Sa Katahimikan Ng Gabi (13/24)

12 1 1
                                    

Tema: Kamatayan

Naramdaman ko ang pawis na unti-unting gumigiti sa aking noo. Pinakinggan ko ang paligid.

Tahimik.

Ang kaninang maingay na tugtog ay bigla na lamang naglaho.

Sinubukan kong sumigaw ngunit ang aking boses ay para lamang ibon sa hawla na pinipilit kumawala ngunit hindi magawa. Pinilit kong gumalaw ngunit tila paralisado ang aking katawan.

Maya-maya'y narinig ko ang tunog ng pala at lupang ibinubuhos sa ibabaw ng kabaong na kinasasadlakan ko. Sa kahimikan ay kumawala ang halakhak ng halimaw at papalayong yabag nito.

"K-krizza!"

Ang aking sigaw sa bestfriend ko bago tuluyang nalagot ang hangin sa dibdib ko.

Immashampoo's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon