High School Life (8/23)

10 1 0
                                    

Tema: Balik-eskwela

“Leon Guinto High School” banggit ko sa malaking arko sa labas ng paaralan namin

Huminga ako ng malalim.

Ito ang unang araw ko bilang isang Grade 7 student. Makalipas ang anim na taon, sa wakas ay mararanasan ko na ang sinasabi nilang high school life. Ang mga taon kung saan sinasabi nilang pinakamasayang parte daw ng buhay natin.

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi iisang beses na napanuod ko sa tv ang tungkol sa bullying. Mga balita kung saan ang isang highschool student ay binubully kung kaya tumitigil na sa pagpasok sa eskwelahan.

Isang beses pa akong huminga ng malalim bago pumasok sa loob ng paaralan.

Bumungad sakin ang napakaraming estudyante. Sa sobrang dami ay nakaramdam ako ng panliliit dahil sa uniporme kong hindi man ganoon kaluma ay hindi mo rin masasabing mamahalin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa maliit kong bag na tanging walong notebook, isang ballpen at isang kabuong papel lang ang laman. Parang bigla akong pinagpapawisan ng malamig. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking bag at dahan-dahang naglakad sa dagat ng estudyante na sa tingin ko ay lulunod sa isang maliit na isdang katulad ko.

Naisipan kong hanapin ang classroom ko ng maramdaman kong ang pagtulak sa akin at ang pagsubsob ko sa lupa.

“Aray!”

“Hala! Sorry!”

Agad akong tinulungang tumayo ng babaeng nakatulak sakin at tinulungan akong pagpagan ang aking uniporme.

“Sorry talaga! Ang gugulo kasi ng mga ibang estudyante eh. Natulak tuloy kita”

“Okay lang”

Agad siyang ngumiti at inabot ang kamay niya sakin.

“I'm Jam. Grade 7 pa lang ako”

“Ah. I'm Jade. Grade 7 din”

“Talaga? Omg baka magkaklase tayo! Tara hanapin natin classroom natin!” nakangiti niyang sambit at hinila ang kamay ko

Napangiti rin ako ng malapad at nagpahila sa kanya. Excited na akong maranasan ang sinasabi nilang highschool life.

--
A/N: First ever story na isinali ko sa isang fb contest yay! Rank 8 lang siya out of 23 participants so yeah hahaha.

Immashampoo's Secret FilesWhere stories live. Discover now