Kabanata 14

7 3 0
                                    

"Goodmorning sir!"bati nung babae na nakaupo sa labas ng opisina ni Vince.

"Morning Mae! Is Vince inside?"tanong ni papa dito. Habang ako naman ay nakasunod lang at tahimik na nasa likod niya at hindi mapakali.

"Yes sir kanina pa nga po kayo hinihintay ni sir Vince."

"Okay pasok na kami ha."

"Sige po!"masiglang sabi nito at sabay tingin sa akin na sinamahan pa nito ng pag-ngiti.

Siya siguro yung papalitan ko sa trabaho. Mukang mabait naman. Sumunod na ko kay papa ng makita ko na tumuloy na ito sa pagpasok sa loob ng opisina.

"Goodmorning Vince!"bati ni papa sa lalaki sa harap niya. Hindi ko ito masyadong makita dahil nasa likod pa ko ni papa at ayokong gumalaw sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako sa muli namin pagkikita. Shit! Hindi dapat ganito ang maramdaman ko. Relax sab! Just relax!

"Goodmorning sir!"sabi ng malalim na boses na nagmumula sa lalaking ayaw kong makita. Fudge! Nakadinig ako ng pag galaw ng upuan. Tumayo ito para salubungin ang papa ko.

"Please seat."itinuro nito ang upuan na nasa harap  lang ng lamesa nito.

Sumunod ako kay papa ng nakayuko, umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Vince.

"Hi Sabrina. It's been a long time huh.?"tinignan ko ito sa mga mata, walang emosyon ang ipinakita sakin nitong reaksyon.

So galit padin siya dahil sa mga ginawa ko sakanya dati. Fudge! Patay ako nito. Siguradong pahihirapan niya ko.

Nag uusap si papa at si Vince habang naka upo lang ako doon at nakikinig sakanila. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang mukha ni Vince na ang laki na ng pinagbago mula ng huli ko itong makita. Mas naging lalaking lalaki ang dating nito na bumagay sa moreno nitong kulay. Ipinapaliwanag ni papa kay Vince kung anu-ano ang dapat kong matutunan at kung anu-ano ang dapat nitong ituro sakin.

"So paano Vince?" Sabay tayo ni papa na nakapagpabahala saakin. "Iiwan ko na kayo ha, ikaw na bahala dito sa anak ko at marami pang trabaho ang nag hihintay sakin sa opisina ko."

"Sab be good girl ha. Wag kang magpasaway!"bilin sakin ni papa bago tuluyang lumabas ng opisina ni Vince. Nakasimangot lang ako sa tinuran nito ng biglang magsalita si jess.

"Ikaw parin pala yung batang spoiled brat na nakilala ko."tinignan ko ito ng masama sa sobrang inis ko sa sinabi nito.

"Excuse me Mr. Siongco wala akong panahon na makipag balik tanaw sayo."inirapan ko lang ito na sinuklian naman nito ng pag ngisi.

"Ok. Then pumunta kana sa labas, kausapin mo si Mae sa mga dapat mong malaman."turan nito at ibinalik na ang tingin sa mga ginagawa nito kanina.

"Diba sabi ni papa ikaw daw ang mag turo sakin?"naiinis na talaga ko sa kapreskuhan ng taong to ha! Grrr!

"As you can see... marami akong ginagawang importanteng bagay. Kaya nang ituro ni Mae lahat ng kailangan mong malaman bilang secretary ko."aba't talaga naman puno siya ng hangin sa katawan.

Tumayo na ko at baka kung ano pa ang masabi ko sakanya."pasalamat siya gwapo siya kundi nunca na pagtatyagaan ko ang ugali ng lalaking to!"bulong bulong ko habang papalabas ako ng opisina niya.

"Thank you Miss Montenegro!"sigaw nito sa akin at sinabayan pa ng malakas na pagtawa bago ko pa maisara ang pinto. Fudge! Nakakahiya nadinig nya kaya yung sinabi ko? Uggghh!

The One Who Broke My Heart!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora