Kabanata 13 (Part 2)

2.9K 116 4
                                    

Kabanata 13 (Part 2)

Happy 9k at nasa #19 tayo ngayon sa Horror. Pushpa para makapunta tayo sa top haha.

***

Bago pa dumaplis ang mga malalapad na kuko ng mananaggal na susugod s akin ay narinig ko na ang pagsigaw ng nga aswang at mga mananaggal kasabay nun ang pag-ilaw ng buong paligid dahil sa mga nakahilerang kahoy na lumalagablab na ngayon.




Parang napapaso ang mga io. Unti-unti silang naging abo at nawal na parang bola sa aming harapan. Doon na lang ako nakahinga ng maluwag. Nanginginig ang aking mga tuhod at bagopa ako bumagsak sa simento ay nasalo na ako ni Kyle pa-upo.




"Ok ka lang ba?" tanong nito sa akin ngunit tango lang ang ginawa kung sagot dahil wala akong lakas pa na magsalita.




Agad na lumapit ang amingmga kasamahan. Napatingin ako kay Tyrone at hahagkan na niya sana ako pero pinilit kung tumayo at mabuti na nga lang adito si Kyle na sumuporta sa akin. Nilingon ko siya muli at nakita ko ang pagkunot niya ng noo.




"Kaya mo ba?" nagaalalang tanong ni Kyle. Tinanguhan ko lang siya at mas hinigpitan pa ang kapit sa kanyabg balikat. Kahit papaano ay kaya ko pang tumayo kahit nanginginig ang aking mga tuhod.




"Magmadali na tayo para makarating na tayo sa ating paroroonan bago pa tayo mahuli." ani Joy. Sumang-ayon naman kami.




Agad kaming nakarating sa bahay ni Lola. Pagbukas pa lang namin ng pintuan ay ang madilim na loob ang bumungad sa amin. Pumasok kami para tignan kung andun pa ang nga kasama namin.




"Heena? Red?" tawag ko ngunit walang sumagot ni isa sa kanila.




Doon nanaman ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Nanginginig ang aking labi habang binabanggit an kanilang pangalan pero ni isa sa kanila ay walang sumagot. Nanginig ang aking buong sistema dahil sa posibleng mangyari sa kanilang lahat.




Napalingon kaming lahat ng may narinig kaming ingay sa bandang kusina. Agad akong nagtungo doon at halos lumuwa ang aking mga mata ng nakita ki si Red na nahihirapang makahinga.




"Tyrone! Ang lunas!" sigaw ko dito agad naman siyang nagtungo sa akin pati narin ang mga kasamahan ko. Agad niyang pinainom si Red ng tubig na galing sa talon. Ilang minuto rin ang tinagal ng paghihirap ni Red bago bumuti ang paghinga nito.




Iginala ko muli ang mga mata ko nagbabakasakaling makita ko sila Heena at Lola ngunit wala akong makita na bakas kung nasaan sila.




Pinahiga na nila si Red sa may lapag. Kinapa ni Joy ang noo ni Red kung may sakit pa ba pero wala na bumuti na ang pakiramdam nito.




Napagpasyahan namin na hintayin si Red na magising. Hihintayin ko siyang magising at tatanungin ko kung nasaan sila Heena.




Ilang oras rin akong nakatingin kay Red at alam kung papasikat na ang araw at wala pa aong tulog. Nakatulog na rin ang mga kasamahan ko.




"B-belle." nanlaki ang mga mat ko ng biglang hawakan ni Red ang aking palad.




"S-sila Heena nakuha." pahayag nito kasabay nun ang pag-alab ng galit sa buong sistema ko.




Someone's Pov



Napatingin ako sa mukha ni Belle. Umusbong ang galit sa kanyang mga mukha. Napangisi ako ng palihim. Ganyan nga magalit ka nga sa mga aswang para kapag namatay sila kami naman ang susunod na maghahari ng mga pamilya ko.




Tumatawa ako sa aking isip dahil sa aking plano. Umaayon ang plano sa aking kagustuhan. Alam kung magtatagumpay ako dahil hindi nila alam na ginagamit ko sila para mapabagsak ang walang kwentang mga aswang.

***

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now