KaMeo

2.8K 98 20
                                    

Masayang naglalakad si Karylle papunta sa dugout pagkaraan niyang rumampa as muse ng Global Port ng bigla siyang matigilan dulot ng isang tinig...


"Hi, Ate K." bati ng isang lalaki.


"Uy, Terrence. Ikaw pala," masigla at sincere na balik ni Karylle kay Terrence.


"Hehe, opo. Gusto ko lang po sana mag-thank you kasi pumayag po kayong mag-muse," nahihiyang usal ni Terrence habang nagkakamot pa ng batok.


"Ano ka ba, it's okay. Namiss ko din namang magmuse," sagot ni Karylle na may kasama pang cute gestures na siya ding nagpangiti kay Terrence. "Oo nga pala, musta na kayo?"


"P-po?" nabiglang tanong ni Terrence na siyang ikinatawa ni Karylle.


"Sabi ko, kamusta na kayo ni Vice?"




"Uhm... ganun pa rin naman po." Lalong lumaki ang hiya ni Terrence dahil sa tinanong ng dalaga ngunit alam niyang attempt lang ito ni Karylle upang kaibiganin siya. "Ka-kayo po ba?"


"Ha? Sinong kami?" medyo naguguluhang tanong ni Karylle.


"Kayo po ng asawa niyo," may genuine na ngiting dugtong ni Terrence.


"Ahhh. Well, we're fine," tugon ni Karylle na may malawak na ngiti.


Pagkaraan ng kanilang usapan ay sabay ng tumungo ang dalawa sa kinaroroonan ng iba pang ka-team ni Terrence. Medyo naging komportable naman na ang binata sa dalaga at marami na din silang napagkwentuhan. May mga times na din na nagbibiruan sila.


Lalo ding tumindi ang closeness ng dalawa nang one time ay manuod si Karylle ng isang laro ng Global Port. Nanalo ang kupunan at inanyayahan siya ng mga medyo may kabataan sa team sa isang dinner. Sumama naman ang dalaga dahil kinulit siya ni Terrence.


"Ate K, libre mo kaming mga bagets ha," pabirong banat ni Terrence kay Karylle.


"Ay may gagawin pa pala ko, uwi na ko guys," kunwaring pagtakas ni Karylle sa panlilibre kuno.


"Nako, Ate K, hayaan mo na si Terrence na magbayad, tutal malaki na sweldo niyan sa Gilas," pagsingit ni Jeric Fortuna, ka-miyembro ni Terrence.


Hindi naman na nakatakas si Terrence dahil binuyo na siya ng iba pang mga kaibigan. Siya nga ang nanlibre sa mga kasama. Subalit bilang ganti ay ang mga kasama niya ang pina-order niya, leaving him and Karylle alone sa table.


"Hmm, speaking of Gilas, alam mo bang ka-team na din kita doon?" parang batang panimula ni Karylle habang nakapangalumbaba at tinititigan si Terrence.


Saglit namang na-mesmerize si Terrence dahil hindi niya maitatanggi na maganda nga ang dalaga. Hindi man niya inaamin pero Encantadia days palang ay crush niya na si Karylle. Bet na bet niya si Alena. Noong naging sila nga ni Vice ay hiniling niya na ipakilala siya nito kay Karylle ngunit tinanggihan siya ng bakla. Hindi naman niya minasama sapagkat hindi talaga ugali ni Vice na ipakilala ang mga nagiging jowa sa mga kaibigan nito. Kailangan kasi nilang mag-ingat dahil baka sila ay mabuko.





"Talaga? Basketball player ka na din?" makalokohang balik ni Terrence kay Karylle.


"Hindiiiiiii, kakanta ako para senyo," mala-childish na tugon ni Karylle na lalong nagpacute sa kanya, ayon sa isip ni Terrence.


"Sus, iyon lang pala. Akala ko naman makikilaro ka samin kung maka-'ka-team' ka diyan."


"Tseh, bahala ka hindi na kita susuportahan," kunwaring nagtatampong sabi ni Karylle.


When ;Where stories live. Discover now