Musika (to be publish under TBC Publications)

18 0 0
                                    

Tema: Sweet Fantasy

Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Agad akong napakunot-noo at inilibot ang aking paningin sa paligid.

'Nasaan ako?'

Mayamaya ay namataan ko ang isang bulto ng lalaki sa hindi kalayuan. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

“Sino ka? Nasaan tayo?”

Napalingon siya pagkarinig sa aking tanong.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang kanyang mukha. Oo, natatandaan ko ang mukha niya. Siya ang lalaking kasakay ko sa jeep kanina bago maganap ang aksidente.

Agad na nagbalik sa alaala ko ang pangyayari bago ako napunta sa lugar na ito.

Flashback:

Ipinasak ko ang earphone sa aking tainga matapos kong maramdaman na paalis na ang jeep na sinasakyan ko. Habang umaandar ang jeep ay nakatingin ako sa bintana at tinatanaw ang mga nadadaanan ko.

Kahit saan ay makakakita ka ng pula at mga puso. Pebrero 14 kasi ngayon; araw ng mga puso, araw ng pag-ibig.

Napabuntong-hininga ako. Oh e 'di sila na ang masaya ngayong araw. Sila na ang may lovelife! Nag-focus na lang ako sa pakikinig ng musika.

Saktong tumugtog sa playlist ko ang paborito kong awitin. Ang 'Can't Help Falling In Love With You' ni Elvis Presley. Oo, alam kong napakaluma na ng awiting ito ngunit hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ito, gumagaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil may importanteng tao akong naaalala sa awiting ito.

Naramdaman ko ang pagkulbit mula sa likuran. Tinanggal ko ang isang earphone sa tainga ko at lumingon.

Bumungad sa 'kin ang isang lalaking kaedad ko siguro at naka-earphone tulad ko. Unang tingin mo pa lang sa kan'ya ay masasabi mong may pagkaseryoso siya; dahil siguro sa features ng mukha niya. Ang mga kilay niya ay malago na bumagay sa mga mata niyang misteryoso at matangos niyang ilong. Mamula-mula din ang kan'yang labi at napaka-prominente ng kan'yang panga. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa napakagwapo niyang mga mukha.
Nagising lamang ako sa tila pagkakahipnotismo sa kan'yang hitsura nang marinig ko ang kan'yang pagtikhim. Dumako ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na barya.

“Miss, makikiabot ng bayad.”

Namula ang pisngi ko. Medyo nahihiya ko itong kinuha at naglapat ang dulo ng daliri namin. Hindi ko alam ngunit naramdaman ko ang mumunting kuryente na dumaloy sa aming mga daliri. Mabilis kong inalis ang kamay ko at ipinaabot ang bayad niya sa mga nasa unahan ko.

Nakurot ko ang sarili ko.

'Napakalandi mo Deira!' sita ko sa sarili ko.

'Pero sabagay, malay mo siya pala ang forever mo,' nakakalokong sagot ng isang bahagi ng utak ko.

'Tse! Tumigil ka nga!' sabi naman ng kabilang parte ng utak ko.

Binalewala ko na lang ang aking nararamdaman. Ipinasak ko ulit ang earphone sa aking tainga at nagpatuloy sa pakikinig ng musika.

Malapit ng matapos ang musikang pinakikinggan ko ng marinig ko ang sagitsit ng sasakyan. Ang malakas na busina na nagmumula kung saan, ang pagkabasag ng mga salamin at ang hiyawan ng mga tao. Naramdaman ko ang unti-unting pagbaligtad ng jeep na sinasakyan ko, ang pananakit ng ulo ko at ang panlalabo ng paningin ko. Pagkatapos noon ay ang kadiliman.

-

“Hindi ko rin alam. Nagising na lang ako sa kakaibang lugar na ito.”

Nagbalik ako sa kasalukuyan matapos marinig ang boses niya.

Immashampoo's Secret FilesWhere stories live. Discover now