Kabanata 13

8 3 0
                                    

"Ma aalis na kami ni Papa!"sigaw ko kay Mama ng lunes ng umaga.

"Sige mag-iingat kayo ha!"humalik na kmi ni Papa kay mama bago kami sumakay sa kotse.

Ngayon araw ang orientation ko sa company ni Papa bilang secretary ni Vince. Si Vince ay isa sa mga naging scholars ni Papa. Ang daddy ni Vince ay dating kaklase ni Papa sa high school, nung minsan namamasyal kami may nakita si Papa na lalaki na umiiyak sa isang tabi kaya naman nilapitan niya ito.

Nagulat si Papa ng mapagsino ang lalaki at kinausap ito, pinauna kami ni papa sa loob ng mall para makapamasyal na kami ni Mama habang si Papa naman ay naiwan. Pumasok kami sa isang restaurant kung saan daw kami kakain at kung saan namin katatagpuin si Papa.

Nang makabalik si Papa ay ikinuwento nito kay Mama ang nanyari dun sa lalaki na nakilala namin bilang Louis. Ang tanging naintindihan ko lang ay pag-aaralin daw ni papa ang nag iisang anak ni Louis na si Vince, dahil kapos ito sa buhay at naghahanap palang ng trabaho.

Binigyan ni Papa ng trabaho si kuya Louis bilang supervisor sa company at ng lumaon nga ay nakapagtapos nadin si Vince sa pag-aaral at ito ang kinuha ni Papa na head ng accounting sa company dahil nadin sa iyon din naman ang tinapos nitong kurso, hinayaan din ni Papa na makabili si Vince ng stock sa company. Kaya suma tutal isa na ngayon si Vince sa may ari ng company.

Habang papunta kami sa company ay hindi ko maiwasan ang kabahan. Sa totoo lang ay hindi kami close ni Vince ayoko sakanya dahil masyadong may tiwala si Papa sakanya. Madalas siya dating nasa bahay namin,  matanda ito samin ni Kaiuz ng tatlong taon.

Naiinis ako kapag iniimbitahan siya ni mama at papa sa bahay para doon kumain o magpalipas ng araw. Hindi ko alam pero tuwang tuwa sakanya si papa, siguro dahil wala akong naging kapatid na lalaki kaya ang turing niya dito ay parang anak nadin.

"Pa hindi ba pwedeng sayo nalang ako mag secretary?"tanong ko kay papa habang nagmamaneho ito at seryosong nakatingin sa daan.

"May secretary pa ko at bakit naman bigla mo yan nasabi?"kunot noong tanong ni papa sakin.

"Wala naisip ko lang. Bakit kasi kay Vince pa eh alam mo namang hindi kami close non."hindi ko mapigilan ang sumimangot sa pag reject ni papa sa suhestyon ko.

"Matatanda n kayo. Dapat hindi kana ganyan mag isip. Kung anu man ang ikinagalit mo sakanya o ikinagalit nya sayo ay kalimutan mo na dahil siya na ang magiging boss mo."tumatawang saad ni papa na nilingon pa ko at tinawanan.

Hmmmp bahala na nga. Hindi nalang ako magpapaapekto sa nakakainis niyang pagmumukha.

"Goodmorning sir!"sabay sabay na bati ng mga empleyado na nakakasalubong namin.

"Goodmorning!"bating balik naman ni papa.

Nang makarating kami ni papa sa elevator ay pinindot na nito ang button kung nasaang palapag ang opisina ni Vince. Kinakabahan ako habang hinihintay ang pagdating namin sa palapag na iyon kaya pinipindot pindot ko nalang ang mga daliri ko sa kamay.

Biglang may tumunog, hudyat na narating na namin ang palapag kung saan ang pakiramdam ko ay mag uumpisa na ang kalbaryo ko.

The One Who Broke My Heart!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora