Maddie

2.5K 93 13
                                    

Loud music.

Too many people dancing and grinding with each other.

Alcohol all over.

One gun fire shot.

One person suddenly lying on the dance floor covered with blood.

Another gun fired.

One...

Two...

Three...

People running around.

. . . . "Ms. Maddie Avilon, may we invite you to our office for some questions?" Tanong ng nakauniform na police sa dalaga

"Huh-huh? Wh-Why would I? I didn't do anything? I have nothing to do with that guy!" Nanginginig na sabi ng dalaga, hindi nya alam kung dahil sa inis o takot sa nagaganap. Bigla na lang kasing bumulagta ang lalaking nakasayaw nya kanina. Dahil na rin sa intensidad na nararamdaman ay wala namang nagawa ang dalaga kundi sumama na sa unipormadong lalaki.

Muling inalala ni Maddie ang mga kaganapan kanina. She was busy dancing with her friends until a guy approached her. Hindi naman ito sinungitan ni Maddie dahil based sa criteria niya ng perfect guy to date ay pasok sa banga ang lalaki. She grabbed his hands at doon niya itinuon ang pagsasayaw niya. She was having the time of her life. Ngunit agad na nasira ang disposisyon niya na iyon ng biglang bumagsak sa harapan niya ang lalaking kasayaw niya. Matagal bago rumehistro sa utak niya na dugo nito ang tumalsik sa mukha niya - he was shot on the head.

Nanginig ang laman ni Maddie sa alaala na iyon, idagdag pa ang malamig na hangin na bumabalot sa interrogation room na pinaglalagyan niya. Hindi din nakatulong ang pagka-uneasy niya dahil sa white walls ng kwarto - kakulay kasi nito ang suot niyang dress kanina na ngayon ay pulang-pula na dahil sa dugo. Everything reminds her of the awful scenario, kahit ultimo ang nakabibinging katahimikan ng kwarto na ang tanging maririnig ay ang kanyang hininga at ang pagtapik ng ballpen ng investigator sa la mesa ay ibinabalik siya sa mga pangyayari.

Gusto nang umuwi ni Maddie. Gusto na niyang bumalik sa kwarto niyang pinaglalagyan ng mga signature items niya na siyang nagpapakalma sa kanya. Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari. Akmang tatanungin ulit ng investigator si Maddie ukol sa mga nangyari ngunit natigilan ito ng may pumasok na dalawang tila otoritadong lalaki.

"Agent Santos, Agent Dalisay," pormal na pagbati ng investigator sa dalawang bagong dating.

Hindi naman binigyang pansin ng dalawang alagad ng batas ang investigator sapagkat nakatuon lamang ang mga seryosong mga mata ng mga ito kay Maddie. Bago pa muling magsalita ang nag-iinterogate sa dalaga ay agad na itong nilapitan nina Agent Santos at Agent Dalisay. Iginiya ng dalawa si Maddie patayo at palabas ng presintong iyon.

Nakayuko lamang ang dalaga at nakatingin sa kanyang mga sapatos. Nasa magkabilang side naman nya ang dalawang lalaki. Pagod na pagod na siya. Gusto niya na ring maalis ang malansang amoy ng dugo sa kanyang katawan. Ayaw na rin nyang masilayan ang "pulang" dress nya.

"Mith Maddie," sabi ng hindi pamilyar na tinig ng lalaki sa kanya na siyang dahilan upang magtaas sya ng tingin at nakita ang mas maliit na lalaki sa dalawa sa kanyang harapan. Agad nitong inilagay sa kanya ang leather jacket na suot nito.

Nang madama ang materyal sa kanyang balat ay doon lang napagtanto ni Maddie na nanlalamig siya. Nagalak siya sa nadamang warmth mula sa jacket. Slight siyang napangiti.

"That will help you, mith" sabi nito kasabay ng pagsukli nito ng isang ngiti na tila sinasabing magiging ayos na rin ang lahat.

Unconsciously namang napatango si Maddie, tila lame attempt niya upang mag-thank you.

When ;Where stories live. Discover now