Kabanata 7

4K 142 6
                                    

KABANATA 7

Kumuha ako ng isang pirasong piatos na hawak-hawak ko habang pabalik kami sa baryo. Madilim ba rin ang paligid, at naririnig na namin ang mga huni ng hayop sa gabi.



"Kailan ba tayo makakaalis dito sa lugar na ito?" tanong ni Red.



Napabaling ako sa kinaroroonan niya. Nginuya ko ang piatos na kinuha ko muli sa supot na hawak ko. Naoabaling muli ako sa mga kasamahan ko na nasa unahan.



Hindi ko rin alam kung kailan kami makakaalis dito ni hindi nga namin alam kung maayos pa ba ang sasakyan na ginamit namin. We weill try to fix it tomorrow at kung hindi naman namin maayos ito no choice kundi ang mamalagi muna kay Lola.



Kapag lalakarin naman namin, dito mula sa kabilang baryo ay aabutin ka ng syam-syam dahil ang mga madadaanan mo lang ay mga palayan at puro puno, hindi mo nga alam kung makakasurvive ka sa ganun eh.



"Kung maglakad kaya tayo papunta sa kabilang baryo?" tanong ko at nginuya muli ang piatos. Awtomatikong napalingon sila sa akin.



"Seryoso ka, Belle? Ang layo kaya." usal ni Heena sa akin. I know. I'm just making suggestions here baka punayag silang maglakad.



"Oo nga. Ang layo-layo kaya baka abutin tayo ng isang linggo o higit pa. Saan na kang tayo matutulog kung ganun? Sa tabi ng kalye? sa mga puno? Ano ang kakainin natin? Hindi sapat ang mga ito." nahabang litanya ni Joy.



Humaglpak ako sa tawa. Nagsusuggest lang naman ako pero sineseryoso na nila. Well, mukhang gustong-gusto na nga nilang maka-alis sa lugar na ito katulad ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa bayan na ito.



Yung pakiramdam na parang may nakamasid sa bawat galaw mo. Yung parang inoobserbahan ka nila at kung may magawa ka mang pagkakamali may hindi magandang mangyayari sa'yo. Ganun yung feeling ko.



"Bilisan na lang natin ang paglalakad. Malayo pa tayo." ani Tyrone.



Hindi na kami umimik at maslalo pa naming binilisan ang paglalakad.



Halos mapasubsob ako ng maapakan ko ang kurdon n aking sapatos, mabuti na lang at nabalanse ko ang aking katawan para hindi bumagsak.



Lumuhod ako at itinali ang isa kung sapatos ng naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo sa aking likuran. Agad akong napalingon doon pero wala akong nakita. Napailing ako at muling inayos ang aking kurdon.



Pagkatapos kung ayusin iyon ay agad akong tumayo at hinabol sila sa paglalakad. Mabuti na lang at hindi pa sila gaanong nakakalayo kung hindu baka napag-iwanan na ako dito.



"Malayo pa ba tayo?" tanong ko.



"Malapit na." si Kyle ang sumagot.



Tahimik kang kaming naglakad haban bitbit ang gamit na kinuha namin sa sasakyan.



Bumungad sa amin ang baryong walang kailaw-ilaw tulad nung una kaming dumating dito. Ganito ba talaga ito? Wala man kang talagang street light o ilaw man kang sa mga bahat nila o di kaya ilaw sa labas ng bahay? Paano na lang kung may hindi magandang mangyayari dito?



Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Lola ay hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa amin kapaligiran at nagsisi ako dahil lumingon pa ako sa may kapunuan.



Bigla ko na lang kasing nakita ang mga pulang mga mata. Nangilabot ako at kumalat ang takot sa buong sistema ko.



Hinila ko ang damit ng isa naming kaibigan. Paglingon ko si Tyrone iyon. Napalingon naman siya sa akin at nagtaka. Nakita niya ata ang tinitignan ko kaya tinignan niya rin ito.



Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now