Kabanata 4

17 4 0
                                    

Kabanata 4

Tapos na kaming manood ni Kaiuz ng movie ng maisipan naming maglakad lakad pa para mag ubos ng oras.

"Kai!" Tawag ko dito habang tumitingin tingin ito ng damit para dito.

"Hmmm?" Sagot lang nito sakin na hindi man lang ako nilingon.

"Hindi ba uuwi sila tita Chelle dito?" Tanong ko sakanya habang nakikitingin nadin sa tinitignan nito. Tita Chelle is his mom. Nasa ibang bansa kasi ang Mommy at Daddy nito at dalawang kapatid. Siya lang ang nandito dahil sa katwiran niyang kawawa naman daw ako kapag umalis siya.

"Hindi." Ang tipid naman sumagot nitong impakto na to! Hmmmp!

"Galit kaba sakin?" Kalabit ko sakanya. Hindi ako sanay na ganyan siya sakin. Mas sanay ako na kinukulit niya ko.

"Hindi ako galit sayo. May iniisip lang ako."saad nito na nakapagpaisip sakin sa mga nangyari kanina.

Anu kaya ang iniisip ng mokong na to!? Hindi kaya yung babaeng maganda? Siguro ex niya yon. Pero bakit hindi ko alam? San nya kaya nakilala yon? Hmmm nakakairita naman yung ganto! Para kong nanghuhula! Grrr! Ayaw man lang mag kwento nitong si Kaiuz!

"Tara na!" Aya nito sakin sabay haltak sa kamay ko at umakbay pa sakin.

"Ano ba iniisip mo? Bakit ayaw mong sabihin sakin?"pangungulit ko sakaniya.

"Later I will tell you. Kaya wag ka muna makulit."sabi nito sabay kurot sa ilong ko.

"Fudge! Ok ok! Hindi mo na ko kailangan kurutin!!"tumawa lang ito dahil sa inis na ipinakita ko sakaniya.

Bakit kaya sa tuwing naiinis ako tumatawa lang siya? Kabanas na ha!

"Kasi ang cute cute mo pag naiinis ka!" Hala nabasa niya ba yung iniisip ko? Kailan pa to natuto manghula?

"Hindi ko nabasa kung anu iniisip mo. Sadyang kita lang sa mukha mo kung anu iniisip mo!" Fudge! Yun pala yon.

Hinatid na ako nito sa bahay at sumama pa sa kwarto ko dahil may sasabihin padaw siya sakin. Kaya hinayaan ko nalang hindi naman kami pinagalitan ni mama at papa dahil may tiwala naman sila kay kaiuz.

"Ok start! Anu ba sasabihin mo?" Nakatitig ako dito habang nakaupo kami ng magkaharap sa kama.

"Hmmm kasi ano tingin ko makaka move on kalang kapag nagka bf ka ulit." Sabi nito ng hindi nakatingin sakin.

But wait is he serious? Kaka break pa lang namin ni mike last month tapos biglang ang gusto nitong si Kaiuz eh kumuha nanaman ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko?

"Wait..tama ba ko ng nadidinig sayo?" Tanong ko sakaniya habang kinakalikot ko kunwari ang tenga ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

Umubo muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I want to be your boyfriend Sab." Nakatitig ito saakin habang deretsong sinabi sakin ang gusto niya.

"Ahmmm.."

"It's ok you don't have to decide now pag isipan mo muna. Naisip ko lang kasi na kapag nag bf ka ulit mababaling na sa akin ang atensyon mo at hindi mo na maiisip ang gago mong ex kasi pasasayahin kita lagi."seryoso padin ito habang unti unting tumatayo para makaalis na.

"Alis na ko sab. Goodnight" sabay halik nito sa ulo ko.

Fudge! Anu nangyari? Totoo ba yong mga sinabi niya? Hindi kaya nabibigla lang yon? Para nadin niyang sinabi na gamitin ko siya para makapag move on ako ng mabilis.

"Ouch!" Sinampal ko ang sarili ko sa pagbabakasakali na magising ako, ngunit nasaktan ako sa sarili kong sampal ibig sabihin hindi naman ako tulog! Ibig sabihin totoo ang mga sinabi niya!

Hindi ako pinatulog ng pag iisip sa mga sinabi sakin ni Kaiuz. Matagal ko na siyang kilala at oo crush ko siya dati pero habang lumalaki kaming magkasama nakalimutan ko na nacrush ko pala siya dahil nasanay na ko na lagi ko siyang kasama.

The One Who Broke My Heart!Where stories live. Discover now