Pasakit Sa Buhay (10/58)

14 1 1
                                    

Tema: Drama/Trahedya (1st Round)

Si Kyle ang unang lalaking minahal ko. Bata pa lang ako noong una ko siyang makilala. Unang kita ko pa lang sa mga mata niya ay tumibok na agad ng mabilis ang puso ko.

Dumaan ang mga taon at naging magkaibigan kami. 'Best friends' 'ika nga nila. Kung nasaan ako, nandun din siya. Hinding-hindi mo kami mapaghihiwalay.

Mabait siya, malambing at maaalalahanin kaya naman ng tumuntong kami sa hayskul ay hindi napigilan ng puso ko ang tuluyan ng mahulog sa kanya. Mahal ko na siya.

Nasa huling taon na kami ng hayskul ng magtapat ako sa kanya.

“Mahal kita Kyle,” pag-amin ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Agad akong kinabahan at nalungkot ngunit ganun na lang ang tuwa ko ng mapaltan ng kasiyahan ang gulat sa mga mata niya.

“Mahal din kita, Abby.”

Simula ng araw na yun ay mas lalo kaming hindi mapaghiwalay. Araw-araw siyang bumibisita sa bahay. Alam na halos ng lahat kung anong mayroon sa aming dalawa.

Gustong-gusto siya ng mga magulang ko, paano kasi ay napakabait niya sa kanila at palagi siyang may dalang pasalubong tuwing pumupunta siya sa bahay.

Napakasaya ko ng mga oras na iyon. Hindi ko malilimutan ang mga masasayang sandali naming  dalawa.

Dumaan ang limang taon pero nananatili pa rin kaming matatag. Madami nang problema ang dumaan ngunit nalampasan namin iyon ng magkasama. 'Solid' na kami, sabi nga nila.

Mahal na mahal ko siya. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya, naibigay ko ang pinakaiingatan kong yaman. Simula din noo'y nagsama na kami sa iisang bubong.

“Huwag kang mag-alala Abby, kapag marami na akong ipon, magpapakasal na tayo.”

Naluha ako dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko roon kung gaano niya ako kamahal. Kung gaano siya kasaya dahil kasama niya ako.

Ngunit dumating ang unang trahedya sa buhay namin.

Sabay na namatay ang mga magulang ko dahil naaksidente ang sinasakyan nilang bus patungong probinsiya.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang balitang iyon. Mabuti na lamang at nandyan si Kyle para alalayan at aluin ako.

Napakaswerte ko talaga sa kanya kaya akala ko, forever na kaming dalawa. Akala ko, wala ng makakasira sa pagmamahalan namin. Ngunit sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala.

Umuwi siya isang gabi na puro pasa ang mukha. Nagulat ako at nag-alala.

“Anong nangyari sayo?” pag-uusisa ko.

“Wala lang 'to by. Napagtripan ako sa kabilang kanto eh," paliwanag niya.

“Halika nga at gagamutin ko 'yang mga sugat mo.”

Pagkatapos ng araw na 'yon, naramdaman ko ang panlalamig niya sa 'kin. Madalas na siyang umuwi nang gabi, lasing at kung minsan ay may pasa.

Nagtaka ako at syempre natakot. Anong nangyari sa aming dalawa? Anong nangyari sa Kyle na nakilala ko? Anong nangyari sa nakakaakit niyang ngiti at nangungusap niyang mga mata? Nasaan na ang Kyle na malambing, mabait at maalalahanin? Wala. Nawala na silang lahat.

Palagi na siyang galit. Lagi siyang nakasigaw sa akin at kung minsa'y nasasaktan niya pa ako pero hindi ko siya sinukuan. Hinding-hindi ko siya sinukuan.

Sinabi ko sa sarili ko na magbabago pa siya. Babalik pa yung Kyle na minahal ko noong sampung taong gulang ako. Babalik pa yung kislap sa mga mata niya tuwing tinitignan niya ako. Maghihintay ako sa pagbabalik niya. Maghihintay ako.

Immashampoo's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon