Kabanata 3

4.9K 204 25
                                    

Magcomment naman 'yung mga nagbabasa para maganahan ako sa pag-update ng story ko.

More comments more updates!

***

KABANATA 3

Napakurap ako ng ilang beses at nung tinignan ko muli ang mga mapupulang mata sa may arko ay wala na ito.




Napailing na lang ako. Baka guni-guni ko lang iyon at dahil narin sa problema namin kaya kung ano-ano na ang nakikita ko ngayon.




Napalingon ako sa mga kasamahan ko na nag uusap-usap. Lumapit ako sa kanila at tinignang mabuti ang sasakyan na nabangga sa isang malaking puno.




Wasak na ang harap nito. Nawawalan narin ng ilaw ang kotse dahil sa pagkabangga.




Inangat ko ang paningin ko sa matayog na punong nakabanggaan nito ngunit sa pag-angat kung iyon ay may biglang gumalaw na sanga. Napaatras ako sa takot at bigla kung nabangga ang isang tao. Napalingon ako at nakita ko si Tyrone na nakatingin rin sa akin.




"May problema ba, Belle?" tanong nito.




Agad akong umiling at nagtungo sa likod ng pick-up para kunin ang aking gamit.




Muli akong napatingin sa may arko.




Baranggay naman iyan diba? Jan na muna kami mamamalagi hanggang sa makakita kami ng masasakyan o maayos namin ang sasakyan namin. May mga kabahayan naman ata jan sa Baranggay na iyan at mukhang masaya ang mga taong naninirahan jan dahil pangalan pa lang ng Baranggay ay Maligaya na.





Kinuha na rin ng mga kasamahan ko ang kanilang mga gamit sa likod ng sasakyan. Dinampot ko naman ang cellphone ko sa aking bulsa at nung nakita ako ni Joy na nakatingin sa cellphone ko ay kinuha na niya rin ang kanya.




Napailing na lang ako ng nakita ko ni isang signal at wala. Muli ko na lang binalik ang cellphone sa aking bulsa at nilagsy ang gamit ko sa gilid ng kalsada.





"Tumingin muna tayo ng kabahayan jan sa Baranggay na iyan para bukas ay babalik tayong muli dito at maghihintay ng sasakyan kung meron man." anunsyo ko sa kanila at tinuro ang Baranggay na may arko.





Napatingin naman silang lahat doon. Hindi na sila umangal dahil kung may aangal man sa amin ay dito na lang siya matutulog sa loob ng sasakyan at kami ay doon. Bahala na kung may aswang na kakain sa kanya.





Nilakad na lang namin ang papasok ng baranggay. Sumalubong sa amin ang madilim na paligid. Pagpasok pa lang namin ay wala kaming makitang mga bahay kundi mga puno lamang at ang madilim na daanan na tinatahak namin.





Lahat kami ay sama-sama at halos magkadikit na ang aming balat dahil sa takot na mahiwalay sa isa. Natatakot rin ako dahil hindi ko alam kung saang lugar na ito.





Maya-maya pa ay nung medyo nakalayo na rin kami sa pinanggalingan ng sasakyan ay may natatanaw na kaming mga kabahayan ngunit wala naman itong mga ilaw.





Nakakapagtaka, bakit walang kailaw-ilaw sa loob ng bahay kahit streetlight man sana sa kanilang daanan. Paano na lang kung may madapa o madisgrasya na sasakyan dito.





Himinto kaming lahat sa gitna ng kalsada at nung nasa gitna na kami ng kabahayan.





Iginala ko ang aking paningin. Kahit madilim ay nakikita ko ang mga bahay na gawa sa kahoy.





Napatingin ako sa kanan namin at halos mapatalon ako at napatili dahil may biglang isang pusa na kulay itim na sumulpot sa aking harapan.





Napahawak ako sa aking dibdib kung nasaan ang puso ko. Ang bilis ng tibok nito dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin.





"B-bakit?" basag ang tinig ni Heena habang tinatanong ako.




"Wala akala ko kung ano na iyon. Pusa lang pala." sagot ko.




Biglang napahawak si Heena at Joy sa akin at yung mga lalaki naman ay nagsilapitan ng maigi sa amin dahil may narinig kaming mga kaluskos sa tabi.




Tumayo ang balahibo sa aking katawan, nanginig ang aking kaluluwa sa takot na nararamdaman ko.




Shit! Ano 'yun?




"Na-narinig niyo ba 'y-yung mga kaluskos na iyon?" tanong ni Red.




"A-ano 'yun? Mga p-pusa ba?" kinakabahang tanong ni Heena.




Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na nararamdaman ko dulot na rin ng takot. Nanlalamig ang aking mukha at aking katawan dahil sa naiisip kung posibleng mangyari sa amin dito.




Paano na lang kung mga aswang ang naninirahan dito? Posible kaya iyon? Mga aswang? Pero sabi nila hindi daw totoo ang mga uri nila. Sinasabi lang daw nilang may aswang dahil gusto nilang mapa-uwi ang kanilang anak ng masmaaga.




Siguro wala naman talaga diba? Hindi naman talaga totoo iyon? Hindi diba?



"Na-nasaan na ba kasi tayo?" tanong ni Kyle.




Maslalo kaming nagsama-sama ng narinig namin muli ang mga kaluskos. Shit talaga! Ano ang mga iyon? at parang andami naman ata nilang pusa kung ganun? Para kasing nakapaligid lang sila sa amin at malapit lang sa kinatatayuan namin. Nasa gitna pa naman kami ng kalsada.



Napatili si Joy ng biglang may mabilis na dumaan sa aming harapan. Kulay itim ito pero hindi namin nakita kung ano iyon dahil sa sobrang bilis ng pagtawid papunta sa kabila.



"A-ano 'yun?" kinakabahang tanong ko.




"P-pusa...pusang malaki ata." sagot ni Heena.




Napatili ako ng biglang may humawak sa aking braso. Napatili narin ang mga kasamahan kung babae dahil sa pagtili ko.




Napatingin ako kay Tyrone. Siya pala ang humawak sa aking braso para maibsan ang panginginig ng aking katawan. Tangna! Akala ko kung aswang na iyon!




Mas maganda atang doon na kang kami sa sasakyan na natulog kaysa pumunta kami sa ganitong lugar. Nakakatakot na talaga! Gusto ko ng umuwi.




Sa pagtili naming iyon ay oarang dumarami ang mga kaluskos. Sabay-sabay pa ang mga ito sa pag-apaj ng mga dahon na naririnig namin at parang may mga matang nakamasid sa kinaroroonan namin at hinihintay lang kami.




Binitbit ko ang aking bag. Sumunod narin sila.




Babalik na kami sa sasakyan! Doon na lang kami matutulog. Titiisin na alng namin ang masikip na ugar na iyon sa pagtulog kaysa naman sa nakakatakot na baryong ito!




"Bumalik na lang tayo sa sasakyan. Tara na. Nakakatakot sa lugar na ito." mabilis na pahayag ko.




Naglakad na kami pabalik pero nagulat na lang kami ng may humarang sa aming iaang matandang babae na may hawak na isang lampara habang kinusot-kusot pa ang kanyang mga mata na kagagaling lang sa pagtulog.




"Bakit ba kayo nagtitiliang mga bata kayo? Pumasok na nga kayo sa bahay ko kung wala kayong matutulugan." aniya.

***
Start writing this Chapter: 11:32 pm
End: 12:03 am
Natatakot talaga ako habang sinusulat ko ito. Isabay oa ang mga ungol ng aso sa kalsada pakshet lang! At may biglang pusa na na lumitaw sa kwarto ko! Leche talaga. Haha!

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now