P&N

2K 68 5
                                    

" Maliliit na gagamba, umakyat sa sanga. Dumating ang ulan at tinaboy sila" Pagkanta ng binata habang tinitignan ang bawat pagpatak ng ulan. Sinubukan nyang hawakan ang ulan ngunit hindi nya nagawa. Napakunot noo ang binata at pinagpatuloy ang pagkanta.

*knock. Knock*

Tinignan nya ang pinto at nagtalukbong. Mas nilakasan nya pa ang pagkanta.

*tunog ng doorknob na pinipilit na buksan*

Pinikit ng binata ang mga mata habang patuloy na kinakanta ang pambatang awitin.

Kinabukasan...

"Good Morning Lester, nakatulog ka ba ng maayos?" Salubong sa kanya ng nurse na nagtataglay ng maamong mukha.

"Nurse Lorna, ikaw na ba yan?" Pagsabi ng binata habang tinatanggal ang pagkakatalukbong ng kumot. Agad ding nawala ang kaba ng binata ng masilayan ang malambing na ngiti ng dalaga. Ngunit mababanaag din ang lungkot at takot sa mata.

"Oo Lester, nagising ba kita?" Muli ay tanong ng dalaga habang iniaayos ang pagkain at ilang gamot para sa binata.

"Hi-hindi naman Nurse Lorna, buti nga nandito ka na eh" umaayos na ng upo ang binata habang tinitignan ang maamong mukha ng dalaga.

Napakunot ang noo nito ang mabanaag na takot at lungkot sa mata nito sa kabila ng malalambing na ngiti ng dalaga.

Pinilit hawakan ng binata ang kamay ng dalaga.

"Oh Lester, do you need anything?" Pagbaling sa kanya ng dalaga

"Nurse Lorna, alam ko pasyente mo lang ako pero pwede mo rin akong maging kaibigan. I know may pinagdadaanan ka. You can tell me" sabi ng binata at pinisil pa ang kamay ng dalaga.

Napangiti ang dalaga at tumingin sa pinto.

"Lester, wait lang ah" sabi ng dalaga at nagtungo sa pinto upang siguraduhing nakasara ito

"Lester, whatever you hear from me. This is confidential. Hindi ko dapat ito sasabihin sayo but among all the patients here. Alam ko iba ka, I also just don't know kung anong ginagawa mo dito. You don't belong here. Lester, please wag mong sasabihin na sinabi ko sayo" maagap namang hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga bilang assurance dito.

"Lester, I didn't mean to scare you sa sasabihin ko okay? I just want you to be safe. Sa ilang buwan ng nakakasama kita napalapit ka sa akin" nakangiting sabi ng dalaga at hinawakan ang dalawa nyang kamay

"2 weeks Lester, sa makalipas na dalawang linggo unti-unting nauubos ang mga pasyente dito. Hindi namin alam kung bakit at paano. All we know is that once we round at 4 am we will found them lying on their bed na bumubula ang bibig, o di kaya ay naliligo sa sariling dugo mula sa nilaslas na leeg. And you know what's the deal with it? Hindi namin malaman kung sino o anong dahilan kung bakit nangyayari ito. " sabi ng dalaga at nakatingin sa mga mata ng binata.

"Nurse Lorna, don't be scared. I'll protect you" mahigpit na hawak ng binata sa kamay ng dalaga

"Lester, I can handle myself. The doctors and nurses hindi sila ginagalaw ng kung anomang iyon but I'm worried about you" sabi pa ng dalaga

Dahil dito ay unti- unting naglalapit ang kanilang mukha ngunit maririnig nila ang katok mula sa pintuan. Agad tatayo ang dalaga upang buksan ang pinto.

"Nurse Lorna, maglilinis lang po ng kwarto" magalang na sabi ng matandang janitor na si Mael.

Tumango ang dalaga at bumalik sa pag-aayos kuno ng mga gamot ng binata. Paglabas ng janitor ay agad na nagsalita si Lester.

"Nurse Lorna, I have something important to tell you" agad namang namula ang dalaga

"A-ano yun?" Mahinang sabi ng dalaga

When ;Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu