Kabanata V

571 17 0
                                    

"Okay ready na ba sila Pretzel at Clarissa? Papasok na sila in 5 minutes!" sigaw naman ni Sir Jim sa Backstage.

Isa ito sa mga makapigil hiningang sandali ng buhay ko. Ako si Clarissa Holy Villanueva, 15 years old. Natuto lang akong tumugtog ng violin nung 6 years old ako at simula nun eh hindi ko na sinubukan pang itigil ito dahil pakiramdam ko karugtong na sya ng buhay ko.

Katatapos lang ng play ng Lés Miserables at thank god naging successful naman ang show. Pero hindi pa dun natatapos ang lahat dahil para sakin, Nag-uumpisa pa lang ang laban.

Kailangan naming tumugtog ni Johann sa gitna ng stage at sa harap ng napakaraming tao. Hindi ito maituturing na isang normal na sandali ng buhay dahil minsan lang magkaroon ng gantong klase opurtyunidad ang isang tao sa buhay niya.

I must say na I'm very lucky talaga. Lucky na maaga kong nakilala ang musika't minahal ito ng sobra. Dahil kung hindi yun nangyari, wala sana ako ngayon dito.

"You really look beautiful Bunso. Good luck ha?" sabi naman ni Ate Chloe after nya akong ayusan.

"Thanks ate Chloe. Medyo kinakabahan pa ako kaya sana magawa ko ng tama yung tugtog." sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa salamin.

Naka Fishtail braid nga pala ako ngayon't may Silver headband. Kasama pa dun ang Silver dress na ipinasuot sakin para daw malaman nilang ako ang nagiisang, The Girl with the Silver Strings ng PNPO. Four words, Ang Ganda Ko Ngayon.

"Kayang kaya mo yan. Isipin mo na kami kami lang din yung nakikinig sayo. Wala kang dapat ikatakot dahil walang tao ang hindi magugustuhan ang paraan ng pagtugtog mo. Kaya, Kaya mo yan. Tiwala lang." sabay kindat at thumbs up niya sakin.

"Yes." at nag nod na lang ako't nagsmile sakanya.

"Ready na ang bunso natin." sigaw naman ni Ate Chloe sabay bukas ng pintuan ng dressing room.

"Wohoo! Ang ganda ng bunso namin ah! Nice!" sigaw naman nila.

"Galingan mo bunso ha? Kayang kaya mo yan!"

"Galingan nyong dalawa ni Doughnut!"

"Oh tignan mo pati si Pretzel napanganga sa kagandahan mo!"

Nung narinig ko yun eh napatingin ako bigla sakanya. At para bang nawala lahat ng tao sa paligid ko't sya na lang ang nakikita ko. Yung bang.. WOW talaga.

Nakasuot sya ng Formal Attire na Black suit at Black neck tie. Ang ganda din ng pagkakaayos ng buhok nya't pansin mo din talaga agad yung pagka Brown ng hair nya like mine. Tapos yung golden brown eyes at lips nyang napakapula at kung gano sya kaputi mas kitang kita pa lalo. He look Marvelous. He really look handsome tonight.

"You look–" sabi namin ng sabay.

Napangiti lang sya bigla at napangiti naman ako sabay yuko na syempre nahihiya. At para nga kaming mga timang kasi nagkakahiyan kami habang nakalagay yung kamay nya sa batok nya sabay paikot ikot yung tingin.

"Oo na. Oo na. Parehas na kayong gwapo't maganda. Mabuti pa, Kunin nyo na yung mga instruments nyo't pumwesto na kayo sa stage! Double time!" sigaw naman ni Ma'am Steff samin.

"Yes Ma'am." sabay kinuha ko na agad yung violin ko sabay lakad sa tabi ni Johann.

"By the way, You really look amazing tonight, Holy. Sobrang ganda mo." bulong nya sakin habang naglalakad kami papuntang stage.

Syempre nung narinig ko yun ngiting wagas naman ako kasi syempre.. Johann yan eh! Sinabihan niya akong maganda!

"Thanks. Lalo ka na, Grabe ang gwapo mo naman. Para kang prinsipe sa isang fairytale kung maituturing." nahihiyang sagot ko naman sabay tawa.

Silver StringsWhere stories live. Discover now