Group Chat • 2

1.6K 76 5
                                    

"Bestie! Ano na naman yang tinitignan mo?"


Bigla kong naibato ang cellphone ko at masamang tinignan si Billy.


"Ano baaa yan, Bestie! Bakit ka ba nanggugulat?" Singhal ko sa kanya at pinulot ang phone ko. Buti na lang talaga hindi nasira. Tssss...


"Bestie! Kanina pa kaya kitang tinatawag. Pero hindi mo ko pinapansin. Siguro inistalk mo na naman sya noh?" Sabi nya sakin at biglang ngumisi.


Nyeta! Mukhang demonyo naman tong baboy na to!


"A-- ano?! Hi-- Hindi ah! Ba-bakit ko naman sya iistalk? Yung kulot na sakang na yun? Mas maganda kaya ako sa kanya?! Tsaka wala akong pake sa kanya!" Nauutal ko pang sabi. Litsi talaga. Nasstress ang bangs ko!


"Ah ganun ba? Okaaaaay! Sabi saken ni Lady Boss may nanliligaw daw sa kanya sa trabaho. Gwapo, matalino, mabait, mayaman, mabango, matangkad at higit sa lahat hindi banban." Sabi pa sakin ng gagong to, pake ko naman sa manliligaw ng jowa nya.


"Oh Edi! Maganda! Nakahanap na nang ipapalit sayo si Coleen." Sabi ko sa kanya at ngumisi.


Binato ako ng sitaw ni gago. Aba't san nakakuha ng sitaw toh? Magsisigang ba to sa bar?


"Ewan ko sayo Bestie! Forever kaya kami ni Lady Boss! We are getting to know each other more each day, and so far eto na yon. Sya na yon!" Sabi pa nya at umupo na sa sofa sa tabi ko.


De wow!


"Magsasawa rin sayo si Choleng!" Inis ko dito. At muling tinitigan ang phone ko, pero wait...


"Bestie!" Sht! Tama ba yung dinig ko kanina? At etong baboy na to, masyadong pabebe di na ko pinapansin at tinitigan na lang ang lockscreen nya na pagmumukha ni Choleng.


Di sila na, may sila!


"BESTIEEEE! HUUUY" at deadmatology talaga ang gago.


"Bestie, libre kita foods?" Pang brabribe ko sa kanya. At wala pong effect. 😕


"Bestie naman, huy! May forever na nga kayo ni Choleng. Tulungan mo naman ako oh. Bestie tayo di ba? Tulungan mo naman ako sa forever ko" sabi ko sa kanya matching puppy eyes pa.


Humarap to sakin at bigla akong hinila palabas.


"Sht! Bestie, alam kong hot and sexy ako pero para kay Kulot lang to."


Binatukan ba naman ako.


"Shut up ka na lang dyan, akong bahala" nag thumbs up pa saken ang loko.











One week after,

*Notification from Squid Goals*


Billy Joe Squidford: Hi Squids! Who's online? We are in a very serious situation here. We need all kinds of reinforcement.


Tita Pusit: Hi yow! What is happening?


Kuya Pusit: Billy, anong meron? Alam mo bang ang SOS ay ginagamit bilang tanda ng panghingi ng saklolo


Napakunot ang noo ko sa pinag-uusapan ng mga ito. Mga baliw talaga. Kung ano- ano pa ang pinagsasabi nila hanggang sa...


Billy Joe Squidford: ALERT! CODE VK


Juggy Squids: UY VICERYLLE!


Anne Curt-Squid: AAMIN NA SI WAKLA


When ;Where stories live. Discover now