Kabanata 2

49 4 0
                                    

Kabanata 2

"Kai masakit yung ginawa niya sakin, napapagod nadin akong umiyak, napapagod na kong maramdaman tong sakit sa puso ko." Nanginginig ang labi ko sa pagpipigil ko na huwag umiyak sa harap niya.

Humarap siya sakin at iniunan niya ang ulo ko sa braso niya saka niya ko niyakap ng mahigpit." Umiyak kana, wag mo pigilan andito lang ako Sab. Andito lang ako."

Tuluyan ko ng hindi napigilan ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan dahil sa sinabi niya."I know kai na lagi ka nasa tabi ko. Salamat sa pagiging matiyaga mo sakin."

Hinayaan ko lang siya na yakapin ako habang pilit ko naman pinapahupa ang mga luha na kusang lumalabas sa mga mata ko. Ilang minuto kami sa ganitong posisyon ng maramdaman ko ang payapa niyang paghinga sa ibabaw ng ulo ko.

"Fucking tape talaga tong lalaki na to! Tulugan daw ba ko!" Mahina kong bulong sa sarili ko.

Niyakap ko din ang braso ko sa bewang niya ng mejo okay na ang pakiramdam ko. Salamat Kai.

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Anu ba yan ang sarap sarap ng tulog ko!

Pilit kong iminulat ang aking mga mata ng mabungaran ko ang nakangising mukha ni kaiuz. Anu nanaman kayang trip nitong impakto na to!

"Why!?"singhal ko sakaniya dahil sa pagkabadtrip ko dahil nabitin ang tulog ko.

"Wake up already sleepyhead! Tumayo kana diyan! Diba manonood pa tayo ng sine!?" Sabi ni Kaiuz habang hinihila ang braso ko para maitayo niya ko...alam niya kasi na kapag hindi niya ko napilit na tumayo sa kama siguradong matutulog nalang ako maghapon.

"Ok!ok! Lumabas kana para makapag ayos na ko!"sabi ko sakanya habang nag iinat at kinukusot ko ang aking mata.

Lumabas na ng kwarto si Kai para makapag ayos na ako...patapos na ko magbihis ng kumatok siya."tapos kanaba? Ang tagal tagal mo talaga mag ayos!"

"Wait lang patapos na ko magbihis!"

"Katatapos mo palang mag bihis? Grabe naman yang kabagalan mo!"

"Eto na tapos na po mahal na hari!"sarkastiko kong sinabi sakanya habang binubuksan ang pinto.

Naglalakad ako papunta sa harap ng salamin para makapag blower ng buhok at makapag lagay nadin ng konting kulay sa aking maputlang muka.

"Akin na nga yang blower!"bigla niyang inagaw sakin ang hawak kong blower...at siya na ang nagblower sa aking buhok. Ako naman inabala ko na ang sarili ko sa pag lalagay ng foundation at konting lip gloss.

Habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin nakita ko si Kaiuz na nakatitig at nakatunghay sa akin habang tinututok nya padin sa buhok ko ang blower na hawak niya.

"Kai?"

"Kai!?"medyo nilakasan ko ang pagtawag sakanya.

"Hmmm?"

"Kanina kapa nakatulala at nakatitig sakin!" Hindi ko alam kung ano ang problema ng isang to.

"May problema ba Kai?" Sabi ko sakanya at tuluyan na kong humarap sakanya para makita ko siyang mabuti.

"Wala may naisip lang ako." Sabay ngiti nya sakin at kurot sa pisngi ko.

Pinakatitigan ko pang mabuti si kai para suriin kung nagsasabi ba siya ng totoo na wala o tinatago niya lang.

Pero pakiramdam ko ay may tinatago saakin ang mokong na to. Hmmm hindi kaya may problema din siya na hindi niya masabi sakin dahil sa may problema din ako?

"So anung iniisip mo? Kung may problema ka pwede mo padin sabihin sakin, sabay natin haharapin ang mga problema diba?" Pilit ko sakanya habang niyuyugyog ko ang braso niya.

"Ok. Gusto mo ba talaga na sabihin ko?"paniniguro nito.

"Yup!"

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

---------------------------

Ang karugtong po nito ay kabanata 3 at hindi iyong 9 na kasunod. Pasensya na nagulo lang sa pag publish. Bali pagdating niyo ng 8 balik kayo sa 9 and 10 naging ganito kasi yung pagkakasunod sunod..1,2,9,10,3,4,5,6,7,8,11,12 and so on..pagdating naman ng 11 ok na hanggang wakas. kaya dapat niyo padin tong basahin sa tamang pagkakasunod sunod ng 1,2,3,4,5,6,7,8, 9,10,11...hanggang wakas. Thankie! And Sorry...

😘😘😘😘😘😘😘

The One Who Broke My Heart!Where stories live. Discover now