Romeo

2 0 0
                                    

Tema: Medieval Period/Horror
#Blitz1

“Nandito na po sila, mahal na prinsesa!”

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang sinabing iyon ng isa sa mga kawal. Kasalukuyan akong inaayusan at binibihisan ng dalawang katulong.

“Pakisabi na maghintay lamang sila ng ilang saglit sapagkat hindi pa tapos magbihis ang mahal na prinsesa,” sagot ni Teresa, ang personal kong katulong.

Magalang na yumukod sa akin ang kawal bago umalis. Ngumiti ako ng tipid.

Naalala ko pa ang sinabi sa akin ng mahal na hari.

“Matanda na ako anak, kung kaya nararapat lamang na piliin ko na kung sino ang iyong mapapangasawa. Kailangang ipakasal na kita sa iyong Romeo na siyang papalit sa akin bilang hari.”

Ngumiti ako sa salamin subalit bigla itong napalis nang may isa pang bagay na pumasok sa aking isip.

“Tila balisa ka yata, prinsesa? Kinakabahan ka ba?” tanong ni Teresa.

“Hindi naman sa gano'n, hindi ko lang kasi makalimutan ang napanaginipan ko kagabi. Dugo. Punong-puno ng dugo!” balisa kong sagot.

“Naku! Wala naman sigurong ibig sabihin iyon. Huwag mo nang kaisipin at baka mahalata pa ng mapapangasawa mo na balisa ka.”

Napabuntong-hininga na lang ako.

Makalipas lamang ang ilang saglit ay nakabihis na ako ng isang magarang bestida at nakahanda na upang bumaba sa hagdanan.

Sa ibaba ay naabutan ko ang mahal na hari, ang mapapangasawa ko at ilang kawal mula sa kanilang kaharian. Hindi ko alam subalit nakaramdam ako ng kakaiba nang ngumisi sa akin ang isa sa mga kawal.

“Magandang araw mahal na prinsesa,” bati ng aking amang hari.

Ngumiti ako sa kan'ya at yumukod.

“Narito ang prinsipe na nanggaling sa kabilang kaharian. Ang pinili ko upang iyong maging asawa.”

Tiningnan ko ang lalaking nasa aking harapan. Makisig siya at matipuno. Ang kan'yang mata ay misteryoso na nagdulot ng kaba sa akin. Subalit dahil ang utos ng hari ay hindi nababali, wala akong magagawa kundi ang tanggapin siya bilang aking kabiyak; bilang aking Romeo. Ngumiti ako sa kan'ya.

Yumukod siya at hinawakan ang aking kamay. Inilapit niya ito sa kan'yang labi at hinalikan. Ang labi niya ay tila yelo sa lamig. Nakaramdam ako ng kakaiba subalit hindi ko malaman kung bakit hindi ko magawang bawiin ang aking kamay.

Tumingin siya sa aking mga mata ngumiti.

“Absalom ang aking 'ngalan mahal na prinsesa.”

-

“Maaari mo ba akong samahang mamasyal mahal na prinsesa?” paanyaya ni Absalom kinabukasan. Kasalukuyan kaming nag-uusap sa teresa.

Dapit-hapon na subalit kung sa paligid ng palasyo lamang kami mamamasyal ay hindi  naman kami aabutin ng dilim. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportableng kasama siya,

“Sige, subalit kailangan nating isama ang aking mga kawal,” sagot ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay.

Nagsimula na kaming maglakad kasama ang tatlong kawal. Magkahawak ang aming kamay habang dahan-dahang naglalakad patungo sa likurang bahagi ng palasyo.

Masarap siyang kausap. Hindi ko namamalayan na malayo na pala ang aming nalalakad at madilim na rin ang paligid. Inilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa loob na pala kami ng kagubatan. Lumingon ako at napansin kong tila balisa na ang tatlong kawal.

Immashampoo's Secret FilesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora