Twist Of Fate (1/8)

9 1 3
                                    

Tema: Walang Forever

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha at binasa ang mensaheng dumating.

'Hi baby! Kita tayo mamaya. Miss na kita!'

Napangiti ako ng malawak dahil sa laman ng mensaheng galing kay Michael. Nagreply ako.

'Sige baby. Sunduin mo na lang ako dito sa bahay.'

Tatlong taon na kaming magkasintahan. Siya yung tipo ng lalaki na matatawag mong boyfriend material. Malambing, mabait at responsable. Wala na ata akong maipipintas sa kanya.

Makaraan ang ilang oras ay narinig ko na ang busina niya. Maya-maya ay may nag-doorbell.

"Cassie! Pakibuksan naman yung gate. Si kuya Michael mo yan," utos ko sa nakababata kong kapatid dahil kasalukuyan pa akong nag-aayos.

"Napakaganda mo!" papuri sa 'kin ni Michael.

Lihim akong kinilig sa sinabi niya.

Naging masaya ang gabi namin. Kumain kami at namasyal. Ah! Wala na talaga akong mahihiling pa.

Alas dose na ng ihatid niya ako sa bahay.

"Aira, may sasabihin ako sa 'yo," sabi niya bago pa ako makababa ng kotse.

"Ano yun?"

"Tapusin na natin 'to."

Parang may bombang sumabog sa harapan ko pagkarinig sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi na kita mahal."

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya.

"P-pero okay pa tayo kanina 'di ba?"

"Sorry Aira pero ginawa ko lang yung kanina para hindi ka gaanong masaktan 'pag sinabi ko na sa 'yo," paliwanag niya

Hindi ako gaanong masaktan? Eh p*tangina pala eh.

Walang kibo akong lumabas sa kotse niya.

Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko ang kapatid ko.

"Ate? Anong nangyari sayo?"

Agad akong yumakap sa kanya.

"Wala na Cassie! Wala na!"

Natigilan siya sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at inalo.

Hindi ako umiyak sa balikat ng kapatid ko pero pagdating ko sa kwarto, hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko. Buong gabi kong iniyakan ang pagkawasak ng puso ko. Unti-unting gumuguho ang mundo ko pero wala akong magawa para sagipin ito.

Pagkatapos kong umiyak, nawala na ang sakit. Ang natira na lang ay galit. Galit para sa sarili ko at galit sa lalaking mahal ko.

'Paano ako makakaganti? Hindi maaaring dispatsahin niya ako ng ganito lang' naisip ko.

Binalikan ko lahat ng ala-ala namin. Ang maaaring dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan. Hanggang sa naalala ko ang nabasa kong text sa cellphone niya.

Maya-maya pa ay napangisi ako habang patuloy na lumuluha ang mga mata ko.

Kinabukasan, parang walang nangyari na lumabas ako ng bahay.

Nakangisi pa ako habang lumalabas ng gate.

"O ate? Okay ka na?" tanong ni Cassie.

"Oo naman," sagot ko habang nakangiti.

"Mabuti naman ate! Nag-alala kami sa'yo eh."

Nginitian ko na lang siya at sumakay sa kotse.

Nagpalipas ako ng ilang oras sa isang coffee shop. Pagkatapos ay sumakay ako ng kotse at pumarada sa tapat ng apartment ni Michael.

Lumaki ang ngisi ko ng mapansin ang pamilyar na kotse sa garahe.

Pumasok ako sa apartment. Dahan-dahan akong naglakad. Tanging tunog lamang ng takong ko ang maririnig at ang kalansing ng metal na tumatama sa mga gamit.

Binuksan ko ang kwarto at tumambad sakin ang dalawang katawan. Nasa ilalim ng kumot at parehong hubo't hubad.

Nanlisik ang mga mata ko at nagtagis ang aking bagang. Ilang segundo pa ang dumaan bago ako napansin ni Michael.

"A-aira..." bigkas niya.

Lumingon din sa akin ang babaeng kaulayaw niya. Agad na nagkulay-suka ang mukha nito at nanlaki ang mga mata.

"Akala niyo ba habambuhay niyong maitatago sa 'kin ito?" nakangisi kong tanong habang lumalapit dahan-dahan sa kanila.

"Magpapaliwanag ako," pagsusumamo ni Michael.

"Huwag mo na akong gawing tanga. Pinaniwala mo ako sa forever na sinasabi mo. Yun pala, habang umaasa ako sa pangako mo, tinutupad mo ang pangakong yun sa kapatid ko.

"A-ate..." nasabi niya bago ko itinarak ng tatlong beses ang kutsilyo sa dibdib niya.

Lumabas ako sa apartment nang nakangisi habang pinupunasan ang kamay kong puno ng dugo.

Dugo ng mga taksil.

Napatawa ako ng mahina. Ang tanga ko para maniwala sa forever na yan. Isa lang yang salita na may pitong letra at tatlong pantig. Isa lang 'yang kasinungalingan!

Lahat ng bagay may katapusan. Walang permanente sa mundo. Katulad ng araw na ito. Ang katapusan ng buhay nila at ang pagsisimula naman nang bagong yugto ng buhay ko.

Immashampoo's Secret FilesWhere stories live. Discover now