Tangled Fairytale

2.1K 102 8
                                    

Madilim.

Malayong lugar.

Walang ibang dumaraan.

Isang binatang (?) tila baliw na sinisipa sipa ang gulong ng kanyang sasakyan at pinipilit na humanap ng tulong.

Katahimikan.

Naririnig ng binata ang bawat hampas ng hangin at ang pagsayaw ng mga dahon dito. Naririnig na rin nito ang pag-awit ng mga alitaptap.

Unti-unti na ring nilalamon ng kaba ang binata (?).

Hanggang sa may narinig syang kaluskos. Agad namang pumasok ang binata sa kanyang sasakyan at siniguradong nakalock ito.

Kahit nakasara na ay naririnig nya ang kaluskos. Sinubsob ng binata ang mukha sa may manibela at pilit na tinatakpan ang tenga.

Palapit nang palapit ang kaluskos. Nakapikit lamang ang binata at pilit na tinatakpan ang tenga.

Biglang nawala ang kaluskos. Unti unting binitawan ng binata ang pagkakatakip ng tenga. At nagtaas na rin ng tingin.

Nagulat naman ang binata at isiniksik ang sarili sa passenger's seat.

Nakakita kasi ito ng babaeng nakaharap sa kanya. Ngumiti naman ito at nagtaas ng lug wrench (yung pangluwang at panghigpit nung turnilyo sa gulong). Lalo namang nahintakutan ang binata at napa-sign of the cross pa.

"Jusko! Patawarin nyo po ako sa mga kasalanan ko. Pasensya na po sa kung sobrang ganda ko at ang daming lalaking nahuhumaling sa akin. Wag nyo naman po akong hayaang mapahamak. Mara-" napalaki naman ang mata ng binata ng makitang pinipilit buksan ng babae ang pinto ng kanyang sasakyan, nakita nya ring napalitan ng kunot ng noo ang kaninang nakangiting mukha ng dalaga.

Isiniksik lang lalo ng binata ang sarili sa upuan. Pinagpapawisan na ng malamig at malapot ang binata. Halos takasan naman ng ulirat ang binata ng  marinig na nag click ang pintuan nya na nagngangahulugang nabuksan na ng dalaga ang pintuan nya.

Sa kabilang dako,

Naglalakad pauwi ang dalagang si Cinderella mula sa pinapasukang talyer nang makarinig ng tila problemadong tili ng lalaki.

"Kaloka naman na buhay ito oh! Ngayon ka pa nasira! Dito pa talaga ah! Nakakairita! Alam mo bang nagmamadali na ko? Tulad ka rin pala nila eh, iiwan ako sa oras na kailangang kailangan kita" rinig nyang paghuhumerantado ng lalaki.

Napakunot ang noo ng dalaga ng marinig ang mga sintemiyento nito. Lalapitan nya na ito ng makitang nagmamadaling pumasok ang binata sa loob ng sasakyan. Marahil ay napagod na ito at napagpasyahan na manatili na lamang sa loob.

Dala ng pagiging matulungin at hilig na rin kumumpuni ng sasakyan ay naglakad sya palapit dito. Hawak nya pa ang lug wrench habang ang ibang gamit nya ay nakasukbit sa kanyang likuran.

Paglapit nya ay kinatok nya ang salamin ng sasakyan nang makitang nakasubsob ang binata sa kanyang manibela. Naisip ng dalaga na maaring tulog na ito pero dahil naniniwalang kailangan ng binata ng tulong ay hindi sya umalis. Ilang minuto ang lumipas ay nagtaas na ito ng tingin kaya ngumiti sya at itinaas ang hawak upang ipakita rito na maaari nya itong matulungan. Ngunit mukhang wala pa sa sarili ang binata kaya minabuti na lang nyang buksan ang kotse. Mabuti na lang din talagang magaling na mekaniko ang dalaga kaya ilang saglit lang ay nabuksan nya rin ito.

Nanlalaki ang mga mata ng binata ng makita sya, ilang beses pa tong nag antanda. Nginitian nya naman ang binata sabay sa pagtakas ng ulirat nito. Napa buntong hininga na lamang ang dalaga. Lumapit saglit sa binata upang iayos ang pwesto nito upang hindi manakit ang batok at ipinatong ang nakitang jacket dito.

When ;Where stories live. Discover now