Kabanata IV

593 16 8
                                    

"Wala pa rin ba yung si Thalia?" narinig kong tanong ni Sir Jim dun sa isang staff na mukhang iritado na siya.

"Sir Wala pa po eh." sagot naman nung staff na halatang natatakot na kay Sir Jim.

"Argh. Hindi tayo pwedeng mag-umpisang mag-practice nyan! Damn it!" at napakamot lang siya sa ulo niya.

Onga pala. Kasalakuyang nagpa-practice ang grupo namin para sa play na Lés Miserables. At si Thalia. Isa sya sa mga Theater actress/singer na naka role kay Eponine at medyo mas matanda lang sya sakin ng isang taon. Pero grabe! Pa VIP much! Gusto ko ng tumugtog eh.

"Gusto ko ng tumugtog. Gusto ko ng tumugtog. Uwaa." bulong ko naman habang naka pout at nakasandal dun sa upuan habang nakatingin sa taas.

"Easy lang bunso. Baka mamaya dadating na din yun. Alam mo naman ang babae." sagot naman ni Ate Chloe.

"Ano pong meron sa mga babae?" tanong ko naman sakanya kasi wala akong clue sa mga pinagsasabi nya eh.

"Sus. Parang di ka naman babae bunso! Syempre matagal mag ayos! Ano pa ba?" sagot naman nya.

"Matagal mag ayos? Hala, Hindi po ako ganun ha! Pulbo lang solve na ko!" sagot ko naman.Tapos bigla silang nagtawanan dahil sa narinig nila.

"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ko naman sakanila. Oh anong problema sa pulbo?

"Bata ka pa nga. Balang araw, Mai-in love ka at maiisip mo ring mag ayos para maging kaaya aya naman sa harap ng mahal mo." sabi naman ni Ate Chloe sabay ngiti. Napataas lang ako ng kilay at napaisip.

Kailangan ko pa ba talagang Ma-in love muna bago ko maisipang mag ayos? Eh pano yan kung di ako ma in-love? Edi di ako mag aayos? Omo.

"Pero wag kang gagaya kay Chloe bunso! Maganda ka kahit ganyan ka lang. Mas gusto ng mga lalake ang simple." sagot naman bigla ni Kuya Harry.

"May gusto ka bang palabasin sa sinabi mo?" sigaw naman ni Ate Chloe sakanya.

"Wala. Wala po."

Simple. Yun siguro ako. Pero kung gusto ng mga lalake ang simple, eh bakit hanggang ngayon wala pa din akong experience sa love lalo na sa Boyfriend.

Yung totoo, Ano ba talagang problema sakin? Ako ba yung manhid o ayaw lang talaga nila sakin? Baka meron ng nanliligaw o nagpaparamdam sakin pero di ko lang napansin kasi akala ko nagiging Friendly lang? Uwaa. Ang Manhid ko naman nun! At tsaka ang sama pa. Walang duda kung bakit ako kinakarma ng ganto!

"Oh Anong nangyayari sayo?" tanong naman bigla ni Johann sakin.

"Ah. Haha Wala. May naisip lang." sagot ko naman. May naisip lang na kahindik hindik na katotohan mula sa sarili ko.

"Aha!" sigaw bigla ni Sir Jim sabay turo sakin.

"Aha?" sabay sabay na tanong naman namin tapos biglang tingin sakin. Pero syempre ako, napaturo lang sa sarili.

"Clarissa, Tayo. Pumunta ka sa harapan bilis." utos naman nya.

"Yes Sir." edi ibinaba ko muna yung Violin ko't dali daling pumunta sa harapan.

"Tapos humarap ka dito." sabi nya at hinarap nya ako bigla sa microphone at take note! Nasa gitna pa ha!

"Pansamantala, Ikaw muna si Eponine. Ka-batch mo si Thalia kaya sure akong parehas lang kayo ng timbre ng boses. Kaya good luck." sabi pa nya.

"EHH!!??" napasigaw ko lang sabay napaatras ako.

"Sir! Eh Theater Singer naman po kasi si Ms. Thalia eh! And I don't sing Sir." Reklamo ko kaagad.

Silver StringsWhere stories live. Discover now