Kabanata 5

10 4 0
                                    

Kabanata 5

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Nag ayos muna ako bago bumaba.

" Morning Ma!" Sabay halik ko sa pisngi niya at umupo na ko sa dining table.

"Morning kajan! Tanghali na kaya!"sabay tingin nito sakin ng nakangiti.

"Nasa opisina naba si Papa?"

"Oo kanina pa may meeting daw siya na pupuntahan."habang hinahain ni mama sa lamesa ang pagkain bigla nalang sumulpot si Kaiuz sa may pinto ng kusina.

Fudge! Hindi pa ko handa na humarap sakanya!

"Hi Tita. Hi Sab." Bati nito saming mag ina. Hindi din ito makatingin saakin ng deretso.

"Hi. Bakit andito kananaman?" Tanong ko dito para mejo mawala ang awkwardness na nararamdaman namin pareho.

"Anu kaba sab..ikaw talagang bata ka. Inimbitahan ko si Kaiuz na dito na kumain."pina upo na ni mama si Kaiuz sa katapat kong upuan.

Habang kumakain na kami ay panay naman ang kwento at tanong ni Mama ng kung ano-ano.

"So Kaiuz may plano kana bang imanage ang isa sa mga negosyo niyo sa ibang bansa?"biglang tanong ni Mama.

Nakatingin lang ako kay Kaiuz habang naghihintay ako ng isasagot nito.

"Depende po Tita kung ano ang gusto ni Sab."sabay tingin nito saakin. Bigla akong inubo sa sinabi nito.

"Excuse me!?"tinaasan ko ito ng kilay habang seryoso naman itong nakatingin saakin.

"Bakit saakin naka salalay ang sagot jan sa dapat mong gawin?"sagot ko rito na ipinagkibit lang nito ng balikat.

"Haha kayo talagang dalawa. Hindi paba kayo nagkakadevelopan?"mas lalo ata akong inubo sa sinabi ni mama! Lumapit si Kaiuz para hagudin ang likod ko at painumin ako ng tubig.

Habang si Mama naman ay tinitignan kami ng kakaiba pero nakangiti parin.

"Ma! Anu ba yang pinagsasasabi mo! Walang malisya ang pagkakaibigan namin ni Kaiuz no!" Bumalik na si Kaiuz sakanyang upuan at kumain na ulit kami ng maayos habang si mama naman ay iniba nadin ang usapan.

Matapos naming kumain ay nagpunta ako sa likod bahay kung saan may duyan na gawa sa kahoy na nasisilungan ng malaking puno. Katabi nito ay ang mini garden ni Mama na talaga namang alagang alaga nito.

Sumakay ako sa duyan at inugoy ito ng mahina habang nag iisip ng biglang tumabi saakin si Kaiuz.

"Sab?"tawag nito sa akin.

"Hmmm?"yun lang ang tangi kong nasabi at tumingin ako sa kaniya. Nagulat ako ng makita na seryoso din itong nakatingin sa akin.

"Aalis na ko next week." Malungkot nitong saad saakin.

Nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata nito habang nakatunghay sa akin. Yumuko ito at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Gusto kitang maging girlfriend. Yun lang yung paraan para hindi ako pilitin ni mommy na sumunod doon. Ayaw kitang iwan habang nasasaktan kapa."naiiyak na bigkas nito. Nakita ko na nagpunas ito ng mga mata.

Hindi ko din mapigilan ang sakit na dumaan sa puso ko. Habang iniisip ko palang na iiwan niya kong mag isa sumasakit na ang puso ko. Gusto kong mag lumpasay sa nalaman ko at gusto kong magwala. Hindi ako sanay ng wala siya, hindi ako sanay ng hindi siya nakikita. Kaya isa lang ang naisip ko oo selfish ako.

"Sige pumapayag na ko na maging girlfriend mo."seryoso kong sagot sakaniya.

The One Who Broke My Heart!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें