Ako at ang Depresyon (2/14)

10 0 0
                                    

Tema: Rejection
Awit: Fuckin' Perfect

“Wala talagang kwenta! Puro sakit ng ulo lang ang ibinibigay mo sa 'min! Kailan ka ba magbabagong bata ka ha?! Sayang lang ang pagpapalamon ko sa 'yo! Nagsisisi ako na inampon pa kita!”

Agad kong ipinasak ang earphones sa tainga ko; pinipilit lunurin ng musika ang nakakabinging sermon ng magulang ko.

Pumikit ako at bumuntong-hininga. Mayamaya ay tumayo ako at kinuha ang isang bagay na kakampi ko sa ganitong pagkakataon.

Unti-unti ko itong itinutok sa aking pulso at dahan-dahang hiniwa ang aking balat. Napangiti ako habang nakikita ko ang unti-unting pag-agos ng pulang likido. Ang aking dugo.

Hindi ako tumigil hangga't hindi nawawala ang kahungkagang namamahay sa aking dibdib.

Mag-isa lang ako. Mag-isa sa magulong lugar na ito na tinatawag nilang mundo. Nakakataw dahil sa pitong bilyong tao sa mundo, kahit isa walang nakakaintindi sa akin. Kahit isa walang handang dumamay sa 'kin at kahit isa walang tumatanggap sa akin.

Anak ako ng isang hostess na nabuntis ng kung sinong walang modong lalaki. Pagkatapos akong ipanganak ay iniwan ako sa isang basurahan kung saan napulot ako ng kinikilala kong magulang.

Napahinga ako ng malalim at itinabi ang blade. Kailangan kong matulog ng maaga dahil bukas, pangalawang impyerno naman ang pupuntahan ko.

-

Saktong alas-sais ng magising ako. Agad akong naghanda para pumasok sa eskwelahan.

“Hoy! Tingnan niyo oh? 'Di ba yan yung Jane? Yung ikinikwento ni Mark na pinagpustahan nila. Napanuod niyo yung sex video nilang dalawa?”

“Ay oo! Grabe 'no? Ang landi naman ng babaeng 'yan! Sabagay hindi na ako magtataka kasi sabi sa 'kin ni mama, anak daw ng hostess 'yan eh.” narinig kong usapan habang papasok sa eskwelahan.

Lahat ng mga estudyante ay nasa akin ang atensyon. Lahat sila nasa mukha ang pandidiri dahil sa napanuod at nalaman nila.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi alintana ang mga naririnig ko.

“Hi Jane! Tara sa motel mamaya?” malakas na sigaw ng isang estudyanteng hindi ko kilala.

Agad na nagtawanan ang lahat ng nakakarinig.

“Huwag nga kayong ganyan! Alam niyo namang sa akin lang sasama si Jane kasi mahal niya ako, hindi ba Jane?”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng salitang iyon at doon, nakita ko si Mark; ang lalaking inakala kong mag-aahon sa akin sa kahungkagang lumalamon sa buong pagkatao ko.

Hindi ko siya pinansin at diretso ng naglakad.

Dumaan ang maghapon ng hindi ko namamalayan. Bago ako umuwi ay ipinatawag ako ng principal.

“I'm sorry Jane pero dahil sa kumakalat na video ninyo, hindi ka na pwedeng mag-aral sa eskwelahang ito. Magiging masama kang halimbawa sa mga estudyanteng nag-aaral dito.”

Para akong itinulos sa kinatatayuan ko matapos marinig ang mga salitang iyon. Bakit lahat ng tao, ayaw sa akin? Bakit lahat ng tao hindi ako kayang tanggapin? Bakit lahat ng tao, nandidiri sa akin?

Tulala ako habang naglalakad pauwi. Hindi ko namalayan ang isa-isang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. Ganito ba talaga ang mundo? Ganito ba talaga kalupit ang tadhana? Ganito ba talaga ang mabuhay?

Bakit yung ibang tao, masaya naman sila? Bakit yung ibang tao, may maayos na pamilya, may mabuting kaibigan at may lalaking nagmamahal?

Siguro nga wala lang talaga akong kwentang tao. Siguro nga nakakadiri ako at walang taong kayang tumanggap sa 'kin. Siguro nga hindi ako karapat-dapat mabuhay.

'Magiging masaya na rin ako sa wakas' mahina kong naiusal bago nagpasaga sa malaking trak na dumaan.

***
Second akoooo syet! Hindi ako makapaniwala!!!!!!!! 😭😭😭😭 07/10/16

Immashampoo's Secret FilesWhere stories live. Discover now