BarRylle

2.3K 85 4
                                    

" Hey guys! Oh? Why you look so stiff? Ano bang meron? Kanina naman nung opening you're not like that ah." Sabi ng dalaga habang tinitignan ang mga kasamahan nya habang umuupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Anne. Katatapos nya lang kasing gawin ang part nyang mag-intro for GT alongside Jhong and Mariel.

"Annie, anong nangyari sa boys?" Sulyap nya sa katabing dalaga na nagpipigil lang ng tawa. Tinignan nya ang tatlo at napahinto kay Vice.

"Lalo naman. Hey Pare! Anong nangyari and you are having a staring contest sa ceiling" sabi pa nya habang pinagsiksikang umupo sa tabi ng kapareha, lumipat naman si Billy sa tabi ni Anne.

Nang hindi sya pansinin ay tumayo naman sya upang lumipat sa tabi ng Bruh nya.

"Hey bruh! Aaaaay"tili ng dalaga nang hapitin ni Vice ang bewang nya, napaupo tuloy sya sa lap nito. Pinatong naman ng binata ang baba sa may balikat ng dalaga.

" Hey Pare! Ano bang nangyare?" Tila nag rarap pang sabi ng dalaga. Natawa naman ang tatlo ngunit ang binatang inuupuan nya ay tila tulala pa rin at nakayakap lang sa kanya.

"Haay nako Karylle! Kinakabahan kasi yang si Bestie" panimula ni Billy

"Sus kuys! Di lang naman si brad" singit naman ni Vhong

Napakunot noo naman ang dalaga at pinilit humarap sa binata. Hinawakan nya ang mga pisngi nito at tinanong ng bakit ngunit inilapit lang ng binata ang noo nito sa kanya at pumikit. Tila kahit papaano ay naging payapa naman ang kalooban ng binata. Inaasar man ng tatlo ay deadma lang ang dalawa. Lalo naman si Vice na may masters of deadmatology.

Nasa ganoon silang sitwasyon ng pumasok ang isang staff bilang cue na sa pagbalik ng show ay magsisimula na ang trabahula. Dahil dito ay bumalik naman ang kaba ng binata at gayundin din ang tatlo ngunit mas halata ang kabang nararamdaman ni Vice.

"Pare, I have to go na sa labas. I'll watch you okies. Make me proud. Hmmn, You always do naman" sabi ng dalaga sabay ng pagtayo at mabilis na lumabas. Kumaway na lang sya sa tatlo.

Kinakabahan man ay inumpisahan na ng apat na hosts ng trabahula. Nagkulitan sila hanggang sa ipapakilala na ang guest nila sa araw na iyon. Sakto pang si Vice ang magbabasa

" Heto naman ang maglalaro today. Astig, palaban, at walang inuurungan... Haaaah... Anoooo... Haaaah.. Anooo...may ibubuga kaya sya sa hulaan? Please welcome BARON GEISLER" tila sigang pakilala ni Vice, pantanggal na rin ng kaba ng binata.

Samantala, sa backstage...

" Oh hi!" Masiglang bati ng dalaga sa bisita ng programa

"Hi Karylle! Karylle, di ba?" Tila nahihiyang bati naman ng binata.

Alam nya kasing tila iwas sa kanya ang ibang tao dahil na rin sa mga record nya nang pakikipag basag ulo, pero hindi naman nya ginagawa yun ng walang dahilan. Prinoprovoke lang talaga sya ng ibang tao at prinoprotektahan nya lang ang sarili nya.

Ngiting- ngiti naman ang dalaga.

"Uy, you wore shades! Di kita makita sa mata." Energetic pang sabi ng dalaga

Nabawasan naman ang kaba at pag-aalinlangan ng binata. Someone treated him like a normal person again. Babae pa. May record din kasi sya ng panghaharrass sa girls na, hindi nya maitatanggi. Ginawa nya rin naman but definitely, he's trying to change for the better.

" Ay Baron! Tawag ka na! Goodluck ah! Kita tayo mamaya sa mata. Galingan mo" sabi ng dalaga at tinap sya sa kanyang balikat.

Napangiti naman ang binata, maybe hindi lahat ng tao huhusgahan sya.

Pumasok na sya at sinalubong ng hiyawan ng madlang pipol.

"Magandang tanghali" bati sa kanya nina Billy, Anne at Vhong nang lapitan nya ang mga ito upang bumeso o di kaya ay mag man hug.

When ;Where stories live. Discover now