Kabanata 14 (Part 1)

3.3K 119 26
                                    

Kinaumagahan ay halos sugudin ko na lahat ng mga kabahayan na nakatayo dito sa baryo pero buti na lang napigilan ako ng mga kasamahan ko.


Galit na galit ako dahil kinuha nila sila Heena at Lola. Gusto kung sunugin ang mga bahay nila dahil sa galit, gusto kung patayin silang mga aswang.


Nilingon ko si Red. Kaya na niyang tumayo. Bumabalik na rin ang dati niyang lakas. Kitang-kita mo talaga ang epekto ng tubig ng talon na pinainom namin.


Nilingon ko si Tyrone na nakatingin rin pala sa akin. Agad akong nag-iwas ng aking tingin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naiinis ako tuwing nakikita ko sila ni Maria na masayang nag-uusa na para bang normal lang ang araw na ito. Tuwing magtatanong siya sa akin ay isang salita o tango na lang ang naisaagot ko.


"Belle, saan natin hahanapin sila Heena? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila." tanong sa akin ni Kyle. Napatingin ako sa kanya at hindi sumagot dahil hindi ko naman talaga alam kung saan maguumpisang maghanap.


Kahit papaano ay masmapapadali na sa amin ngayon dahil alam na namin ang kahinaan ng mga aswang at manananggal.


Lumapit sa kinaroroonan namin ang ama ni Maria. Umupo siiya sa tabi ko at hinawakan ang aking balikat.


"Mayikwekwento ako sa inyo." pagsisimula niya kaya naman napatingin ako sa kanya. "Isang bata, isang bata ang ipinanganak noon dito at may kakaiba silang uri." aniya.


Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil hindi naman niya binubuo ang kanyang kwento.


"Nalaman ng mga aswang na iba sila. Sinaktan nila ang mga ito pero ng bata ay nakatakaa at napunta sa labas. Walang nakakaalam kung sino ang bata basta ang alam nila ay nasa tao ang mga ito at naninirahan na parang normal." aniya.


Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Parang tambol ang pagkabog nito habang pinapakinggan ko ang bawat detalyeng sinasambit niya. Kahit hindi ko maintindihan ang kanyang sinaabi ay nauunawan ko ito.


"Pagkatapos ng trahedyang iyon ay mashinigpitam ng mga aswang ang dipensa laban sa kanila dahil ang kabilang panig au doble ang laks nila kesa sa mga aswang."


"Ha? Ang ibig niyo pong sabihin mas malakas sila? Sino pong sila? At sino iyong bata?" sunod-sunod na tanong ko.


Ngumiti naman ito at nilingon ang mga kasamahan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakuha ko ang gusto niyang ipahiwatig.


"I-iisa sa k-kanila?" kinakabahan kung tanong. Gusto kung hindi maniwala sa aking naiisip.


Ngumiti lang ito. Pero bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko ang isang matulis na bagay na tumama sa aking tiyan.


Agd akong napamulat ng aking mga mata. Iginala ko ang paningin ko sa madilim na paligid. Papasikat pa lang ang araw.


Hindi ko alam kung anong nangyari. Panaginip lang ba iyon? Pinagpapawisan ako ng malagkit dahil sa panaginip na iyon.


Tinignan ko ang kasamahan ko na natutulog at nung nagawi ang aking paningin sa ama ni Maria ay halos manlaki ang aking mga mata.


Kahit na madilim ang loob ay nakikita ko siyang nahihirapang humihinga habang hawak ang kanyang tiyan at naliligo sa sarili niyang dugo.


Nilingon ko ang mga kasamahan ko magbabakasakaling may nagisinh dahil nakakatiyak ako na hindi aswang ang may gawa nito kundi isang tao. Isa sa amin dito ang gumawa!


Pero sino?! Sino?!

***

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now