Kabanata 11

8 3 0
                                    

"Kayo naba ni Kaiuz?"

Nagulat ako sa tanong ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pinag usapan namin ni Kaiuz na wag na munang ipaalam sa magulang ko kung ano ang meron kami dahil baka mabigla ang mga ito. Oo ngat alam na ng mga magulang ni Kaiuz ang tungkol saamin pero hindi pa ko handa na ipaalam to kela Mama at Papa.

Pero dahil nacorner na ko ni Papa mas maigi padin ang magsabi ng totoo.

"Yes Pa." Nakayuko kong saad sakanya. I felt nervous ngayon lang ako kinompronta ni Papa at pakiramdam ko ay may nagawa akong mali.

Humugot ulit ng buntong hininga si Papa bago ulit nagsalita.

"Ok. Malalaki na kayo. Hindi ko lang ineexpect na ililihim mo ito saamin ng Mama mo. Kung hindi ko pa nakausap ang mga magulang ni Kaiuz ay hindi ko pa malalaman."may pagtatampo sa boses nito ng sabihin iyon.

"I'm sorry Pa. Nakiusap ako kay Kaiuz na wag muna ipaalam sa inyo kasi hindi pa ko handa, humahanap pa po ako ng magandang tyempo."tinitigan ko si Papa na mababakas padin ang magtatampo.

"Meron pang isa. "

"Ano po yon Pa?"nangunot na ang kilay ko dahil sa sinabi ni Papa. May isa paba kong inilihim sakaniya? Wala naman ah. Ano kayang trip nitong tatay ko?

"Vince secretary is resigning. I want you to take the job na babakantihin nung secretary niya. Nakapagpahinga kanaman na siguro pagtapos nung graduation niyo. Kaya gusto ko mag report ka kay Vince sa monday. Understood?"

Monday? Saturday na ngayon ibig sabihin may isang araw nalang ako para ipaalam to kay Kaiuz.

"Oh and one more thing.."tawag ni Papa sa pansin ko.

"I want you to be extra careful this time Sab. Ayoko ng makita na nasasaktan at umiiyak ka. Masakit para samin ng mama mo na makita kang nasasaktan. Mabait na bata si Kaiuz we like him for you, alam kong alam mo yan. Kaya sana kung ano man ang maging problema o mga dadaan sa relasyon niyo ay sabay ninyong ayusin at lagi niyong pag usapan. Tiwala at Respeto ang susi sa matagumpay na relasyon, kasunod nalang non ang love. Naiintindihan mo ba?"

Tumango nalang ako sa sinabi ni Papa. Masaya ako na natanggap niya ang naging relasyon namin ni Kaiuz.

"Sige na makakalabas kana. Don't forget to close the door."

Lumabas na ko at dumeretso sa kwarto ko sa ikalawang palapag ng bahay. Pagpasok ko sa aking silid ay nahiga agad ako at naisip ang mga sinabi ni Papa.

Respeto at Tiwala. Hmmm

Naalimpungatan ako sa sigaw na naggagaling sa labas ng kwarto ko. Nakatulog pala ako. Kinusot ko ang aking mata habang nag iinat.

"Sab! Kakain na bumaba kana dito!"sigaw ni mama.

"Susunod na po ako!" Ahhhh ang sarap ng naging tulog ko ah, anong oras naba? Tinignan ko ang oras at nakita ko na ala syete palang ng gabi.

Bumaba na ako para kumain ng makita ko sa aming sala si Kaiuz na kausap si papa. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Shit! Ang ngiting iyon! Hindi ko mapigilang humanga sa kagwapuhang taglay ni Kaiuz. Hindi nakakasawang tignan ang mukha niya lalo na kapag nakangiti na siya ng nakakaakit.

The One Who Broke My Heart!Onde histórias criam vida. Descubra agora