Kabanata 9

4.3K 141 9
                                    

KABANATA 9

Para kaming lantang gulay na naka-upo sa gilid ni Red habang walang nalay siyang nakahiga at pawisan ang kanyang noo.


Namamaga ang mga mata ni Heena at Joy sa kakaiiyak sa takot na nangyari kanina. Wala rin akong nagawa kundi ang tignan sila at tulad rin nila ako ay natatakot na talaga sa baryong ito.


Inilubog ni Lola ang hawak niyang bimpo at piniga ito tyaka pinunasan ang noo ni Red.


"A-ano pong nangyari sa kanya? Magiging ok lang ba siya?" tanong ni Kyle.


"Sa ngayon hindi pa siya magiging ok hangga't hindi pa nati nalulunasan ang lason na kumakalat ngayon sa kanyang katawan" pahayag sa amin ni Lola.


"Ano po ang dapat natin gawin para mawala ang lason na nasa kanyang katawan?" tanong ni Ty.


Nilingon niya ito at muling pinunasan ang katawan ni Red.


"Kailangan nating mapainom sa kanya ang mahiwagang tubig na nagmumula sa isang runaragasang talon na nasa gubat. Kailangan nating mapainom sa kanya ng lalong madaling panahon dahil kapag hindi natin ito malunasan ay kakalat ito sa kanyang utak at siya'y mamamatay."


Napasinghap kami sa takot sa narinig namin. Gusto kung umiyak dahil wala akong magawa.


Muli kung tinignan si Red na nakahiga. Nakapikit ang kanyang dalawang mga mata habang namamawis ang kanyang noo na animo'y nahihirapan. Sinulyapan ko ang kanyang paa kung nasaan ang kagat. Nagiging kulay itim na ito.


"Iyong kagat. B-bakit nag-nagiging itim?" kinakabahang tanong ko.


Agad na hinawakan ni Lola ang kagat na nasa paa ni Red. Nanlaki ang mga mata nito at ibinaling ang tingin niya sa aming lahat.


"Nagsisimula ng kumalat ang lason sa kanyang katawan. Kailangan nating napainom sa kanya ang tubig ng talon na iyon bago pa mahuli ang lahat." saad niya sa amin.


Narinig ko ang paghikbi ng salawang kaibigan ko sa narinig. Pati ako ay nangingilid na rin sa luha dahil sa takot na baka may mangyaring masama kay Red.


"Saan namin matatagpuan ang talon na ito?" diretsong tanong ko.


Napatingin ang lahat sa akin. Nakatingin lang ako kay Lola at hinihintay ang kanyang isasagot sa aking katanungan.


"Nasa gitna ito ng gubat." sagot nito. "Pero hinding-hindi ka basta-basta makakuha ng tubig sa talon na iyon dahil may nagbabantay na isang kakaibang nilalang doon at hindi lang siya basta-bastang nilalang." aniya.


"Si-sino ang nagbabantay sa talon na i-iyon?" tanong kung muli.


"Hindi sino, kundi ano." aniya.


Kinaumagahan ay agad kaming naghanda sa mga kakailanganin namin papunta sa talon na iyon. Si Kyle, Tyrone at si Joy ang kasama ko habang si Heena naman ay maiiwan dito na kasama si Lola.


Kinuha ko ang isang maliit na bag kung saan naglalaman doon ang bawang, asin pati narin ang isang maliit na punyal ay andun rin. Ibinigay ko kay Tyrone ang paglalagyan ng tubig ng talon. Sila Heena at Kyle naman ay may kanya-kanyang dalang sandata na palakol at isang kutsilyo habang ako naman ay hawak ang pana ni Lola na may mga bala na mat bawang sa patalim nito.


"Mag-iingat kayo doon. Hangga't maari ay kailangan niyong magsama-samang lahat para mas magawa niyo ito ng masmadali. Wag kayong maghihiwalay dahil hindi niyo alam kung ano ang mga nilalang na nasa gubat na iyon. Delikado ang tatahakin niyong lugar kaya dapat masmaging alerto kayo sa paligid na tinatahak ninyo." bilin niya sa amin.


Tumango kaming lahat at nagpaalam para tutulak na para makaalis na.


Dalawang araw o higit pa bago kami makapunta foon at makabalik dito. Kaya kailangan naming mas madaliin ang paglunta namin sa talon na iyin para hindi kami mahuli. Kailangan naming iligtas ang isang buhay ng aming kaibigan at hindi namin pwedeng pabayaan na lang ito. Hindi namin kayang makitang mamaya ang isa sa amin sa bakasyon na ito.


Alas sais ng umaga ay nakapasok na kami sa gubat na iyon. Tanging mga puno at halaman lang ang nakakasalamuha namin habang naglalakad kami. Tirij rin ang araw habang naglalakad kami papunta sa talon na iyon.


Nagpapahinga kami ng kunting oras sa ilalim ng mga puno at itutuloy muli ang paglalakbay papunta sa talon na iyon.


Bandang alas kwatro ng hapon ay wala pa kaming nakikita ni isang bakas ng tubig man lang sa talon o huni ng rumaragasang talon. Tangung mga huni lang ng ibon at iba pa.


Muli kaming umupo sa isang malapad na kahoy na nasa ilalim ng malaking puno. Isinandal ko ang aking likod doon para sana umidlip ng kaunti ng biglang nahagip ng aking pangingin ang ahas na nasa tuktok na handang tumalon papunta sa kinaroroonan namin.


"Alis!" sigaw ko sa kanila at bago pa makadapo sa amin ang ahas ay agad na kaming nagsitabihan doon.


Kobra. Isang malaking kobra ang nasa harapan namin ngayon at ang jobrang ito ay hindi niya alam kung sino ang unang aatakihin sa amin.


Nilabas ni Heena ang dala niyang kutsilyo habang si Kyle naman ay hawak ang palakok ganun rjn si Tyrone.


Sa bawat galaw namin ay nakamasid ito sa amin. Handa niya kaming tuklawin pero hindi niya lang alam kung sino ang uunahin niya sa aming apat.


Tinignan ko si Kyle at senenyasan kung ano ang gagawin. Natanggao naman niya kaagad kung ano ang gusto kung ipahiwatig na gagawin nito.


Nilabas ko ang maliit na punyal. Ang plano namin ay lalapit ako sa ahas para ako ang tuklawin pero bago ako tuklawin ng ahas ay siya namang paggamit ni Kyle ng palakol niya sa ahas para mamatay ito. Ganun ang plano.


Hinawakan ko ng mabuti ang punyal na hawak ko. Lumapit ako sa ahas pero umaatras ako para hindi niya ako matuklaw ng tuluyan. Itinaas ko ang punyal at kasabay nun ang pagtuklaw na sana ng ahas sa akin ng bigla nahati ito ng dalawa dahil sa ginawa ni Kyle.


Doon na lang kami napahinga ng maluwag ng napatay namin ang ahas.


Pinagpatuloy na namin ang paglalakbay papunta sa talon.


Bandang alas sais ng wala pa kaming nakikita. Itinapak ko ang aking paa sa lupa pero bigla ko na lang naramdaman ang basa na dulot nito. Napatingin ako sa lupa at tama nga ang hinala ko, may tunig ngang umaagos dito kaya pala basa.


Hinanap ng mga mata ko kung saan nagmumula ito. Papunta doon sa itaas kaya naman sinunuod namin ang inaagusan ng tubig.


Alas syete na at madilim na ang paligud ng naririnig na namin ang malakas na pagragasa ng talon sa kinaroroonan namin. Napangisi kaming lahat ng nakita na namin ito ng harap-harapan.


Malaki ang talon. Ang tubig na nagmumulasa itaas ng batuhan ay tumatama sa baba nito na may mga bato rin. Malinig ang tubig na ito at parang masarap na maligo sa ganitong talon.


"Ito na ba iyon?" tanong ni Joy.


Tumango ako at nakatitig sa tunig ng talon na kumikinang dahil sa ilaw ng buwan.


"Ito na nga." sagot ni Tyrone.


Nilabas na ni Tyrone ang lalagyan ng tubig para sana kumuha na ng tubig sa talon ng may narinig kaming isang nakakagimbal na ingay papunta sa kinaroroonan namin.


Napatingin ako sa itaas. Ganun na kang ang panlalaki ng mga mata ko ng nakita ko ang isang babae na lumilipad habang kalahati lang ang katawan nito.


Isang manananggal!

***
Maraming typos amd gramarrs paki intindihin na lang. Read at your own risk. Thanks!

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now