy dahil sa pag-iyak. Hinayaan ko muna siya dahil akam kong sobra siyang nasasaktan.

"Kaya mo na ulit magkwento?" tanong ko nung medyo tumigil na siya.

"Tapos nakita ko yung babae na ex na daw niya. Pero nakita ko yung picture nang babae na yun sa phone niya nung minsan. Pero sabi niya wala na daw sila. Pero mas nagulat ako nang malaman kong di naman pala talaga sila naghiwalay. Ang gago niya! Pinerahan lang pala ako nang peste!" sabi niya at umiyak ulit. Ganyan talaga yang mga lalake na yan! Hindi na talaga ako aasa na may matino pa! Lahat nalang sila manloloko! Hays! Tanga kasi nang baklang to! Kapikon! Sinabihan ko na eh!

"Bat antahimik mo? Wala ka bang sasabihing advice?" naka pout na sabi nito. Tinignan ko naman siya at tinaasan nang isang kilay.

"Gusto mo talagang marinig?" seryosong tanong ko. Pero umiling lang siya nang todo todo.

"Ang tanga mong bakla ka!" inis na bulong ko na halata namang narinig niya dahil sinamaan niya ko nang tingin kaya binelatan ko siya.

E N J O Y   R E A D I N G !

Author's Note: Tagal na rin pala nung last update ko dito. Hahaha! Anyway thank you sa paghihintay kung meron man! :)

Hanggang NgayonWhere stories live. Discover now