Kabanata 16

2.6K 93 3
                                    

This is the last chapter!

***

Iminulat ko ang aking mga mata. Tumbad sa akin ang isang madilim ba paligid. Gagalaw na sana ako ngunit naramdaman ko na nakatali ang aking paa pati narin ang aking kamay. Tanging mga huni lang ng ibon at iba pang hayop ang aking naririnig.



Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Nasa isang kagubatan kami! Tangina! Bigla na lang pumasok muli ang nangyari bago ajo napunta dito! Demonyo siya!


Hindi ko nakita ang mukha niya dahil hinampas niya ako ng kahoy. Peri alam kung kilala ko siya, isa sa nga kasamahan ko ang gumawa sa akin nito.



"Hmmmm. Hmmmmm." nanlaki ang aking mga mata at agad na liningon ang pinaggalingan ng maliit na tinig na iyon. Mas lalo muli akong nagulat ng nakita ko si Heen na nakatali katulad ko pati na rin si Lola.




"H-heena." hindi ko masabi ang gusto kung sabihin dahil sa takot na aking nararamdaman. Gusto kung sumigaw ng sumigaw pero hindi ko magawa!



Narinig ko ang hakbang ng isang tao papunta sa kinaroroonan ko. Napapikit ako ng mariin at ayaw ki ng imulat ang aking mga mata dahil baka mapatay ko lang ang taong gumawa nito sa amin.



"Belle." nanginig ang buong sistema ko sa tinig na aking narinig. Nanlalambot ang tuhod ko at nagbabadyang tumulo na ang aking mga luha na nagmumula sa aking mga mata.



Pa-paano niya nagawa ito? Bakit? Bakit biya kami nilagay sa ganitong pangyayari para sa kagustuhan niya. Sa kagustuhan ng nga kasamahan niya. Siya! Siya pala ang sinasabi ng ama ni Maria na mas malakas pa sa mga aswang na gustong pumasok dito! Ginamit lang niya kami.



Kahit masakit ay iminulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang mukhang kasa-kasama ko noon pa pero siya rin pala ang may kagagawan ng lahat ng mga ito.



"Ty-tyrone." nabasag ang boses ko. Tumulo ang aking mga nagbabadyang mga luha. "Ba-bakit mo ginagawa ito?" nanghiginang tanong ko.



Ngumisi siya. Hinaplos niya ang aking pisngi. Napapikit ako at kinilabutan sa kanyang ginagawa. Hindi ko masikmura na hinahawakan ako ng isang traydor!



"Dahil sa mga kasamahan ko. Dahil gusto naming mapatay ang mga lahat ng aswang na naninirahan dito." malamig na pahayag niya sa akin. Hinaplos niya ang aking bakikat na maslalo kung ikinakilabot.



"Sa-sabihin mo. Simula ba nung napunta tayo di-dito plano mo ang lahat ng iyon?" tanong ko.



Ngumisi muki siya na aking ikinahina ng aking katawan.



"Oo. Simula pa lang bago tayo pumunta dito ay naplano ko na, naplano na namin. Ang galing namin 'nuh? Napaniwala namin kayong lahat na isang aksidente lang ang nangyari." mahabang litanya niya. "Ang pagkasira ng sasakyan ay gagawa ko lamang. Sinira ko ang ilang piyesa nito para tumirik ito. Bago pa tayo makapunta sa lugar na ito ay naplano na lahat-lahat." aniya.



"Sa ma-madaling salita gi-ginamit niyo lang kami!" galit na pahayag ko sa kanya. "Paano mo nagawa iyon! Itinuring ka naming tunay na kaibigan! Lahat ba ng ipinakita mo noon pa ay isang kasinungalingan lamang?!" gusto kung kumawala mula sa pagkakatali ko at sugurin siya at sampalin ng ilang beses at saksakin, patayin.



"Hi-hindi. Lahat ng ipinakita ko, namin habang hindi pa tayo andito ay totoo. Pero nung nagplano kayong magbakasyon doon namin isinagawa ang pagpapanggap. Wag kang mag-alala Belle. Mahal kita." ngumisi muli siya at tyaka nilapit ang kanyang mukha.



Dinuruan ko ito. Sapul ito sa kanyang mga pisngi pero agad niya itong pinalis at nanlilisik na tumingin sa akin.



"Mahal?! Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang MAHAL?! Wala akong minahal na isang demonyo! Pinagsisisihan kung nakilala kita!" sigaw ko.



Nagulat ako ng biglang isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. Wala paring tigil ang pag-agos ng aking mga luha sa aking mga mata. Dapat hindi na ako magulat sa maari niyang gawin sa akin, sa amin dahil isa siyang demonyo!



"Sinabi mo kanina'namin? Sino pa ang mga kasama mo sa atin? Sino pa?!" tanong ko.



Muli siyang ngumiti na aking ikanainis.



Narinig ko muli ang mga iilang hakbang patungo sa kinaroroonan namin. Gustuhin ko mang wag tignan kung sino ang mga ito pero pinili ko paring tignan ang nga kaibigan kung traydor na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.



"Red, Joy?" nanlaking mga matang tanong ko sa kanya.



Tumayo si Tyrone at lumalit sa dalawang mga kasamahan. Agad na kumapit si Joy sa balikat ni Tyrone at agad na hinalikan ito sa labi. Hinawakan naman ni Tyrone ang ulo niya at hinalikan pabalik.



Napapikit ako ng mariin.



Mga walang hiya sila! Mga baboy! Mga demonyo! Mamatay silang lahat!



"Na-nasaan sila Kyle at Maria? Anong ginawa niyo sa kanila?!" galit na litanya ko.



Naglakad papunta sa akin si Joy. Hinawakan niya ang buhok ko at halos napatili ako sa paghila nito. Parang matatanggal na ang mga buhok ko sa anit ko at hindi pa siya nakuntento, sinampal pa niya ako.



"Wag kang mag-alala. Itatakas ko kayo dito." bulong ni Joy sa akin. Napatingin ako sa kanya habang may luha sa aking mga maa. Ngumiti siya habang may lungkot sa mukha.



"Nakatakas sila. Hindi ko alam kung paano sila nakatakas." malamig na saad ni Red habang nakatingin kay Tyrone at sumulyap sa akin.



Humikbi ako. Sana matapos na ang lahat ng ito, lahat ng paghihirap namin.



Muli kung sinulyapan si Lola na walang malay na nakahiga sa may lupa. Maslalong tumulo ang aking mga luha sa aking nakita. Naaawa ako sa kalagayan niya.



"Anjan na sila. Anjan na ang lahat ng mga tenembris!" sigaw ni Tyrone kasabay nun ang paglaki ng mga pangil niya habang tumatawa.



Siya nga ang tinutukoy ng ama ni Maria! Siya iyong batang isinilang na nakaligtas!

***
Please do read my new story entitled: City Of Lies. Thank you!

Ang Baranggay MaligayaWhere stories live. Discover now