Kabanata 10

4K 127 8
                                    

Ang pakpak niya na pumapagaspas ay naririnig namin mula sa baba habang siya ay nakatingin sa aming kinaroroonan habang nakangisi. Ang mga matatalas niyang ngipin ay nakakatakot at ang mga mata niyang nakatingin sa amin na para bang kakainin niya kaming lahat o anuman.



"A-ano 'yan?" tanong ni Joy kahit alam naman niya kung ano ang nasa harapan namin.



Hindi ako makapaniwala na makakaharap ako ng isang manananggal na akala ko ay hindi totoo sa totoong buhay. Pero ngayon, totoo na ang nasa harapan namin. Isang babaeng putol ang katawan habang nakasuot ng isang puting bistida habang ang mga buhok nito ay mahaba.



"Mga tao..." nakakakilabot na saad nito sa amin.



Napaatras ako sa aking narinig. Ang mga kasamahan ko ay natatakot narin katulad ko. Hindi na namin alam ang gagawin. Si Tyrone na sana kukuha na ng tubig ay nasa tabi ko na ngayon habang hawak-hawak ang lalagyan ng tubig at nakatingin sa itaas.



"Tingin ko ay masasarap ang inyong mga dugo." anito sa mababang boses. Dinilaan niya pa ang gilid ng kanyang labi habang muling ngumisi sa amin.



"Wag kang lalapit." matapang na pahayag ni Kyle.



Humalakghak ang manananggal na para banag iniinsulto lang kami.



Hinigpitan ko ng hawak ang aking pana. Napatingin naman doon ang mananggal at tyaka nanlaki ang kanyang mga mata.



Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at agad na tinutok sa kanya ang pana. Hinila ko ito at tinira gamit ang isang bala nito pero mabilis lang niyang naiwasan ang balang itinira.



"Lapastangan ka!" galit na singhal nito sa akin at agad na sumugod sa kinaroroonan namin.



Agad kaaming umiwas sa kanyang atake. Nagpagulong ako sa lupa para makaiwas sa kanya at muling kumuha ng isang bala ng pana na nasa aking likod. Agad ko muling tinutok sa kanya at agad na tinira ito.



Muli nanaman niya naiwasan ang aking tira. Nanginig ang kamay ko ng bigla siyang nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.



Hindi siya nagaksaya ng oras at agad akong inatake sa kinaroroonan ko.



Tumilapon ako sa isang malapad na kahoy at tumama ang aking likod doon. napadapa ako sa sahig habang namimilipit sa sakit ang aking katawan. nabitawan ko rin ang aking pana.

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now