Kabanata 1

9K 177 7
                                    

KABANATA I

Napamura ako ng ilang beses dahil sa kakahanap ng aking lipstick. Hindi ko na kasi mawari kung saan ko nailagay iyon kahapon pagkatapos kung gamitin. Hindi ko na matandaan kung saan ko ba nailagay ang walang yang lipstick na iyon.



"Ano nahanap mo na?" iritadong tanong sa akin ni Joy. Umiling lang ako at patuloy sa paghahanap.



"Ang burara mo kasi! Saan mo ba kasi nailagay!" anito at tumulong narin sa paghahanap.



Hinalungkat ko ang pinakaitaas ng drawer ko. Halos mapamura ako ng nakita ko ang lipstick na kumikinang. Agad ko itong dinampot. Gusto kong ibato dahil andito lang pala ang lipstick na ito pero kapag gagawin ko iyon ay wala na akong gagamitin.



"Nahanap ko na." saad ko. Tumigil ito sa paghahanap at tumingala sa akin. Tumayo siya at tinignan ang hawak ko.



"Anjan lang pala eh. Bilisan mo bibili pa tayo ng makakain para sa bakasyon." anito. Lumabas na ng kwarto.



Tumingin ako sa salamin. Binuksan ko ang lipstick at pinahidan ang aking labi ng sakto lang. Yung hindi masyadong mapula baka sabihin pa nila ako na pokpok o malandi jan. Ganyan na ngayon ang mga tao, naglagay lang ng make-up malandi na ang tawag sayo. Ewan ko ba jan sa kanila insecure lang ata ang mga taong ganun. Well wala naman akong pakealam sa sasabihin ng nakakarami basta ako go lang ako ng go kung anong gusto ko.



Pagkatapos kung maglayag nun ay inayos ko ang buhok ko. Pinusod ko lang ito tyaka ko tinignan ang kabuuan ko. Well, maganda naman talaga ako kahit walang make-up, bumabagay kasi sa aking mukha ang blonde na buhok ko dahil maputi ako, may malaking pilik-mata, matangos ang ilong, may kissable lips tyaka isa pa kahit hindi ako maglipstick hindi naman halata dahil may mapupulang labi ako. Kaya nga ang daming humahanga sa aking kagandahan.



"Hindi ka pa ba tapos jan!" narinig kung sigaw ni Joy sa labas.



I rolled my eyes. Kairita kahit kailan Pero mahal ko yun. Siya ang bestfriend ko eh. Actually apat kaming magkakaibigan, ako, si Joy at Heena. Kami ni Joy ay nakatira sa iisang apartment total malayo naman ang bahay namin sa University kaya napagpasyahan na lang namin para hindi na uuwi tuwing matatapos ang mga klase namin. Ang hassle kaya iyon tyaka nakakatamad magbiyahe.



"Anjan na!" sigaw ko at lumabas na ng kwarto.



Paglabas ko ay agad kung nakita si Joy na prenteng nakaupo sa sofa habang hawak-hawak ang kanyang kulay pink na cellphone. Nakatutok ang atensyon niya doon pero maya-maya pa ay napasulyap siya sa akin.



"Tara na ba?" tanong nito.



"Oo. Anjan na ba si Kuya Mong?" tanong ko sa aming driver.



Siya ang inassign ni Papa na maghatid sa amin sa school tuwing may pasok kami. Sa amin siya nagtratrabago bilang driver noon pero sinabi ni Papa na sa amin muna siya para hindi na kami mahassle pa kung magcocommute kami. Hindi naman ako umangal doon ok lang sa amin, mas maganda nga iyon eh walang gastos.



"Yep. Kanina pa siya jan. Ang bagal mo kasi." aniya.



Lumabas na kami ng apartment at nilock ang pinto. Syempre kailangang ilock baka may magnanakaw.



"Kuya Mong sorry ha natagalan kami." paumanhin ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng tipid.



"Ok lang hija. " aniya. May katandaan narin siya. Well hindi naman masyado nasa 40's na pero kaya parin naman niyang magdrive. Pinagkakatiwalaan ni Papa si Kuya Mong dahil sampung taon na itong naninilbihan sa amin. Napalapit narin naman ako sa kanya nameet narin naman namin ang kanyang pamilya noon.



"Saan pala tayo pupunta, hija?" tanong nito.



"Sa supermarket po. Kailangan naming maggrocery para sa bakasyon namin." sagot ko. Sinulyapan ko si Joy na nakangiti habang nakatingin sa phone niya. Hinampas ko ang braso niya ng hindi masakit.



"Ano?" tanong niya.



"Smiling is a sign that your happy but smiling alone is a sign that you are crazy." nakangiti kong saad. Inirapan lang niya ako at nagtype sa kanyang phone.



Tumunog ang phone ko. Dinampot ko naman ito sa aking pouch at tinignan ang mensahe na galing kay Heena.



Heena:
Asan na kayo.



Nagtipa ako ng mensahe sa kanya at aking pinadala. May isa pang mensahe galing kqy Tyrone. Ang lalaking sumisira ng bawat araw.



Tyrone:
Hi Belle. See you later. 😘



Gusto kung ibato ang cellphone ko sa kanyang mensahe. Nakakairita siya. Kahit kailan. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa kanya kunting paglapit lang niya. Masaya na sana ang bakasyon ko ngayon kung wala siya. Bakit pa kasi sumama sila ng mga kaibigan niya.



Oo sasama ang walang hiyang Tyrone na yan pati ang dalawa niyang kaibigan na si Kyle at Red. Nakakainis lang. Sana maenjoy ko ang bakasyon ko kahit meron yang hinayupak na lalaking iyan.



"Oh yang kilay mo magkadikit na." ani Joy. Inirapan ko siya at dumungaw na lang sa bintana ng sasakyan.



Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Supermarket. Pinark ni Kuya Mong ang sasakyan sa parking lot nito.



"Kuya hintayin mo na lang kami ha?" tanong ko.



"Oh sige." aniya.



Hindi na kami nagaksaya pa ng iras at agad ng pumasok sa loob. Tiyak na naiinis na kasi ang dalawa sa kakahintay sa amin. Hindi rin naman kami nahirapang hanapin ang dalawa, nakita namin sila malapit sa entrance section.



"Ang tagal ha! Kanina pa kaya kami doon na nakatayo!" inis na singhal ni Heena. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha ng cart.



Nilabas naman ni Joy ang listahan sa kanyang bulaa at ibiigay kay Heena at agad kaming naghanap ng kakailanganin namin. Hindi nagkasya ang isang cart kaya kumuha pa kami ng isa para sa iaang palayok, sandok at iba pang kakailanganin namin sa pagluluto. Hingal na hingal kami sa kakatulak ng cart at kakahanap ng mga kailangan namin dahil pabalik balik kami. Itong si Joy kasi dapat inayos ang listahan para madaking matapos.



"10,567.50 pesos po maam." ani nung Cashier Officer.



Nilabas ko ang wallet ko at agad na ibinigay sa kanya ang bayad.



Pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay ready na kami. Nasa tapat narin lahat ng mga maleta namin at mga gamit para sa pick up ni Tyrone. Napagpasyahan naming doon kami sasakay dahil malaki ang kanyang sasakyan at isa pa hindu kasi kami pinayagan na gumamit ng kotse kaya no choice.



Bigla naming narinig ang busina ng sasakyan ni Tyrone. Inihinto niya ito sa tapat tyaka bumaba ang tatlo at nagtungo sa kinaroroonan namin.



Binitbit na nila ang aming gamit papunta sa kanilang pick-up. Nilingon ko naman si Kuya Mong na nakatayo sa may pintuan.



"Kuya Mong una na po kami." paalam ko at lumapit.



"Mag-iingat kayo dun hija ha?" aniya. Ngumiti lang ako at niyakap siya tyaka umalis na sa kanyang harapan.



Pumunta na ako sa sasakyan. Binuksan ko ang pintuan sa may backseat at nakita ko silang lima na naka-upo na doon. Inilibot ko ang aking paningin pero wala na akong mauupuan sa kanilang pwesto.



"Doon ka daw sa harapan, Belle." ani Red sa akin at ngumiti.



Wala akong nagawa. Isinara ko ng malakas ang pintuan tyaka binuksan ang frontseat. Sinamaan ko siya ng tingin peri ngumiti lang ito.



"Tara na?" tanong niya sa amin. Walang umimik kaya pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.

***

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now