Kabanata 6

18 4 0
                                    

Kabanata 6

Isang linggo na simula ng maging kami ni Kaiuz. Napagkasunduan namin na ganito ang gawin dahil pareho naman kami mag bebenefits.

Una para hindi na siya kulitin ng mommy niya na sumunod na sa canada.

Pangalawa para makapag move on ako ng mabilis base sa sinasabi niya na gagawin niya kapag naging kami na.

Pangatlo ay para sa aming dalawa, ayaw naming malayo sa isa't isa.

"Kai naiinip ako."baling ko dito habang naka higa ako sa sofa at nakaunan ang ulo ko sa hita niya.

Dito kami ngayon sa bahay nila nakatambay habang nanonood ng TV at kumakain ng popcorn. Isang linggo na ang relasyon namin at totoo naman siya sa mga sinabi niya na ipaparamadam niya sakin ang mga bagay bagay na ginagawa ng mga mag bf gf para makalimutan ko ang impakto kong ex boyfriend.

We always go on a date, eat outside, go shopping and he always hugs me and kiss me on my lips everytime we parted ways. Sweet niya kaya! Minsan hindi ko maiwasan kiligin sa mokong na to! Lalo na kapag pinapakita na niya yung abs niya! Ay joke lang yung sweet gesture lang pala.

At san kapa lagi niya ko pinagbibigyan sa mga saltek ko!haha kung alam ko lang na ganito pala tong si Kaiuz ako na ang matagal na nanligaw dito. He's very different nung magkaibigan palang kami dati kasi panay kalokohan lang ang alam niya at palagi niya lang ako pinagtitripan, ngayon may kalokohan padin pero may sweetness na.

"Anung gusto mong gawin natin? Mamasyal? Manood sine? Kumain sa labas? O ituloy na to sa next level?" Sabi nito habang itinataas baba pa ang kilay at naka ngising tinignan ako.

"Ang kapal mo talaga! Hindi ko alam kung anung gusto ko basta nabobored ako."sagot ko sakanya sabay hampas sa dibdib nito. Yay nakatyansing nanaman ako sa matigas niyang dibdib!hihihi

"Tyansing ka ha..alam mo Sab napapansin ko lagi mo ko hinahampas sa dibdib..dati hanggang braso lang yang mga kamay mo! Baka sa susunod niyan mejo nasa baba nayan humahampas kahit gusto ko yon wag kanaman masyado pahalata!haha"bintang nito sakin sabay tawa ng nakakaloko.

Fudge! Nabuking ako!haha akala ko hindi niya mahahalata! Hindi na tuloy ako makakapantyansing! Hmmmp!

"Ang kapal naman ng mukha mo! Napansin mo pa yon!hahaha!"sabay hampas ko naman sa abs niya.

Nagulat ito sa ginawa ko kaya sumeryoso ang mukha nito at biglang hinawakan ang kamay ko. Napa upo ako sa naging reaksyon niya.

"Bakit may problema ba? Bakit bigla kang naging seryoso? Nasaktan ba kita?"nakakunot ang aking noo habang nakaharap ako sakanya. Siya naman ay titig na titig sa aking mukha.

"Sumama ba ang pakiramdam mo?"tanong ko sakanya habang sinasalat ko ang kanyang noo at leeg. Hmmm wala naman siyang lagnat bakit bigla nalang nag seryoso ang mokong na to? At parang namumula pa siya.

Ipinatong ko ang kamay ko sa hita niya at bigla nalang siyang tumayo at nagcurse sabay dumeretso sa banyo.

Ano nanaman kayang problema non!?

The One Who Broke My Heart!Where stories live. Discover now