Writing About You

3.8K 51 23
                                    

Writing About You

a novel by happyicy

---------------------------------------------

PROLOGUE.

Hoy! Ikaw, Jaycee Larazabal!

Ikaw na maputi at may sinkit na mga mata. Ikaw, na captain ng basketball team. Ikaw na kunwaring mag-ccr pero bibili pala ng pagkain sa canteen tuwing klase. Ikaw na pang modelo manamit at less than thrice lang inuulit yung mga damit- pwera nalang yung paborito mong Nick Automatic na T-shirt na bigay ng Ate mo. Ikaw na ang paboritong banda ay ang FM Static. Ikaw na nakaupo sa first row at last column ng classroom. Ikaw, na leader sa banda niyong 'Catastrophes'.

Oo, Jaycee Larazabal! Ikaw!

URGH! Nakakainis ka na talaga. Alam mo ba yun?!  Hindi mo ba alam na kapag Trigo na at nagsusulat sa board si Ma'am ng formula, ako naman, nakaupo lang habang tina-try ko yung pangalan ko sa apelyido mo. Harap, gitna, likod, anang space ng notebook ko, to the left to the right, tunkol sayo!

Tapos alam mo ba? Sinubukan ko na lahat! Sinunod ko na yung ginagawa ni Nam sa Crazy Little Thing Called Love, yung Nine Stars ni Ate Alyloony, yung mga tips ni Papa Jack, sinunod ko pero wala pa ring nangyari! Binasa ko na yung Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo ni Sir Ramon pero hindi pa rin nasagot ang mga katanungan ko! Binasa ko na rin pati yung 11 ways to forget your ex boyfriend ni Ate Denny- kahit hindi kita naging boyfriend- pero hindi pa rin kita makalimutan!

Tsaka hoy, hindi ako nagstruggle dito! Sadyang strong lang talaga ang feelings ko para sayo at hindi ko na makayanan. Mwehe. Yak, corneh. -__-

Hay naman kasi! Anong taglay ba meron ka at kapag nakikita kita, bigla kong naramamdan ang buong kagubatan sa tiyan ko? Sa loob ng apat na taon, hindi mo pa rin alam na gusto kita! Isa na ako sa stereotype na babae na tinatago lang ng tinatago ang nararamdaman. Sa totoo lang, gusto na naman talaga kitang sabihan, eh. Gusto ko ng isagaw, gusto ko ng isampal sa mukha mo itong notebook ko na tunkol lahat sayo!

Ewan ko ba.

I want to tell you in person, I want to be with you in person. Gusto ko mahawakan ang kamay mo, gusto kita makausap, gusto kita makasama kahit 1 milisecond lang!

Pero ano ba ang magagawa ko?

All I can do is just to continue writing about you.

PS: Hindi to diary. Ito ang draft ng ating love story na ako lang ang nakakaalam.

------------------------------------

Copyright © 2013 by Happyicy.

Writing About YouWhere stories live. Discover now