TAKEN FOR GRANTED?

1.8K 70 15
                                    

KARYLLE

" Vice mall tayo "

Masiglang pang-aaya ni Karylle sa Boyfriend.

" May gagawin pa kasi ako later K eh, sa susunod nalang "

Pag-tanggi naman ni Vice kaya napa-pout si Karylle.

Palagi naman, bakit pa kasi 'di ako masanay-sanay.

" Last week 'yan din sinabi mo eh "

Malungkot na saad ni Karylle. Palagi niya kasing inaaya ang nobyo ngunit palagi lang itong tumatanggi.

" Eh sorry na, busy pa kasi eh. Next time totoo na "

Palagi naman. Tsk.

" So kelan yang 'Next time' na 'yan ? "

Tampong tanong ni Karylle.

" Hmm, yun lang hindi ko alam eh. Pero as long as makakuha ako ng time for you, promise magba-bonding tayo, okay ? "

Pang-lalambing naman ni Vice sa Girlfriend.

" K fine. Promise mo 'yan ha ? "

Isang lambing mo lang.

Wala na.

Bumibigay na 'ko.

Kainis, palagi nalang.

Ni-minsan ata hindi kita natiis.

" O sige K, uwi na 'ko, paki-sabi kay Tita umuwi na 'ko ha ? Bye Baby, I love you "

Malambing na pagpapaalam ni Vice kay Karylle. Sa kasalukuyan kasi silang nasa bahay ni Karylle, inaya siya dito ng dalaga dahil ilang araw na siya nitong hindi nakaka-sama.

From: Baby

K, may kaylangang ayusin sa Computer ko, punta ka naman dito sa bahay o, ikaw lang kasi may alam sa mga ganito. Thank you Baby, Love you. Ingat ka.

Tanggap ni Karylle na text message mula kay Vice.

Ayan, 'pag may problema 'saka mo lang ako napapansin, 'saka mo lang ako naaalala. Ako naman 'tong si tanga dahil mahal ka, sunod-sunuran sayo. Wala pa sa ilang minuto nandyan na agad sayo.

Pero ako ba? 'pag kaylangan kita? Nasaan ka? Wala. O di kaya minsan palagi kang huli sa nangyayari tungkol sakin.

Pero kaunting lambing lang, okay na ulit.

• • •

" So Baby ano? Can we go and watch movie ? "

Excited na tanong ni Karylle ng puntahan siya ni Vice sa bahay.

" Sorry Baby, day off ko kasi 'di ba? Kaya nga 'ko pumunta dito para makasama ka lang, pagod kasi ako eh "

Dahilan naman ni Vice. Sa kasalukuyan silang nasa Kwarto ni Karylle at nakahiga ang kalahating katawan habang nakasandal sa headboard.

" Eh kung palaging Day Off mo ganito lang tayo, edi never siguro tayong makakapag-mall "

Inis na sambit ni Karylle.

Nagka-trabaho ka lang nawalan ka na ng oras sakin. Ay teka, mali pala, kasi kahit naman may trabaho ka nun nakakapag-bonding pa tayo, nakakapag-roadtrip. Pero bakit this past few months nawawalan ka na ng oras sakin?

Nag-sasawa ka na ba?

Do you fell out of love at napipilitan ka nalang sakin kaya ka nag-i-stay?

When ;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon