Humugot ka, humugot ka, babaeng hugotera (4/30)

8 2 2
                                    

Tema: Humor (2nd Round)

Katulad nang nakasanayan, tumunog ang aking alarm clock sa oras na alas singko ng umaga.

Agad akong nagising, bumangon at pinatay ito pero syempre, hindi totoo yan. Hindi ko talaga pinansin yung alarm clock ko at ipinagpatuloy ang pagtulog.

Naalala ko, Lunes nga pala ngayon. Napangiti ako habang nakapikit. Alam niyo bang sobrang mahal na mahal ko ang Lunes? Sobrang paborito ko talaga ang araw na 'to. Sa sobrang pagmamahal ko nga kay Lunes, parang gusto ko na siyang isako, iuwi sa bahay, ipabugbog sa adik sa kabilang kanto, pagpaluin ng dos por dos, saksakin ng ice pick, ipasagasa sa tren at ipatapon sa estero. Ang lambing ko 'no?

Tumunog na naman ang alam clock ko ngunit hindi ko pa rin pinansin bagkus ay yumakap pa ako sa unan kong amoy laway. Kaso sabi nga nila, walang permanente sa mundo. Matapos ang ilang minuto ay tumunog na naman ito.

Naiirita ko itong pinatay at patamad na bumangon. Tumingin ako sa orasan at nakitang malapit na akong mahuli sa klase kung hindi pa ako magmamadali. Salamat sa alarm clock ko na walang sawang gumising sa 'kin. Sana sa susunod, yung puso ko naman yung gisingin niya para hindi na patuloy na nasasaktan pa.

Agad akong naligo.

Grabe! Yung tubig parang yung boyfriend ko, sobrang lamig!

Nagmamadali akong naligo. Pagkatapos ay kumain na ako. Katulad ng nakasanayan, mag-isa na naman akong kumakain. Okay lang, sanay na akong malungkot at nag-iisa. Dahan-dahan kong iniinom ang kape ko ng maalala ko bigla si Russel, ang boyfriend ko. Para siyang kape; iniwan ko lang sandali, nanlamig na at lumandi.

Tatlumpong minuto bago ang alas siyete ng umaga, sumakay na ako sa jeep.

"Miss, makikiabot po."

Hindi niya ako pinansin.

"Miss, makikiabot nung bayad ko please. 'Wag mo naman akong paghintayin katulad ng paghihintay ko sa pangako niya sa 'kin!"

Gulat na tumingin sa 'kin ang babaeng katabi ko at inabot ang bayad.

Agad na umusad ang jeep. Katulad ng mabilis na pag-usad ng panahon kung saan masaya pa siya 'pag kasama ako.

Makalipas ang ilang minuto, tumigil ang jeep sa tapat ng eskwelahan.

"Manong, sukli ko po!"

"Ay naku ineng! Wala pa akong barya eh!"

"Wala? Wala kayong barya? Anong tingin mo sa 'kin manong? Karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain? Na bigay lang ako ng bigay pero wala akong nakukuhang kapalit? Sa susunod manong, damihan niyo naman ang barya niyo para hindi na ako nasasaktan ng ganito!"

Napailing na lang si manong sa sinabi ko at tuluyan ng umalis.

Pagdating ko sa school, saktong alas siyete na. Nagmamadali akong pumasok sa gate nang harangin ako ni Manong Guard.

"Nasaan ang ID mo?"

"Nasa bahay po."

"Anong nasa bahay niyo? Hindi ka pwedeng pumasok. Kung gusto mo, balikan mo na lang."

"Balikan? Pinapabalik mo ako Manong? Gusto mong balikan ko ang mga ala-ala kung saan masaya pa kaming magkasama? Kung saan hindi pa siya nagsasawa sa 'kin? Kung gusto mong balikan ko yung ID ko, pasensya na Manong pero masyado nang masakit. Kaya pakiusap, tama na!"

Natulala si Manong dahil sa sinabi ko.

"Sige na nga, pumasok ka na. Baka mamaya, ako pa ang mapagbinatangan kung bakit ka nabaliw ng ganyan."

Immashampoo's Secret FilesWhere stories live. Discover now