Kabanata I

1.2K 27 1
                                    

"Clarissa! Pakihinaan naman yan pwede?" sigaw nung mama ko sakin habang nanunuod sila ng tv. sa may baba.

"Wala naman pong volume control 'tong violin ko no! " sigaw ko naman sakanya. Hays.

Napasimangot ako't ipinagpatuloy na lang yung pagtugtog ng Aria Sulla Quarta Corda piece ni Johann Sebastian Bach.

Ako si Clarissa Holy Villanueva. 15 years old at isang Fourth year highschool student. Meron akong Natural Dark Brown Hair. Kaya kahit ilang beses akong pagalitan sa school at pakulayan ng itim eh hindi nila ako matitinag dahil nga natural 'to. Long straight hair din ako at Bukod pa dun, katamtaman lang din ang tangkad ko't sexy ako. *ehemm*

Meron akong masaya at magulong pamilya. Meron akong tatay na nagta-trabaho sa ibang bansa. Isang nanay na kahit na medyo butangera pero mahal na mahal naman kami, at dalawang nakababatang lalaking kapatid na kahit nakikipag-wrestlingan sakin eh mahal na mahal naman ako. Up and down din ang bahay namin. (Just so you know) Kaya lang maliit lang din't actually–mahirap lang kami. No, not kind of mahirap naman .. Tama lang pala.

My mother name is Helena and Julio naman ang sa tatay ko. Kambal nga pala yung dalawa kong kapatid. Si Franz at tsaka si Frank. Parehas pasaway yan pero laging walang panama sakin. At sa pamilya na 'to. Ako lang ang pinanganak na isang Music Lover. Yup. You got it. Isa po akong genius pagdating sa pagtugtog ng Violin at meron akong boses na pang theatro daw. Di ako nagyayabang.. Yun kasi yung sabi nung tatay ko sakin eh.

Nagumpisa yun nung 6 years old ako. Grade 1 ako nun nung nakakita ako ng isang babaeng tumutugtog ng violin sa isang kwarto dun sa elementary school namin. Maganda yung dating nya at ang tingin ko sakanya nung mga panahon na yun eh isang music fairy. Tinignan nya ako't ngumiti, saka sya nagtanong sakin.

"Gusto mo bang matuto nito?" tanong nya.

At sa pagkakatanda ko eh tumango lang ako't ngumiti sakanya. At yun, bago ako umuwi sa bahay eh dumadaan ako sakanya hanggang sa naging 8 years old na ako. Isang araw eh binigyan na lang nya ako ng isang violin't sinabing ..

"Ituloy mo lang ang pagtugtog ha? Dahil kapag minahal mo pa ng sobra ang musika, balang araw gagantimpalaan ka nito."

After nyang sabihin yun eh hindi na sya muling nagpakita sakin. Pero after naman nun eh ginawa ko pa rin ang best ko para maging mahusay na isang violinist at mahalin pa ng husto ang musika. Mahal na mahal ko ang pagtugtog at ang pagkanta kaya lang mas minabuti ko kasing itago ang talentong ito.

Hindi naman sa hindi ako proud sa talent ko, Pero yun ay dahil natatakot akong hindi nila ako maiintindihan. Iisipin nilang kakaiba ako sakanila kapag nalaman nila na ang simpleng babaeng tulad ko eh isa palang magaling na Musician. Tsak na magbabago ang tingin nila sakin at yun ang ayaw kong mangyari. Kaya hanggang maari eh ginagawa ko ang best ko para di nila malaman ang tinatago kong sekreto. Yun lang naman. Introduction lang yan sa kung sino ako at kung anong meron sa buhay ko.

Nga pala, Sa Saint Agatha Academy kami nag-aaral ng mga kapatid ko. Okay, Joke lang po yung sinabi ko na mahirap kami kasi Private school po ito haha. Pero totoo naman yung sinabi ko na katamtaman lang. Hindi kasi namin pwedeng bilhin yung mga gusto naming bilhin eh. Ang Drama ko haha.

"Ma'am Good morning Ma'am!" sigaw bigla nung mga COCC sakin habang naka-salute at naka stand straight sa harapan ko.

"Good morning." At nag-salute back din ako.

Ah yeah, since hindi ko pwedeng ipakita ang talent ko dito eh sumali na lang ako sa CAT at officer na ngayon. S1 lang naman ho ako! Kaya ayun, Isa din akong batas dito't nirerespeto lalo na ng mga COCC at Private cadets kapag training.

Silver StringsWhere stories live. Discover now