NO

1.9K 94 11
                                    

" Brad! Kanina mo pa tinitignan yung bebot sa kabilang la mesa. Lapitan mo na" pag-pipilit ni Vhong sa kaibigan nya.

"Bestie! Game na, sayang yan oh! Sexy, maganda at makinis. Lapitan mo na kung hindi ko nga lang mahal si Lady Boss eh ako na lumapit dyan" pagbibigay naman ng words of encouragement ni Billy

"Ba- bakit ako?" Nakayuko pang sabi ng binata

"Alangang ako, Munchie? Alam kong pogi ako. Alam kong nahihiya kayong sumama sa akin dahil nagmumukha kayong bodyguard ko pero sorry, Munchie my Angel na ako" seryoso at umiiling iling namang sabi ni Luis

Binato naman ng tissue nina Billy at Vhong si Luis.

"Ahh- ano baka kasi ano?" Nakayukong sabi ng binata

"Kaya ka nababasted eh. Puro ligaw tingin ka lang" umiiling na sabi ni Luis.

"Bilis na brad! Bagal nito oh! 500 brad, lapitan mo lang" pagsuhol naman ni Vhong

"A-ayoko ng pera. Sige na nga" hingang malalim na sagot ng kinakabahang binata.

Nilapitan ng binata ang dalagang nasa kabilang table. Nasa restaurant kasi silang pagmamay-ari ni Angel na asawa ni Luis. Sa kanilang barkada kasi ay sya na lang ang walang karelasyon. Si Vhong ay engaged na sa kanyang long-term singer girlfriend na si Celestine habang si Billy naman ay magpropropose naman sa kanyang lady boss na si Coleen.

Abo't abot ang kaba na nararamdaman ng binata habang papalapit sya. Gayundin ang excitement at amusement na maaninag ang buong mukha ng dalaga. Nakatutok kasi ito sa laptop at nagtitipa ng kung ano.

"Ahh mi-miss" panimula nya

"What?" sagot ng dalaga

"Ano eh?" Pagpapatuloy ng binata

"The" sagot ng dalaga

"Kuwan" kinakabahang sabi ng binata

"Hell" seryoso pa ring sagot ng dalaga

"Ahmm" sabi ng binata na hindi alam kung saan magsisimula

"May I sit with you?" Nice one Vice! Nakumpleto mo na rin

"No" madiing sabi ng dalaga

Babalik na sana ang binata ng malaglag ang tinidor ng dalaga. Agad nyang dinampot ito sabay sa dalaga. Nahawakan nya ang malambot na kamay nito at sabay sa pagkakita sa maamong mukha nito.

Damn Vice! Ano yun? Bakit may kuryente? Tapos mukhang anghel. Tinaasan lang sya ng kilay ng dalaga ngunit imbis na mawalan ng lakas ng loob ay tila nabuhayan si Vice. Ngayon nya lang naman ito naramdaman.

Walang sali-salita na umupo sya sa harap ng dalaga.

"Co-coffee?" Pag-ooffer ni Vice

"No" sabi ng dalaga

"Cake?" Try again, Vice

"No" sagot ulit nito

"Ahmm, it's rude nga pala. I haven't introduce myself yet, The name is Vice. How about you?" Sabay lahad ng kamay ng binata

Ni hindi man lang sya sinulyapan ng dalaga.

"Ahmm, anong pangalan mo?"try harder Vice

"My name is no" ayon sa pagkakarinig ng binata.

When ;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon