Kabanata VI

542 20 4
                                    

The Sun, The Blue Sky, The Blue Sea and The Breeze. It's really Hawaii! Grabe ang ganda ng place! Para kang bumalik ang nag-Time travel back to Summer again. I feel great!

"Hey Bunso, Wear your bikini na!" aya naman ni Ate Cherry sakin.

"Bikini?" inosenteng tanong ko naman habang naka tilt yung head ko.

"Don't tell me wala kang dala? My God Bunso! Sayang naman ang ganda ng katawan at ng Kutis mo kung di mo ipapakita sa madla. Patingin nga ng bag mo!" sabi naman ni Ate Chloe sabay bukas nung bag ko.

"Hoy Wag! Teka– Teka sandali." awat ko agad naman sakanila.

"The Hell! Dala mo pa din yang violin mo? And what's this? One piece swimsuit? Urgh. Ano ka bata?" at napa face palm lang si Ate Chloe sabay tingin sakin ng masama.

"Here Bunso oh. Meron pa akong extrang bikini kaya yan na lang ang suotin mo. Mukha namang kakasya yan sayo eh." sabi naman ni Ate Gayle na nagflu-Flute samin sabay abot nung bikini.

"What the –" nasabi ko lang habang tinigtignan ito.

Isa itong Black Two piece bikini na hindi ko maipaliwanag kung daring ba o seductive na ewan ko. Pero WTF! Hindi ako nagsusuot ng ganto! Masyado 'tong revealing! Hindi pa ako ready sa mga ganyan eh.

"Ayoko. Ayoko nyan! Masyadong ano!" sigaw ko naman agad.

"Wala ng ano ano! Osya, isuot mo na yan't lumabas na tayo ng makapagswimming na tayo!" sabi naman ni Ate Chloe sabay tulak sakin papuntang CR.

"Bilisan mo bunso ha!" sigaw naman nila habang busy sila sa pagpapahid ng mga sunblocks sa katawan nila.

No choice na. Mag-sarong na lang kaya ako sa ibaba para di masyadong nakakahiya? Or maybe I should bring jacket too.

Maya maya after kong magbihis eh lumabas na ako. Pero syempre triny kong takpan ng twalya yung katawan ko. Nakakahiyang i-expose eh!

"Ano ba! Tanggalin mo nga yan!" sigaw naman ni Ate Chloe sabay hila nung Twalya.

"Oh Bagay pala sayo eh! Tsak maraming mai-in love sayong mga foreigners pag nakita ka nila bunso." sabi naman ni Ate Gayle habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Let me fix your hair. Hindi dapat yan nakatakip sa maganda mong katawan." sabi pa ni Ate Chloe then inayos nya yung buhok ko into Bun style.

"Nakapag Sun Block na ba kayo?" tanong naman ni Ma'am Steff na nakaready na din.

"Oh yes! Ready na ready na ang mga bruha!" excited na sagot naman ni Ate Cherry sakanya at napangiti lang kami.

"So pano, Let's go?" aya naman ulit ni Ma'am Steff na mukhang excited na rin.

"Tara! Tara!" sigaw naman nila sabay labas.

Kinuha ko yung White Jacket ko muna bago lumabas. Akala nila ha!

Pagkalabas namin sa hotel eh para akong pumasok sa kakaibang mundo. Oh my gosh! Ang daming tao tapos puro foreigners pa! Pero mas nakakagulat yung mga suot nila. Talagang expose yung mga Cleavage. Tapos yung sa may part ng butt. Wow! Nganga lang ako eh.

Hindi ko nakikita yung mga lalakeng kasamahan namin. Mukhang naghiwa-hiwalay ata kami kasi nag-swimming na agad 'tong sina Ate Chloe eh. Asan na kaya sila? Sana naman hindi naghahanap ng babae o chix yun si Johann.

Nakaupo lang ako sa lilim nung coconut tree habang pinagmamasdan sila Ate Chloe na naliligo nang biglang mainitan na ko't naisipan ko ding magbabad sa tubig. Tinanggal ko muna yung Hair bun ko at iwinasiwas ito na para akong isang model sa isang Shampoo commercial. Syempre Para feel. Tsaka ko naman dahan dahang hinubad yung White Jacket ko't isinabit dun sa may upuan at ngumiti ng napakalaki. Ewan ko nga kung bakit pero napansin kong napatingin din sakin yung ibang lalaking dumadaan, Pero imbis na pansinin sila eh tumakbo na lang ako papunta dun sa may dagat para samahan sila Ate Chloe sa pagswi-swimming. At yun na! Nakisaya na rin ako kasama sila.

Silver StringsWhere stories live. Discover now