SneaKISS

2.4K 104 14
                                    

Pagkatapos ng opening ay tumungo ng lounge ang mga showtime hosts. Kanya-kanya na sila ng pwesto sa silid na iyon. Sina Jugs, Teddy at Jhong ay pumwesto sa may sahig at pumalibot sa maliit na lamesa doon. Si Billy ay nakatayo at nakasandal sa isang pillar sa loob ng kwarto. Sina Vhong at Anne ay inoccupy ang isang pahabang sofa. Si Vice naman ay sinakop ng solo ang isa pang mahabang sofa habang si Karylle ay nakaupo sa arm rest ng sofang iyon. Busy silang lahat sa kanilang mga cellphone.

Maya-maya ay nadako ang tingin ni Vice kay Karylle. Kumunot ang kanya noo dahil sa pagtataka sa kung bakit ayaw siya tabihan ng dalaga. Nang hindi makatiis ay kinuha niya ang atensyon nito.

"Pssst, love..."

Hindi naman lumingon ang dalaga sumagot na lamang ng "Hmmm?" habang nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.

"Looove...." pagtawag pa din ni Vice.

"Bakit ba, love?" Hindi pa rin tinitignan ni Karylle ang binata. Napasimangot si Vice dahil doon.

Napansin naman nina Vhong at Anne ang mga kaganapan.

"Hoy bruh, nagtatantrums na tong jowa mo, lingunin mo na" sabi ni Vhong.

Sinunod naman ito ni Karylle at tiningnan na nga nito si Vice. Natawa siya ng makitang nakayuko ang binata at naka-pout.

"Hala, may topak na ang babyyy..." pangaasar ni Jugs kay Vice.

Wala namang nagawa si Karylle kundi tabihan na ito.

"Love, uy, bakit ba???" malambing na tanong ni Karylle habang inaangat ang ulo ni Vice.

Pabebe naman ang binata at hinahawi ang kamay ng dalaga. Muli itong yumuyuko at nagpapout.

"Looovee..." pakantang tawag ni Karylle kay Vice. "Ano na nga kasi 'yun? Eto na ko oh..."

Natinag naman ang binata at hinarap na ang nobya. Nakapout pa din ito.

"Hindi mo kasi ako pinapansin eh 😞"

"Sorry na, busy kasi ako sa pagtingin sa pictures ni Ella eh..." malambing na pagdadahilan ni Karylle sabay kindat.

Nagdulot naman ito upang matawa si Vice. "Talaga?"

Tumango naman si Karylle habang ngiting-ngiti.

"Ganda ko 'no?"

"OO, singganda ko"

"Syempre ikaw peg ko eh..."

Nagkatawanan ulit sila pero maya-maya ay tumigil na si Karylle at tinanong muli si Vice kung bakit siya nito tinatawag.

"Bored kasi ako..." simpleng sagot ni Vice.

"Anong gusto mo gawin ko?"

"Kish mo ko..." parang batang sagot ni Vice bago pumout.

Napailing naman si Karylle sa kalokohan ng nobyo pero pinagbigyan niya din ito. Binigyan niya ito ng smack.

"Oh ano? Okay na? Happy na?"

Umiling naman si Vice at nagsabi ng "Isa pa..."

Muli naman itong pinagbigyan ni Karylle.

Ilang ulit na nangyari yun hanggang sa hawakan na mismo ni Vice ang mukha ni Karylle at palalimin ang halikan nilang dalawa. Hindi naman na kinagulat ng mga showtime hosts ito dahil sanay na sila sa dalawa.

Kalaunan ay hinila na ni Vice pakandong sa kanya si Karylle at mas lalong lumalim ang kanilang halikan. In short, MOMOL na. Tila wala naman silang pakielam sa mga tao sa paligid nila.

Napahinto na lamang sila ng biglang...

"Lintik Viceral, sa bahay niyo na lang gawin yan!"

Napalingon ang dalawa sa nagsalita.

"Hehehehe. Sorry, Direk."

Binantayan naman sila ni Direk hanggang sa maghiwalay sila at pinaayos na ni Vice si Karylle ng upo sa tabi niya. Muli silang nagpakabusy sa cellphone.

Ngunit nang makaalis na si direk at hindi na sila nito nakikita, muling hinapit ni Vice ang nobya at nagmomol ulit sila.

"Iba talaga tong si Vice, ayaw papigil..." komento ni Teddy na siyang sinangayunan naman ng ibang Showtime hosts.

Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa kailangan na nilang maghiwalay dahil tapos na ang commercial break

Si Karylle ang unang kailangang humiwalay. Magiintro kasi ito para sa Girl Trends. Labag sa loob siyang pinakawalan ni Vice at hinayaang lumabas. Napapout na lang ito ng hindi na matanaw ang dalaga.

"Luhhh sisteret, nasa labas lang naman jowa mo..."

"Wa kang pakeeee!!"

Naghost na nga si Karylle at napapangiti na lamang na pinanuod siya ni Vice sa tv sa loob ng lounge. Proud na proud ang binata. Maya-maya ay may naisip siya.

Nang matapos si Karylle sa kanyang duty ay naglakad na ito patungo sa backstage at dahil galing sila sa stage ay sa likod na lamang ng LED ito duman. Pinauna niya sina Vhong at Jhong habang siya ay naglalakad sa likuran ng mga ito. Medyo mabilis siya maglakad dahil nais na din niya makasama si Vice.

Nagulat na lamang siya ng may biglang humila sa kanya sa madilim na parte ng backstage. Narealize ni Karylle na napunta siya sa lagayan ng mga ilaw na ginagamit lang sa prods. Walang masyadong pumupunta doon unless kailangan.

Medyo natatakot na si Karylle ngunit nawala ang kanyang agam-agam ng mapagtantong si Vice pala ang humila sa kanya.

"Jusko love, muntik na ko ma-heart attack."

Hindi naman sumagot si Vice at hinalikan na lamang si Karylle. Damang-dama ng dalaga ang pagkasabik ng binata.



Fast forward....

Ilang segundo na lamang ay magsisimula na ang Trabahula ngunit...

"Nasaan si Vice? Nasaan si Vice?" ngarag na tanong ng mga staff.

Subalit hindi nila nakita ang binata kaya no choice sila kundi simulan ang Trabahula na wala si Vice. Nagpatuloy iyon hanggang sa maintroduce na nila ang kanilang guest.

"Wew! Success!" Malakas na bulalas ni Vice habang papalabas ng LED.

"Brad, naglabas ka na naman ba?" Natatawang pangaasar ni Vhong.

Iba ang pinupunto ng binata subalit iba din ang nasa isip ni Vice.

"Oo... nakapaglabas na ko. Masaya na ko." May pilyong ngiting tugon ni Vice.

When ;Where stories live. Discover now