Kabanata 3

17 4 0
                                    

Kabanata 3

"What the fudge Kai!!! Are you serious!?" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya sakin.

"Hahaha! Look at your face Sab!"

"What!?" Sira ulo na to! Pagtawanan daw ba yung naging reaksyon ko! Eh nakakagulat naman talaga yung sinabi niya!

Pinaghahampas ko ang braso niya sa sobrang inis ko sa sinabi niya sakin. Impakto na to! Grrr!

"Your blushing...your beautiful Sab, please don't waste anymore tears para lang sa gago na yon." Malumanay na hayag nito sa akin sabay haplos sa aking pisngi.

"Ok susubukan ko." I smile at him bitterly.

" So let's go?" Hinaltak na ako nito palabas ng pinto ng aking kwarto pababa sa hagdan.

"Tita Sam!?" Tawag nito sa aking ina na nasa kusina.

"O aalis naba kayo?" Lumabas si Mama galing sa kusina kasunod si Papa.

"Kai ihatid mo si Sab bago mag 10pm ha." Sabi ni Papa bago tinapik ang balikat ni Kai para makaalis na kami.

"Ma, pa alis na kmi!" Sabay halik ko sa pisngi ng mga magulang ko at sumakay na ako sa kotse na dala ni Kaiuz.

Sumakay si Kaiuz sa driver seat at ikinabit na ang kanyang seatbelt na ginaya ko naman. Habang nag dadrive ay pareho kaming tahimik at nagpapakiramdaman.

"Kai kain muna tayo bago tayo tumuloy sa panonood ha. I'm starving na kasi." Sabay pacute ko sakanya para pagbigyan niya ako.

"You don't have to do that, kakain talaga tayo kahit ayaw mo dahil gutom nadin ako."sabay ngisi nito sa akin na hindi man lang ako nilingon.

Ipinagkrus ko ang aking mga kamay sa harap ng aking dibdib habang nakatingin ako sakanya.

"Alam mo pakiramdam ko may sasabihin ka talaga sakin." ngumuso ako at pinakatitigan pa ang seryoso nitong mukha na naka tingin sa daan.

"Hmmm...pag iisipan ko kung dapat ko pa bang sabihin sayo." Saad nito at lumingon ng seryoso sa gawi ko.

Hindi ko na siya pinansin pagkatpos ng naging usapan namin. Kumakain kami ngayon ng may biglang magandang babae na lumapit sa gawi namin na sabay namin nilingon ni Kaiuz.

"Kai? Is that you?" Sabi ng babae na may malapad na ngiti sa mga labi.

Hmmm sino kaya to? Wala naman akong alam na nagka gf siya o nagkaron ng ibang kaibigang babae bukod sakin.

"Oh hey Kath." Sabay tayo nito at nakipagbeso pa sa babae na tinawag nitong Kath.

"How are you? Long time no see!" Masayang sabi ni Kath.

"I'm ok. Kailan kapa nakauwi?" Tanong ni Kai ng nakangiti at namumula ang tenga.

Sino ba to? Parang hindi na nila pinapansin yung existence ko ah! Hmmmp at eto naman si Kaiuz parang kinikilig na ewan! Aba!

"Ahem! Ahem!" Pagkukunwari kong ubo para maagaw ko yong atensyon nilang dalawa.

"Ah Kath by the way this is my bestfriend sabrina." Pakilala sakin ni Kaiuz.

"Oh hi!" Kaway sakin ni Kath.

Tinanguan ko lang ito. Sabay tingin nito kay Kaiuz ng makahulugan.

"Kaiuz pano I have to go na may lakad pa kami ng mga kaibigan ko!" Sabay turo nito sa mga kaibigan nito na nasa kabilang lamesa lang.

"Ok sige take care!"

"Bye see you later!"

Wow ha parang may hindi ako alam sa mga naging kaganapan dito ah! Bakit may pakiramdam ako na close na close yung dalawa!?

Umupo na si Kaiuz pagkaalis ng babae pero hindi padin natatanggal ang ngiti nito sa labi at ang pamumula ng tainga nito.

"Ahem! Care to tell me something?" Sita ko dito. Dahil talagang naiinis na ako. At hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaalaman na may iba pala itong babae na kaibigan o dahil sa nakikita kong pag ngiti nito na parang kinikilig.

"Bilisan mo na kumain! Nood na nood na ko ng sine!" Bulyaw ko rito dahil sa inis ko. Hindi man lang ako nito sinagot bagkus nginisihan lang ako. Arrrggg! Impakto talaga naiinis ako! Naiirita ko!

The One Who Broke My Heart!Where stories live. Discover now