Kabanata VIII

568 19 6
                                    


"We are really proud of you Clarissa and we're so happy that we've been a help and a part of reaching your dreams." sabi ni Mrs. Brown sakin bago kami magboard sa eroplano ni Johann pabalik ng pilipinas.

"Thank you Mrs. Brown. And to you too Mr. Brown. Thank you for helping me again. It really means a lot to me. I owe you my life for this." sagot ko naman sakanila sabay yakap.

"You're very welcome Clarissa. And Johann, you were a lucky man to have a wonderful girl like her. Make sure to never let this one of a kind girl go. Okay?" sabi naman ni Mr. Brown kay Johann. Napangiti lang kaming tatlo sa narinig namin.

"I will sir. Thank you so much." sabi naman ni Johann sakanya habang nakangiti.

"We've gotta go. Thank you again Mr. And Mrs. Brown!" at nagwave na lang kaming dalawa ni Johann sakanila.

"Mahaba habang byahe na naman 'to." sabi ko kay Johann habang naglalakad kami.

"I don't mind. Cause I'm willing to take a long trip as long as I'm with you." sagot naman nya sabay akbay sakin.

"Mmm." at isinandal ko na lang yung ulo ko sa braso nya. Hindi na ako makapaghintay na makauwi sa pilipinas.

***

"Congratulations Clarissa Holy Villanueva for passing on Juilliard School."

Basa ko sa nakapaskil na tarpauline sa harap ng bahay namin. Napanganga lang ako't agad namangha dahil parang nung isang araw ko lang sinabi yung magandang balita pero nakapagpagawa na agad sila. Wow.

"Ate!" sigaw agad nila Franz at Frank sakin pagkababa ko palang nung kotse.

"Anak! Congrats! Ang galing mo talaga!" sabi naman agad ni Mama sakin sabay yakap agad.

"Salamat po Ma! Sainyo din Franz at Frank. Thank you mga sa prayers." sabi ko naman habang yakap yakap din sila ng mahigpit.

"Thank you Johann ha? Hindi mo pinabayaan si Clarissa." sabi naman ni Mama kay Johann.

"Walang anuman po tita. Trabaho ko po yun bilang boyfriend nya." sagot naman ni Johann sakanya.

"Oh eto. Sakto, tumawag ang papa mo. Kausapin mo muna." sabi naman ni mama sabay abot sakin nung cellphone.

Lumayo muna ako at lumunok at huminga muna ng malalim bago nagsalita.

"Papa?" sabi ko dun sa phone ng dahan dahan.

"Ate?" sagot naman nya sakin.

Yun pa lang yung sinasabi nya pero teary eyed na agad ako. Namiss ko kasi yung boses ni Papa eh.

"Papa." hikbi ko.

"Ate. Sorry kung di pa makakauwi si papa ha? Pero gusto kong malaman mo na I'm so proud of you Clarissa. Alam kong kaya mo. Alam kong magaling ka talaga kaya nga sobrang masaya si papa na malaman na isa isa mo ng natutupad yung mga pangarap mo't nandito lang kami ni Mama at ng kambal para sayo. Susuportahan ka namin kahit na anong mangyari." sabi nya.

At dun na. Sabay sabay ng pumatak yung luha ko na parang walang katapusan.

"Maraming salamat po. Kahit wala po kayo dito. Kahit malayo po kayo samin. Hindi po kayo nawala sa puso ko. Namin. Okay lang po ng wala kayo sa ngayon alam ko naman po na magkakasama ulit tayo someday. Papa, Namimiss ko na po kayo." sabi ko naman habang nags-sniff.

"Namimiss ko na rin kayo Clarissa. Magkabait ka ha? Habang nandyan ka pa. Tsaka yung pag aaral mo.. Wag mong pababayaan."

"Papa naman! Syempre naman po di mawawala yun. At syempre gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko. Kaya po wag na po kayong mag alala." sabi ko sabay punas ng luha ko.

Silver StringsWhere stories live. Discover now