Kabanata II

744 21 2
                                    

Kinagabihan, matutulog na sana ako para makapagpahinga nang bigla naming tumawag si Ria sakin. Anu bay an, gabing gabi na iniistorbo parin ako ng babaeng 'to. Oh well, pasalamat siya, Mahal na mahal ko siya.

"Babes!" sigaw nya kaagad sakin.

"Easy.. Ano bang problema mo ha babae?" tanong ko naman.

"Asan ka ba kanina? Ba't ka absent?" tanong niya.

"Long story. So anong ginawa nyo kanina?" tanong ko naman sabay higa ko na sa kama ko.

"Nothing much. Pumasok ka bukas ha!" utos niya.

"At Bakit?" sabay taas ko naman ng kilay.

"May Quiz tayo sa Mapeh at History ! Ikaw ang laging top dun eh. We need help!" aniya sabay tawa.

"Hay nako." Napa-iling at napa face palm lang ako sakaniya. Kahit kelan talaga oh!

"Babes?" tanong pa nya ulit nung di pa ako sumasagot.

"Oo na. Akala ko naman kung ano. Osige sige. Mag-aaral na ako. Loveyah babes!"

"Love you more babes." then ini-end call na nya.

Baliw talaga. So pano yan? Kailangan ko palang maghalf-day bukas. At mas agahan pa ang pag-uwi dahil sasakay pa ako ng Bus at magbibihis pa ko. Naman oh! Mukhang di ata ako makakapagisip at makakapagreview ng maayos kakaisip sa gagawin ko bukas. Hays.

***

Maaga akong nagising kinabukasan para mag-review nang sa gayun eh hindi ako bumagsak at hindi ma-disappoint sakin sina Ria at Coleen. Actually, matatalino naman din yung mga yun. Kaya lang may kanya kanyang specialties talaga kami bawat subjects. Parang favorite na rin. For example, Ako sa History, Mapeh at Sa English din pala. Si Ria naman sa Physics, Filipino. Tapos Math at Home Economics naman si Coleen yung natirang subjects eh sisiw na lang samin yun. S-i-s-i-w

So ayun na nga, napag-isipan ko na kailangan ko palang magkunwaring may sakit para makauwi ako ng maaga't maabutan ko yung interview. Sana lang talaga eh bumenta sa teacher namin haha.

"Perfect ka na naman Babes! Grabe ka talaga sa History at Mapeh! Next time sa english naman ha?" sabi naman ni Ria sakin after naming mag quiz. Bali magla-lunch time na pala kasi 11 something na eh.

"You look not well. Ang tahimik mo ata, Okay ka lang ba? " nag-aalalang tanong naman ni Coleen sakin.

"Hindi ata masyado. Pwede bang makausap si Ma'am Cielo?" tanong ko naman habang umaarteng may sakit kunwari.

Si Ma'am Cielo nga po pala eh ang English teacher naming mga 4th years at Vice Principal din namin at the same time.

"Bakit? Uuwi ka? May sakit ka?" tanong naman ni Ria sabay hawak sa noo ko.

"Hindi ko alam pero mukhang lalagnatin ata ako eh. Sumasakit na yung ulo ko eh. Medyo nahihilo na ako." pagsisinungaling ko naman.

"Hala~Osige sige. Kami na yung magdadala ng bag mo. Hihintayin ka na lang namin sa labas ng office nya." sabi naman ni Coleen.

"Good luck Babes. Pagaling ka ha!" sabi naman ni Ria sakin.

"Sige sige. Salamat mga babes." at umalis na ako.

Saglit ko lang kinausap si Ma'am Cielo at mukhang bumenta ata agad sakaniya yung pag-arte ko kaya ayun pinauwi nya na agad ako. Pagkauwi ko eh nagbihis agad ako. Nag-Jeans na lang ako't nagsuot ng blouse at nagdala na rin ng Jacket. Tapos inayos ko yung hair ko into ponytail saka kinuha yung violin case ko't nagpaalam na agad kay mommy. Wala ng kaen kaen 'to. Baka malate pa kasi ako eh. Kitams 12:10 na! Tsk talaga! Nako naman.

Silver StringsWhere stories live. Discover now