Kabanata VII

575 15 1
                                    

Nang makailang araw eh umuwi na kami. Maraming masasayang nangyari habang kasama ko sila pero ang naiba lang siguro eh hindi na normal ang samahan namin ni Johann dahil simula nung gabi na yun, mula sa pagiging kaibigan at kasama eh siya na ang "Boyfriend" ko ngayon. Until now, I feel like it's just a dream. Na kapag natulog ka eh mawawala lahat at magigising ka na lang bigla. Pero hindi, dahil sa loob ng dalawang araw na kasama ko sya sa hawaii eh talagang hindi sya nawala sa tabi ko. Ang saya saya ko talaga.

Bago nga pala kami umuwi eh binilhan ko sila Mama ng pasalubong. Okay lang kasi nakapag ipon rin naman ako dahil medyo malaki ang sweldo ko dito't hindi din naman tumitigil sa pagpapadala si Papa samin. Kaya ayun, Sinubukan kong mahal yung bilhin para sakanila at para na rin kala Ria at Coleen.

Nung nakauwi na ako, ilang araw ko din hinanapan ng tyempo yung tungkol samin ni Johann. Kasi syempre, Gusto kong malaman ni Mama yun. Baka kasi magalit sya sakin pag nalaman nyang itinago ko pa sakanya. Wag kayong mag-alala. Wala syang Violent Reaction! Tuwang tuwa nga sya actually eh. Sinabi ko yun kay Johann at mukhang masayang masaya din siya. Naisip pa nya na kahit di sya sanay eh gusto nyang magkaroon ng Formal Meet Up ang Family ko at ang Family nya.

Ginawa namin yun nung Birthday ko. Nakilala ni Mama si Johann at ang Pamilya nya at ako naman, Nakilala na ulit ako nila Mr. and Mrs. Bach hindi bilang si Girl with the Silver Strings kundi bilang 'Girlfriend' naman ng anak nila. Nung una natakot ako kasi magkaiba kami ng estado sa buhay nila Johann, masyado silang mataas para samin pero buti na lang at mababait sila at tinanggap nila kami ng buong buo. Medyo Favorite na nga ako nung Mommy nya eh! Parehas kami ni Johann, Sakanya naman eh si Mama.

"We are looking for Clarissa Villanueva, Is she here?" tanong bigla nung pamilyar na boses dun sa may reception ng Orchestra Building namin.

Edi napasilip naman ako kung sino kasi hinahanap nga ako eh. Sa gulat ko na lang..

"Mr. and Mrs. Brown!" napasigaw ko agad sabay takbo agad papunta sakanila.

"Oh there she is! It's really nice to see you again Clarissa." sabi naman ni Mrs. Brown.

"It's really nice to meet you again, Mr. and Mrs. Brown. By the way, What brings you here in the Philippines?" tanong ko naman kaagad sakaniya.

"We still have a promise to make remember?" tugon naman ni Mr. Brown sabay kindat sakin.

"My husband and I thought that it's better that we talk personally regarding with Juilliard. We need to talk also to your parents about this. That's why we're here." Sagot naman ni Mrs. Brown.

"Oh my. I really can't believe this is happening.." at napatakip na lang ako ng bibig habang hinahayaang tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang kasiyahan.

Dinala ko sila sa bahay kasi kailangan nga nilang makipagusap kay Mama about dun. Edi yun, nagusap sila't tingin lang ng tingin si Mama sakin. Kasi syempre hindi sya makapaniwala na may dalawang taong tutulungan ang anak nilang pumunta sa New York't makapag aral sa isang nakapagandang Music School.

"First you need to pass a video entry to them in September. If they like it, You'll pass. Then for the second and last round, They will be holding an actual audition in San francisco in January and who ever pass it will can officially get into Juilliard." paliwanag ni Mrs. Brown.

Tamang tama! Merong Sound proof Studio room ang Orchestra Building namin. Pero ano naman kayang piece?

"I'm thinking of what piece should I play. What do you think of Partita No. 3 in E major, BWW 1006 by Johann Sebastian Bach?" tanong ko naman.

"Of course, Any piece you play will make you pass the audition, Clarissa. You're a great Violinist and all you need to do is to trust yourself and your talent." sagot naman ni Mr. Brown.

Silver StringsWhere stories live. Discover now