Wakas

3.7K 114 10
                                    

Halos mangisay ako sa takot ng marinig ko ang mababangis na hayop na kasamahan ni Tyrone o ang tinatawag niyang Tenembris. Gusto ng bumigay ang aking katawan dahil na rin sa pagod at takot na tanging nararamdaman ko ngayon.



"Anjan na ang mga kasamahan natin. Sa wakas matatalo na natin ang nga walang kwentak abwak na mga iyan at ang mga mananggal!" mabagsik na pahayag ni Red kasabay nun ang pag-ungol niya na siyang ikinakilabot ng buong sistema ko.



Doon ko napagtanto ang lahat. Lahat ng mga ginawa ng aswang sa amin. Lahat ng mga mababagsik na pinakita ng mga asWang ay para protektahan ang mga nakakarami sa kanila, ang teritoryo at mga kasamahan. Hindi sila ang kalaban dito dahil ang kalaban ay ang matagal na namin palang kasa-kasama!



"Malapit na silang maladating dito. Naririnig ko na ang mga ungol ng mga karamihan. Ikaw Bella naririnig mo ba?" tanong ni Tyrone habang nakangisi. Hindi ako sumagot sa kanya bagkis ay sinusubukan kong kumawala sa mga tali ng aking kamay at paa.



Walang hiyang traydor! Traydor sila! Mga walang awa! Napasulyap ako kay Joy na nakatingin sa akin habang may lungkot sa kanyang mga mata. Nagung totoong kaibigan siya samin hanggang ngayon. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin kanina. Gusto kong umangal at sabihin na wag na, dahil alam kong may mangyayaring hindi maganda sa kanya subali't kailangan naming sumugaw para sa mga nakakarami.


Hindi na ako nagpumiglas. Suko na ako dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako makakatakas sa pagkakatali nila. Mahigpit ito at sinigurado nila na hindi makakatakas ang kanilang bihag.


Muli kong sinulyapan si Joy. Napatingjn siya sa akin at ngumuti kasabay nun ang paglaku ng nga pangil niya at pag-ibang anyo ng kanyang katawan. Naging isang parang aswang ngunit masmabagsik ang kanyang itsura dahil may pakpak siya na tulad ng mga manananggal.



Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kong ano ang aking mararamdaman, matatakot ba o ano.



"Ano ang gagawin mo, Joy?!" sigaw aa kanya ni Red. Nilingon niya ito pero agad niya ring binaling ang atensyon sa kinaroroonan ko.



"Papatayin ko na sila." malamig na sagot nito na iba ang boses. Nanginig ang buong sistema ko pero nagulat ako ng nilagay niya sa palad ko ang isang punyal na para bang may magagawa ito.



"Mamatay ka na, Belle!" sigaw nito aa akin. Napapikit ako ng makia ko ang papalapit niyang mga kuko papunta sa akin. Akala ko papatayin niya ako pero naramdaman ko ang pagluwag ng mga nakatali sa aking katawan. Naigalaw ko na rin ng mabuti ang aking kamay at paa.



Nakita ko si Joy na kinalagan si Heena at si Lola. Nakita ko si Red na susugurin si Joy ng ihagis ko sa kanya ang punyal na ibinigay nito sa akin at sakot sa kanyang dibdib kung nasaan ang kanyang puso.



Nanlaki ang mga mata niya kasabay nun ang pagtulo ng dugo na nagmumula sa kanyang katawan at bumagsak ang katawan niya sa kalupaan.



Napalingon sa akin si Tyrone habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Nangamba ako sa posible niyang gagawin sa akin. Alam kong papatayin niya ako!



Nag-iba ang anyo rin nito at naging katulad ni Joy. Ibinaling niya ang tingin sa akin at walang pagkundangan na sinugod ako. Aabutin na niya sana ako gamit ang matatalas niyang kuko ng bigla siyang dinamba ni Joy at gumulong sila sa lupa.



Tinignab ko sila at ibinaling ang atensyon kay Heena. Nakatayo na ito ay tinutulungan si Lola sa pagtayo. May itinuro sa akin si Heena kaya napatingin ako doon.



Ang Baranggay MaligayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon