Kabanata 12

10 3 0
                                    

Hindi ko maiwasan na kabahan sa maaring sinabi ni Papa kay Kaiuz. Nandito na kami sa hapag at kumakain, inimbitahan ni Mama si Kaiuz na dito na maghapunan na hindi naman tinanggihan ng huli.

"Kamusta yung pinapaasikaso sayong negosyo ng daddy mo Kaiuz?"basag ni Papa sa katahimikan.

"Ah ok naman po Tito, sa bahay ko lang ginagawa baka mga 3yrs from now pa po bago iyon makapag expand dito."

"Ah ganon ba? Mabuti naman kung ganon."

Natapos kaming kumain na panay tungkol sa negosyo lang ang pinag uusapan. Inaya ko si Kaiuz na pumunta sa likod bahay kung saan merong duyan na pwede naming pagtambayan.

Nauna akong umupo at tumabi naman siya sakin. Tahimik lang kami habang nakatingala sa madilim ng kalangitan.

"Alam na ni Papa ang tungkol satin."kinakabahan kong sabi sa kanya.

"I know kinausap niya ko kanina habang tulog kapa. I'm sorry... napagalitan kaba?"tumingin ako sa mga mata niya na punong puno ng admirasyon para saakin.

"Hindi niya ko pinagalitan. Pinayuhan niya pa nga ako."nakangiti kong tugon sakanya.

"Nga pala gusto ni Papa na pumasok na ko sa company niya. Ok lang ba iyon sayo?"

"Yun ba ang gusto mo? Kung yun ang gusto mo ok lang sakin..kung yun ang makakapag pasaya sayo."

Nagtitigan lang kami hanggang sa ilapat nito ang labi nito sa labi ko na parang laging sabik sa mga halik niya. Really! I can't get enough of this man's kiss.

Nung maramdaman ko na aalisin na niya ang labi niya sa labi ko ay ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya para hindi siya makalayo at para palalimin pa ang halik na nag bibigay sa saakin ng daan daang boltahe ng kuryente na nakakapagpabilis sa tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman. Pero wala na kong pakialam hanggat nandito siya sa tabi ko susulitin ko ang bawat araw na pinagsasaluhan namin.

"Baka makita tayo ng mga magulang mo...baby...hmmm...stop..ayokong mapagalitan ka...hhmmm...kapag nahuli tayo...hhmmmm" putol putol na sabi nito habang patuloy ko siyang hinahalikan.

"Oh god...hmm..sab...baby..tama na pareho tayong mapapahamak kapag pinagpatuloy natin to...hmmm at hindi ko alam kung hanggang kailan kita kayang patigilin.."hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at unti unting inilayo ang labi niya sa labi ko habang magkadikit padin ang aming mga noo.

"Shit! I can't get enough of you..hmmmmp..."hinalikan niya pa ako ng isang beses na siya naman talagang nagpatalon sa puso ko.

"I really have to go sab.. dahil kung hindi baka makalimutan ko na nandito tayo sa labas ng bahay niyo at angkinin kita ora mismo."malambing niyang bulong sa akin. Namumula na ang aking pisngi dahil sa nararamdaman kong init at kiliti sa aking katawan.

"I like that..hmmm" mapang akit kong bulong sakaniya at nakarinig ako ng iilang mura bago ito tumayo at haltakin ako papasok sa loob ng bahay.

"Your naughty little brat..stop teasing me..you win already!" Nakita ko ang frustration sa muka nito at natawa nalang ako.

"Now your laughing at my face. Pagtapos mo kong bigyan ng hard on!"madiin ngunit malambing padin nitong bulong na nakapag palaki sa mata ko at tingin sa naka umbok nitong pantalon.

The One Who Broke My Heart!Where stories live. Discover now