SIMULA

10.8K 232 5
                                    

Una po gusto ko lang linawin na hindi po ito isamg sequel o anuman. Iba po ito, napagpasyahan ko po kasing gumawa ng istorya na ganito dahil madaming nagrerequest.

***

SYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may hindi inaasahang nangyari. Nabangga ang Van sa isang malaking puno sa isang madilim na paligid ngunit nahagip ng kanilang paningin ang isang arko na may nakaukit na pangalan ng isang baryo Ang Baranggay Maligaya.




Nagpagpasyahan nilang tumungo doon dahil wala naman silan matutulugan at hindi naman sila makakatulog sa sasakyan ng maayos kaya kahit natatakot sila ay tinatagan nila ang kanilang loob para makahanap ng mga kabahayan at para manatili doon kahit isang gabi lang.




Hindi nga sila nabigo, nakahanap ang mga ito ngunit ang nakakapagtaka kang ay walang kailaw-ilaw ang buong paligid, parang waang naninirahan sa baryong iyon at ang nakakakilabot pa ay may mga nakamanman at nakamasid na mga mata sa kanila at hindi nila matuloy kung ano iyon.



Ano nga ba ang kababalaghan na bumabalot sa baryong iyon?

***

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now